girl at the next locker

82 11 3
                                    

Napangiti ako ng malawak ng makalabas ako sa student council quarter. Sinong hindi mapapangiti e panalo na naman ako, wala talagang magagawa ang mga pasuhol ng pamilya ni Cody sa galing ko, dahil ako pa rin ang gusto ng mga studyante.

"Congrats" nahinto ako sa pag lalakad ng sumulpot si Cody sa harap ko saka niya inilahad ang kamay niya. Ngumisi naman ako at nakipag shake hands.

"Good fight" tipid kong sagot at tumango siya saka na ako umalis sa harap niya.

Habang nag lalakad papasok ng gymnasium ay napapakanta ako ng mahina. Sigurado akong matutuwa sina Lolo at Lola sa ibabalita ko. Binuksan ko ang locker ko para kunin ang p.e uniform ko.

"Parang sira!"

Sinilip ko ang babaeng nasa kabilang locker at napataas ng isang kilay dahil parang ngayon ko lang siya nakita dito. Kunot noo niyang binabasa yung love letter ata na natanggap niya. Iniwas ko ang tingin sakanya ng tumingin siya saakin.

"Ikaw ba 'to?"

Bahagya akong natawa saka siya nilingon "Wow.. Medyo assuming ha"

"Hindi ako assuming, nag tatanong lang" inis niyang sagot at nakita kong tinapon niya kung saan yung papel kaya nag salubong ang kilay ko.

"Pulutin mo yun" maotoridad kong utos saka padabog na isinara ang pinto ng locker ko. Humarap ako sakanya at pinag kross ang dalawang braso saka sumandal.

"Edi pulutin mo" sarkastiko akong natawa dahil sa isinagot niya.

"Ayaw mo? Pinag bibigyan na kita" banta ko at irita niyang itinama saakin ang paningin. "Sige, mamili ka ipunta kita sa guidance office para parusahan ng general cleaning o pupulutin mo yan?" tanong ko.

"Guidance office agad!? Ka-oa naman nito!"

"Isa yun sa agenda ko, ang mapanatiling malinis ang University natin"

"Bakit sino ka ha?"

"President of student council" nakangiting sagot ko at unti unting nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.

Pilit itong ngumiti at nag kamot sa kilay "Ay hehe, sorry po" usal niya saka pinulot yung papel na tinapon niya kanina "Heto na" binulsa niya yung papel at tumango naman ako habang tipid na nakangiti.

"Alex"

Itinaas niya ang dalawang kilay niya "Alex? H-hindi Megan pangalan ko hindi Alex"

Bahagya akong natawa "Ako yung Alex, nag papakilala ako sayo"

"Ah hehe, hello Kuya Alex, ako po si Megan"

"Isang tawag mo pa saakin ng Kuya, mag gegeneral cleaning ka talaga" banta ko at sumungo siya.

"Tss.. Bakit grade eight ka rin?"

"Nine"

"Edi Kuya kita" inirapan niya ako saka tinalikuran. Napailing nalang ako habang hinahatid ko siya ng tingin.

Dahil doon sa babaeng nakilala ko o kay Megan ay araw araw na akong nag pupunta sa locker ko, nag babakasakaling makita ko siya pero wala ako lagi sa timing. Mag kaiba siguro ang schedule namin. Siguro sa tuwing napupunta ako dito sa locker ay may klase siya o kaya nag babanyo.

Sabi sa nabasa kong psychological facts, ang pinakamabilis na oras para mainlove ang isang tao ay four minutes. Sa ngiti niya mas napadali pa ata yung four minutes. Psychological facts? Tsk tsk. Depende pa rin talaga kung gaano kabilis pumana si kupido hehe.

Dahil hindi kami mag tagpo ay nakaisip ako ng paraan para masabi ko ang gusto kong sabihin sakanya. Gumawa ako ng love letter saka hinulog sa butas ng locker niya. Sigurado naman akong walang nakakita nun dahil walang tao dito.

"Oo nga e, hehe"

"Sige, dito sa kabila yung locker ko"

"Sige hehe"

Napatingin ako sa hallway at nanlaki ang mata ng makita ko siyang nag lalakad palapit. Taranta kong binuksan ang locker ko. Shet! Ano na nga ba yung password nito!?. Binuksan ko ang bag ko dahil naka sulat sa notebook ko yung password ng locker ko, nakalimutan ko na naman. Habang binabasa ang password ko sa notebook ay naramdaman kong nasa tabi na siya.

"Hello Alex"

Mabilis akong napaangat ng tingin at nakitang nasa locker niya ang tingin habang nakangiti. Pilit rin akong ngumiti "Hi.. Megan right?" kunwareng taong ko at binuksan ko na rin ang locker ko.

"Naks naalala niya hehehe"

"Siyempre" nakangiting sagot ko at pasimpleng sinilip siya. Inalis ko rin ang tingin ng makitang hawak na niya ang love letter na ginawa ko. Kinakabahan ako.

"Meron na naman!?"

"Hm?" kunwareng imik ko at pumunta sa likod niya.

"My dear Megan, Sa ngiti mo palang, tinamaan na ako, alam mo bang bagay tayo dahil kutis gatas rin ang balat ko. Sana manuod ka ng try out sa basketball, nandoon ako"

Mariin akong napapikit ng marinig ko ang tawa niya "Sino kaya yan?" kunwareng tanong ko habang mariing nakapikit dahil sa kahihiyan. Hindi ako marunong gumawa ng love letter.

Iminulat ko ang isang mata ko ng marinig na hindi siya sumagot at bahagyang nanlaki ang mata ko ng makitang nakaharap na siya saakin. "Mukhang kilala mo kung sino 'to ah?" tipid na ngiting tanong niya at mabilis naman akong umiling.

"Hindi ah" sagot ko at bumalik sa tapat ng locker ko.

"Kutis gatas pala ha tsk tsk.. " tumingin ako sakanya at nakitang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sabagay hindi nga ikaw 'to, kutis aircon ka kasi" binalik niya sa locker ang love letter saka nag kibit balikat siya kaya napangisi ako.

Lumapit ako sakanya at sinandal ang kamay sa locker "Paano kung ako nga yan?" mahinang tanong ko at nahinto siya saka tumingin saakin kaya nginisian ko siya. Nawala ang ngiti niya saka tumingin saakin.


"Hindi ako kutis gatas, may leukemia ako kaya ganito ang kutis ko" tipid na ngiting sagot niya.


"Hahaha! Megan, hindi magandang biro yan hehe" natatawang sagot ko. Joker pala siya. Inalis niya ang tingin saakin at dahan dahang humina ang tawa ko "Megan?"


"Hm?"


Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang pasa sa braso niya "Nag bibiro ka lang diba?"


"Hindi naman tayo close" hinarap niya ako habang nakangiti "Bakit ako makikipag biruan sayo?" wala ko sa sariling naalis ang kamay ko na nakasandal sa locker. "Kaya kung ikaw man yung nag padala sakin ng love letter" tinapik niya ang braso ko "Tumigil ka na, marami pang iba diyan, yung totoong kutis gatas gaya mo hehe" isinara niya ang locker niya at umalis sa harap ko.


Hinatid ko siya ng tingin habang nag lalakad ito paalis. May leukemia siya?. Sa pag lalakad niya ay doon ko lang napansin na may mga pasa siya sa binti. Wala ako sa sariling napasandal sa locker.




-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon