CHAPTER 2
Napabalikwas ako sa kama nang magising sa ingay ng alarm clock.
Lage ko na lang nakakalimutang patayin ang alarm ko, araw-araw tuloy itong tumutunog tuwing alas siyete ng umaga. Wala naman na akong dahilan pa upang gumising ng ganun kaaga kasi wala na akong ipagluluto ng almusal. Hindi narin naman ako pumapasok sa trabaho kasi nagresign na ako. Ang mga businesses ni mama ay pinapatakbo na ngayon ng kapatid niya dahil hindi ko inako yun bilang responsibilidad nang mawala siya. At isa pa, ayokong ako ang maging dahilan ng pagkalugi ng lahat ng pinaghirapan niya. I am nothing but a mess, uncapable of doing anything at this point.
Nagtalukbong ako ng kumot at muling ipinikit ang aking mga mata, pero wala na, umalis na si antok, napalitan na nang sakit ng ulo. Pinilit kong bumangon at maglakad palabas ng kwarto. Nakaboxers lang at magulo ang buhok. Binuksan ko kaagad ang refrigirator at naghanap ng maiinom. Tubig na lang muna, mamayang gabi na ulit ang beer. Natawa ako sa naisip. Dala ang isang malamig na baso ng tubig ay pumunta ako sa sala, habang naglalakad ay bigla akong napatigil nang mapansin kong naging malinis ang bahay, nawala lahat ng kalat.
"Manang Melai??" tawag ko sa katiwala namin sa bahay
"Hijo!?" narinig kong pasigaw na sagot ni manang, mukhang nasa likod bahay yata ito, matagal na naming katiwala si Manang pero nung mamatay si mama ay naging stay out na lang ito at hindi na natutulog pa sa bahay, tuwing linggo ay pumupunta siya at naglilinis, nagri-restock ng pantry at kung ano-ano pa.
Pinuntahan ko si manang sa may likod.
"Hijo good morning, gising ka na pala" bati ni manang sa akin na may kasamang ngiti, palangiti talaga itong si manang kahit noon pa kaya nakakahawa.
"good morning ho manang, ang aga nyo naman po?" sagot ko na napangiti narin
"ay oo, alas singko ng umaga pa ako rito, minabuti kong mas maaga para makapaglinis, pupunta pa ako nang ospital mamaya kasama si Noynoy eh, check up nya ngayon" mahabang sagot ni manang, bigla kong naalala si Noynoy ang anak ni manang na may special needs. Parati kong nakakalaro yun nung andito pa sila nakatira sa bahay.
"kamusta na ho si Noynoy? Hindi ako nakapunta nung birthday niya, pakisabi na lang po na babawi ako sa kanya" sagot ko
"Ayon, ayos naman nami-miss ka, sige sasabihin ko tiyak matutuwa iyon. Oh sya, gusto mo na bang mag almusal?" tanong ni manang
"wala ho akong gana manang mamaya nalang po siguro" sagot ko sabay talikod para pumasok uli na bahay
"Marcus sandali" tawag ni manang sakin, dahilan upang mapalingon ako.
"Po?" tanong ko na nagtataka
"May itatanong ako, wag mo sanang ikakagalit ah, alam mong para na kitang anak, nasubaybayan kita hanggang sa paglaki mo at alam ko kung kelan may mali sayo" sabi ni manang, hindi ako nakasagot, bagkus ay tumingin ako sa malayo.
"Alam kong masakit sayo ang pagkawala ng mama mo, sabayan pa nang kamakailan lang na nangyari sa inyo ni....."
"Wag niyo na hong bangitin ang pangalan niya, ayoko ng marinig ang pangalan niya, patay na ho sya para sakin" pagputol ko sa sasabihin niya, hindi ko siya magawang tignan ng diretso sa mata dahil ayokong makita niya ang mga luhang namumuo rito. I breathe in deeply to hold the tears back.
"Patawad hijo, naiintindihan ko, pero sana naman Marcus wag mo naman pabayaan ang sarili mo, ang laki na ng ipinayat mo, hindi kana nag-aayos ng sarili tulad ng dati, at tingnan mo puro ka marka sa leeg at dibdib, ano na ba kasing pinag-gagagawa mo hijo?" mahabang sabi ni manang, ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
BINABASA MO ANG
SOBER HEART
RomanceMarcus lost everything he ever cared for. His mother had just recently passed when he discovered that his partner was lying to him all along. Wasting his life away, Marcus learned that there is a second chance in life. A chance to still live and a...