Chapter 4

443 14 0
                                    

CHAPTER 4


( Two months ago ...)


"Bossing, san po banda ang address na to?" tanong ko sa isang tambay sa tindahan na umi-inom ng softdrinks


"Ah ito ba?, kina Daisy ito eh, diretso ka lang, pang -limang kanto, unang bahay sa kaliwa, kulay pula yung gate" sagot nung tambay


"Sige salamat" tugon ko.


Tatlong oras o higit pa akong nag-drive papunta sa lugar na ito. Nakakapagod ang byahe, dagdagan pa ng lubak-lubak na daan. Pagkarating ko sa sinasabing pulang gate ay agad akong bumaba ng sasakyan. Mukhang walang tao. Tahimik ang loob ng bahay. Simple lang ito, kalahati ay sementado, yung ibang bahagi naman ay kahoy. Mas maayos kesa sa mga kalapit na bahay nito.


"Tao po?Tao po?" wika ko.


Ilang sandali pa ay may isang babae ang dumungaw sa bintana. Hindi ito sumagot, bagkus ay lumabas ito ng bahay at naglakad palapit sa gate. Tantya ko ay ka-edad ko lang yung babae, maganda siya, simpleng maganda, yung walang arte sa katawan pero maamo ang mukha at mukhang mabait.


"Sino po sila?" tanong nito sabay bukas ng gate


"Kaibigan ako ni Enzo, andyan ba siya?" sagot ko, biglang nagtaka ang ekspresyon ng mukha nito.


"Ah, wala siya dito, nasa Maynila nagtatrabaho" maikling sagot nito, sasagot na sana ako ng biglang may umiyak na bata, nangagaling ang boses nito sa loob ng bahay"Ay teka lang ah, halika pumasok ka muna" paanyaya nito


Hindi ko alam pero parang nanlalamig ako at kinakabahan, parang gusto ko nang umuwi, pero pilit kong pinapakalma ang sarili at nilakasan ang aking loob. Agad narin akong sumunod dito papasok ng bahay.


"Halika pasok ka, hindi pa naman ako nakakapaglinis, pasensya ka na ha" sabi nito at tuloy-tuloy na pumasok ng kwarto. Andun siguro yung umi-iyak na bata.


Pumasok na ako sa loob ng bahay, medyo malaki ito sa loob. Maluwang kasi mangilan-ngilan lang ang gamit. May isang sala set na gawa sa kahoy. Aparador at maliit na TV. Nasa likod ng aparador yung maliit na dining table, tapos kusina. Mahahalata mong ipinagawa ang bahay kasi mukhang bagong kabit lang ang kisame't wala pa itong pintura pati narin ang iba pang bahagi nito. 


Sa isang dako ng dingding ay nakasabit ang isang malaking picture. Its a wedding picture, yung babae dun sa picture, maganda siya at halatang masayang-masaya nung kinunan ang litratong yon, siya yung nagbukas ng gate kani-kanina lang at nagpatuloy sa akin. Yung lalaki naman gwapo, mestiso at malakas ang dating, at kilala ko ang lalaking iyon.

Bakit? Halos isang taon na kaming nakatira sa iisang bubong kaya hindi ako pwedeng magkamali. Yun ay si Enzo, ang aking partner.


Tila isang daang karayum ang itinusok sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa picture na pinagmamasdan. Pinaghalong lungkot at galit ang aking naramdaman. My heart screamed in silence. Naramdaman kong unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata, at hindi ko na napigilan ang pagtulo nito, nang biglang lumabas yung babae galing sa kuwarto.

SOBER HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon