Chapter 21

279 9 0
                                    

Napako ang tingin ko sa kanyang pamilyar na mukha, sa arko ng kanyang kilay, sa mataas niyang pisngi, matangos na ilong at kinulayang labi, bahagyang lumabo muli ang aking paningin dala marahil ng pagkagulat sa kung sino man ang nakita ko. Muli ay namuo ang luha sa aking mga mata, nanginig ang buo kong katawan at sumikip ang aking dibdib. Pilit kong pinaniwala ang sarili na namamalikmata lamang ako, pero hindi dahil ngumiti ang taong nasa aking harapan. Isang mukhang kilalang-kilala ko simula sa aking pagkabata. Isang mukhang iginalang ko habang akoy lamalaki...ang mukha ng bunsong kapatid ng aking ina

"Surprise?"

Narining kong wika nito, sarkastiko ang ngiting namutawi sa kanyang labi, saka sabay inilabas ang isang pakete ng yosi mula sa bulsa ng kanyang suot na blazer. Walang imik kong pinagmasdan ang pagsindi niya ng yosi at pagbuga niya ng usok.

"Kamusta naman ang pamangkin ko?"

Muli nitong tanong saka muling bumuga ng usok, tanging mumunting luha lamang ang sagot ko sa katanungang 'yon. Tinatanong ko sa aking sarili kung bakit siya nandirito at kung bakit ganun ang inaakto niya. Inipon ko ang natitirang lakas at huminga ng malalim..

"Tita Sandra.....bakit? Bakit niyo nagawa sakin to?"

Nanginginig kong tanong, ramdam ko parin ang panghihina ng aking katawan. Hindi siya agad sumagot bagkus ay tumingin ito sa malayo at patuloy ang pag-hithit sa hawak na yosi

"Dont ask me Marcus.... Ask your mother!"

Singhal niya. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito. Magkahalong galit at pagkainis ang nakita ko ruon.

"Tita hindi ko po kayo maintindihan...bakit nyo ba ginagawa to?...bakit?..."

"Enough with that "Tita" shit! Matagal na kong naririndi sa tuwing tinatawag mo 'kong ganyan!"

Pagputol niya sa sasabihin ko. Bigla siyang tumayo at dahan-dahang lumapit sakin. Itinaas niya ang aking mukha dahilan upang magtama ang aming mga tingin. May diin ang paghawak niya sa aking bagang. Nanunusok ang galit mula sa kanyang mata, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa kanya.

"You dont have the right to call me Tita!"

"Hindi ko po kayo maintindihan Tita...."

Isang malutong na sampal ang aking natamo, uminit ang kaliwa kong pisngi at panandaliang nabingi ang aking tenga sa lakas ng sampal na 'yon. Hindi ko na napigilan ang di humikbi, magkahalong pagkalito at sakit ang naramdaman ko.

"You and your mother. How I wished you guys both died. It would've been much easier!"

Wika niya at bumalik sa pag-upo sa kanyang silya, kumuha ulit ng yosi at sinindihan ito.

"Alam kong magiging hadlang ka simula nung araw na dumating ka buhay namin, pareho kayo ng ina mo....."

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at naisipan niyang mag-ampon ng isang basahang kagaya mo!"

Mahaba niyang wika, ngunit isang salita lamang ang rumehistro ng paulit-ulit sa utak ko. "Ampon". Isang salitang ni minsan ay di ko narinig nuon mula sa nanay ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng marinig iyon, tulala lamang akong nakatitig sa kanya..

"Oh yes Marcus, You heard it right!" nakangiting wika niya.... "Ampon ka lang! Pinulot ka lang sa kung saan! Basura! Kaya wala kang karapatang tawagin akong Tita at mas lalong wala kang karapatan sa yamang tinatamasa mo...sa yamang tinamasa niyo ng Putok sa Buho mong Ina!"

Nangagalaiti niya niyang wika. Tila isang malakas ng bagyong bumayo sa pagkatao ko ang mga binitawan niyang salita. Sa ikalawang pagkakataon ay gumuho ang wasak ko nang mundo. Tuluyan na itong nagunaw.

SOBER HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon