Nagising ako sa init ng hininga niyang tumatama sa leeg ko, yakap-yakap niya ako mula sa likod, sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nakatulog sa tabi niya. Lasing na lasing siya ng umuwi kami kagabi, napasubo sa inuman kina Tito George at Tito Manolo, ako na nga ang nagmaneho sa sasakyan niya dahil alam kong hindi na niya talaga kaya pang mag drive.
Naalala ko ang mga nangyari ng nakaraang gabi. Ang pag-uwi ng pamilya niya mula states, ang masayang hapunan kasama sila...at ang pagtatapat niya sakin...ngayon opisyal na kami..kasal na lang ang kulang haha
Kagabi, sa unang beses ay ginampanan ko ang papel bilang isang ulirang "asawa", oo ang lakas makababae alam ko, pero balewala na yun sakin. Hindi na niya kinaya pa ang kalasingan at nakatulog na siya nang pauwi kami matapos namin ihatid sina Tito, Tita at Loraigne sa hotel na nai-book nila. Kotse pa lang humi-hilik na siya. Nakakatuwa nga siyang pagmasdan. Tulog bata siya habang nagmamaneho ako.
Nang makarating sa bahay ay hindi ko na siya naigawang iakyat pa sa kwarto niya, masyadong matayog ang hagdanan at mabigat siyang mamah...minabuti kong ihiga na lamang siya sa sofa. Umakyat ako sandali upang kumuha ng mga damit namin at gamit pantulog saka inilatag ang mga ito dito sa sala.....dito na lamang kami natulog sa baba.
Tulog parin siya ng sinimulan kong tangalin ang mga saplot niya sa katawan, syempre nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na muling pagmasdan ang kanyang kahubdan....ang sarap isipin na akin na ang lalaking ito ngayon...buong-buo...walang labis-walang kulang. Tulad ng dati ay namangha na naman ako sa hubog ng katawan niya, siguro ay habambuhay ko ng mararamdaman sa kanya ang pagkamanghang ito. Agad ko rin naman siyang sinuotan ng damit pantulog, tanging boxer shorts at itim na sandoo ang sinoot ko sa kanya saka siya inakay at inihiga ng mabuti sa pinagpatong-patong na bed sheet sa sahig...mahimbing parin ang tulog niya sa kabila ng lahat ng iyon. Saka ako nagbihis at nahiga sa tabi niya.
Matagal kong pinagmasdan ang mukha niya, ang mahahaba niyang pilikmata, ang matangos niyang ilong, ang papatubo niyang balbas, at ang pula niyang labi. Kung anong itsura niya ang kinatulugan ko kagabi ay ganun din ang itsura niyang kinamulatan ko ngayon... Kay sarap isipin na simula ngayon ay mukha na niya lage ang huling makikita ko bago matulog at siya namang unang makikita ko pagkagising...hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa aking ini-isip...nang bigla niyang iminulat ang isa niyang mata
"you are so in love with me right now arent you!?" malambing niyang sabi sabay halik sa ilong ko
"ang yabang mo!" sagot ko sabay natawa
"bakit hindi totoo?" tanong niya
"hindi ko matandaan, paki remind ako" birong sagot ko
"i know a good way to make you remember!"
Sagot niya sabay dagan ng katawan niya sa ibabaw ko, hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay sa sa ibabaw ng aking ulo at pinangko niya ang mga paa ko gamit ang mga paa niya, sinubukan ko lumaban pero malakas siya, hindi ako makagalaw, tanging mahinang tawa lamang ang nagawa kong pakawalan.
"san na nga ba ulit yung kiliti mo?" pilyong tanong niya, bakas ang mapaglarong ngiti sa kanyang mukha..."alam ko naaah!" sigaw niya bago mabagal na pinasadahan ng halik ang aking sensitibong leeg...
Labis na kiliti ang dulot ng papatubo niyang balbas dun sa parteng iyon ng aking katawan, hindi ko mapigilan ang hindi humagalpak sa tawa dahil sa kiliting nararamdaman, namimilipit na ako sa sobrang sensasyong dulot ng balbas niya pero hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang pagkakapangko niya sa paa at kamay ko
"tama naaa hindi ko na kaya!" pagsusumamo ko pero tila wala siyang narinig..patuloy lang ang pangingiliti niya sa leeg ko gamit ang balbas niya
"Oo naah sige na I lab u nahh tama nah haha I lab u nahh" salitan ang tawa ang pagsasalita ko
BINABASA MO ANG
SOBER HEART
RomanceMarcus lost everything he ever cared for. His mother had just recently passed when he discovered that his partner was lying to him all along. Wasting his life away, Marcus learned that there is a second chance in life. A chance to still live and a...