["Its been a long time since I came around, been a long time but Im back in town. This time Im not living without you"]
NAGISING ako sa saliw ng maingay na musika. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto kung saan ako nakahiga. May malaking bintana sa aking bandang kanan, malaki ang bintanang ito at duon nangagaling ang mapusyaw na liwanag na siyang tanging ilaw ng buong kwarto. Nasa kaninong kwarto ako? Tanong ko sa sarili. Kulay asul ang kobrekamang aking hinihigaan maging ang makapal na comforter na nakatip sa aking kahubaran......teka-teka? Bat ako nakahubad?!
Saka ko naalala ang mga kaganapan nung nakaraang gabi. Ang party.....Ang gotohan.... Ang pag-uwi ko sa bahay na to dahil sa pag-anyaya sakin ng may-ari nitong bahay at ang mga tagpong nangyari sa aming dalawa. Mga maiinit....hindi, sobrang init na mga tagpo. At di tulad ng mga ibang nagtake-home sakin ay hindi ako nakakaramdam ng pagsisi ngayon...tanging galak lamang habang inaalala ko ang mga nangyari sa nakaraang magdamag. Wala na siya sa tabi ko ng akoy magising, tanging amoy na lamang niya ang natira.
Naalala ko pa kung ano ang pakiramdam nung unang magtagpo ang aming mga labi, ang pakiramdam ng dila niya at ang lasa nito. Ang bawat hibla ng kanyang papatubong balbas na siyang nagdadala ng ibayong kiliti saang parte man ito ng katawan ko tumapat. Ang mga halpos niya at ang pagpasok niya sa kaloob-looban ko. Ramdam ko pa ang bawat ulos niya pati narin ang pagputok niya. Nakakadarang.....Nakakabaliw. Hindi ko mapigilan ang hindi tigasan habang iniisip ang mga tagpong iyon.
Pinilit kong bumangon mula sa kama at mabagal na naglakad papunta sa kanyang banyo. Ramdam ko ang pamamaga at medyo masakit ko pang katawan. Sino ba namang hindi? Makailang beses namin sinamba ang isat-isa kagabi. Lahat yata ng posesyon ay sinubukan namin. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa aking mukha ng maiisip ang mga iyon.
Nang makapasok ng banyo ay agad kung tiningnan ang aking sarili sa salamin, ang hubad kong katawan at ang magulo kong buhok. Hindi ko alam kung ilang oras lamang ang tulog ko, kokonte lamang siguro pero hindi ito bakas sa aking muka, bagkus ay tila mas maganda ang gising ko ngayon kesa sa nung nakaraang mga araw. Ganito talaga siguro pag nagigising ka mula sa tila isang napakagandang panaginip. Kelangan kong mag-ayos ng sarili bago bumaba at harapin siya, gusto kong prisentable ako kahit bagong gising. Gusto kong maghilamos at magsipilyo, pero wala akong gamit dito....saka ko biglang naisip, hihiramin ko nalang ang sipilyo niya!!! Binuksan ko ang maliit ng kabinet na nasa gilid ng salamin..... Dun ko nakita ang mga gamit niya, agad kong kinuha ang kanyang facial wash at toothbrush saka pumasok sa shower upang maligo.
["Head under water now I cant breathe, it never felt so good. Coz I
can feel it coming over me, I wouldnt stop it even if I could"]
YAN ang musikang naka-play habang bumababa ako ng hagdan. Ang hagdan niyang sumobra sa hakbang. Nakakadagdag sa goodvibes ang musikang nakaplay, hindi ko mapigilang hindi sumabay sa kanta. Soot ko ang kanyang sweatpants at puting sando na nahalungkat ko sa closet niya. Medyo maluwang ang mga ito dahil nga mas matangkad at malaki ang katawan niya kumpara sakin.
Nang makababa ay agad ko siyang hinagilap. Wala siya sa sala, sinilip ko ang labas pero wala rin siya. Asan kaya yun? Tanong ko sa sarili.
Saka ko naamoy ang tila matamis na pagkaing niluluto, galing ang amoy sa kusina. Nagluluto siguro siya...agad akong nakadama ng matinding excitement.
"Naku ano na naman kaya ang niluluto niya, sana tama ang pagkaluto niya nito. Tamang-tama at gutom narin ako" sabi ko sa sarili
Nadatnan ko siyang nakatalikod at busy sa kanyang niluluto. Nagkalat ang mga gamit panluto sa mesa ng kusina. Mixing bowl, Mixer, mga basag ng itlog at pakete ng pancake mix. Hindi niya ako napansing lumapit at naupo sa mesang iyon dala marahil sa malakas na music na rinig sa buong bahay. Nakasalungbaba ako at tahimik siyang pinagmasdan sa kanyang ginagawa, wala siyang damit pang itaas....tanging boxer shorts at kitchen apron lamang ang suot niya. Nakaka-aliw pagmasdan ang pag-indayog ng kanyang katawan na sumasabay sa bagsak ng musika.
BINABASA MO ANG
SOBER HEART
RomansaMarcus lost everything he ever cared for. His mother had just recently passed when he discovered that his partner was lying to him all along. Wasting his life away, Marcus learned that there is a second chance in life. A chance to still live and a...