[Taong 1992]
"Dapat dahan-dahan lang ang pagtipa...malambing pero may diin...sige subukan natin ulit" wika ng isang matandang madre na nagtuturo sa pagtugtog ng piano sa tatlong musmos na bata. Nakagawian na sa naturang ampunan na turuan ang mga kabataan sa pagtutog ng maiibigan nilang intrusmento, at dahil nga magkaibigan ang tatlo ay sabay nilang piniling matutong tumugtog ng piano..
"Dahil ikaw ang pinaka-kuya, ikaw muna mauuna" sabi nung madre
"Sige po sister" sagot nung bata si Franco, mahusay na siya sa kabila ng ilang buwan pa lamang niyang pag-iensayo
"magaling! Napaka-husay mo talagang bata ka!" masayang wika nung madre
"salamat po sister!" sagot ni Franco
"O yung pinakabunso naman ang susunod...halika Makoy umupo ka rito" pagyaya nung madre sa maliit na bata na kanina pa nakayuko at tahimik lang
Umiling-iling ito ng tawagin ang pangalan niya. Simusumpong na naman
"Sige na Makoy, paano ka huhusay kung hindi ka mag-iensayo" pamimilit nung madre
Muling umiling si Makoy...ayaw nitong tumugtog
"Ah sister, pwede bang sabay nalang kami para hindi po siya mahiya" sabat nung isa pang bata, si Kokoy
"Oh siya sige, basta ba sasali si Makoy" nakangiting wika ng Madre
"O lika nah Makoy...sabay tayong tutugtog...tutulungan mo si Kuya Kokoy ah..mas magaling ka keysa sakin eh" sabi ni Kokoy sabay hila sa kamay ni Makoy
Ilang saglit pa at tumayo nga ang maliit na bata at naupo sa harap ng piano kasama si Kokoy
" Paano ba to? San ako unang pipindot?" tanong ni Kokoy
Hindi sumagot si Makoy, bagkus ay pinindot nito ang isang tiklado sa piano na siya namang ginaya ni Kokoy...sunod sunod ang kanilang naging pagtipang iyon hanggang sa matapos nila tugtugin pareho ng sabay ang pinag-iensayuhang pyesa . . . .
* * * * * * * * * * * * * * * *
KASALUKUYAN
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Anim....
Siyam....
Labing-isa...
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga.I feel like a fish out of water, gasping for breath. Sobrang sikip, nakakahingal, nakakahilo.... tila may nakabara sa daanan ng hangin papasok at palabas ng puso ko. Di ko na maalala ng lubos ang huling beses na nakaramdam ako ng ganito. Hindi, naalala ko na...pero parang hindi parin...aarrgh ang gulo! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip, kasabay ng muling paghinga ng malalim upang maibsan kahit papaano ang sikip na nadarama. Tila nakalimutan na ng puso ko paano ang pumintig ng kusa . . .
Mangilan-ngilan lamang ang taong aking nakikita na naglalakad sa daan ngayong gabi...napaisip ako kung ano kayang nararamdaman nila ngayon? Nagdurusa din kaya sila tulad ko? Pareho kaya kami ng nararamdaman? Maari ko kayang hatiin ang pighating ito at iparamdaman sa kanila ang kahit na kalahati lamang ng bigat na aking nararamdaman. Hindi...napaka unfair naman kung gagawin ko yon. Pero kelan ba naging patas ang mundo? Di ko alam...di ko mawari kung bakit ito ang mga naiisip ko ngayon...siguro marahil ay para panandaliang makalimutan ang mga nasaksihan kanina...
The way she looks at him...
The way she looks at her....
The way they both smile at each other...
BINABASA MO ANG
SOBER HEART
RomanceMarcus lost everything he ever cared for. His mother had just recently passed when he discovered that his partner was lying to him all along. Wasting his life away, Marcus learned that there is a second chance in life. A chance to still live and a...