Chapter 19

224 8 0
                                    

Dinig ko ang paisa-isang pagpatak ng tubig

Isa . . .

Dalawa . . .

Tatlo . . .

Umaalingaw-ngaw ang tunog ng bawat patak nito. Malamig ang bakal na aking kinauupuan, nanunuot ang lamig sa tila hubad kong katawan. Wala akong makita ...

madilim... 

Sobrang dilim....

Ramdam ko ang pagkagat ng mga daga sa aking paanan. Pinilit ko itong igalaw pati narin ang aking mga kamay pero mahigpit ang pagkakatali ng mga ito.

"hmmmmmmmp!! 

Arhhhhhhmmmmp!!"

Ang pilit kong sigaw, pero nakabusal ang aking bibig. Mahapdi, tila may isang karayom na nakatusok sa kaliwa kong braso. Sinubukan kong sumigaw ulit, pero wala ng boses na lumalabas mula sakin. Saka ko naramdaman ang unti-unting pag-agos ng aking mga luha. Takot!....Takot ang namayani sa dibdib ko! Isang takot na hindi ko pa kailan man naramdaman noon.

"Nasaan ako?......

Tulong!!!!...Tulong!!!...Tulungan niyo ko!!!"

Mga sigaw ko sa aking isipan. Hindi ko maalala kung anong nangyari. Ang huli kong natatandaan ay papasok ako sa study room ng bahay ni Clark...hinahanap ko siya...tapos...tapos...arrrrgghhhh wala na kong maalala

Nilalamig ako. Pakiramdam ko ay para akong nilalagnat. Basa ng pawis ang buo kong katawan.Kelangan kong makalabas dito. Pero paano? Hindi ako makagalaw. Wala akong makita. Hindi ako makasigaw!

"Tulungan niyo ko..... Clark! Tulungan moko...."

"aaarhhhhhmmmmmpppppp!....arhhhhmmmmmmmpppppp!"

Muli kong sigaw sa kabila ng nakabusal kong bibig kasabay ng paghagulgol ko ng iyak. "Sino?? Sino may gawa nito?... Diyos ko po... Tulungan nyo ko..." sigaw ko muli sa likod ng aking utak

click.....

click....

click...

Paisa-isang bumukas ang mga ilaw. Nakakasilaw ang dala nitong liwanag. Dinig ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Panandalian akong nabulag dahil sa nakakasilaw na ilaw, kinurap-kurap ko ang aking mga mata at paunti-unti ay nabuo sa paningin ko ang silid na kinalalagyan.

Nakaharap pala ako sa dingding ng naturang silid, kulay mapusyaw na berde na kupas na marahil sa kalumaan nito. Marumi at mabaho ang paligid, may isang sirang kama sa may bandang kanan. Wala itong bintana. Nasa likod ko ang pintuan ng lingunin ko.

Sunod kong tinignan ang sarili. Wala pala talaga akong suot na damit, tanging underwear lang na tila ilang beses ko na naihian. Ilang araw na ba ako sa ganitong kalagayan? Hindi ko alam, ang tanging alam ko ay hinang-hina na ang katawan ko, ni hindi ko na magawang panatlihing bukas ang aking mga mata. Nakagapos ang kanan kong kamay sa armrest ng upuan, pati narin ang kaliwa. Kita ko ang mga marka ng tusok ng karayum dito, hindi ko alam kung ano ang tinurok doon. Muli ay pinilit kong kalasin ang lubid na nakatali sa aking mga kamay gayun din ang saking mga paa. Pero masyado akong mahina at masyadong mahigpit ang pagkakatali ng mga ito. Saka ko ulit naramdaman ang takot, ang lungkot at kawalan ng pag-asa. Kasabay ng muling pagtulo ng luha ko ay ang pagsambit ng isang munting panalangin na kung sino man ang may gawa nito...sana maawa siya, hindi ko na kaya...gusto ko ng umuwi... Clark...asan ka ba?...tulungan moko!... Clark.. Nahihirapan na ko.... Clark...

Tulong!!!

.

.

.

SOBER HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon