Chapter 8

380 9 1
                                    

CHAPTER 8


"Dahan-dahan" he said as he helped me get off the car.

Kani-kanina lang ay naka-angkas ako sa likod niya dahil natapilok ako sa park. Buti nalang at may dala siyang sasakyan. Hindi siya mapakali sa kotse kanina, nagpupumilit na dalhin ako sa hospital. He kept asking, and I kept reassuring him na ayos lang ako. Kalaunan ay tumigil din siya sa pamimilit, but he stayed as tense and looked as worried habang nagmamaneho.

Nagpumilit siyang ihatid ako papasok ng bahay, hindi naman ako umayaw dahil hindi ko talaga kayang maglakad mag-isa. Medyo humupa naman na yung kirot. Akay-akay niya parin ako sa braso niya habang papasok kami ng bahay. Gusto pa nga niyang buhatin ako ulit pero ako na ang umayaw. Alam kong hindi pa masyadong magaling ang braso niya at mukhang nangalay ito kanina nung binuhat niya ako.

"Dito na lang" sabi ko sabay turo sa isang upuan sa aming sala.

"Kelangan lagyan ng yelo yan para humupa yung maga" sabi niya, bakas parin ang pag-aalala sa kanyang boses, nakakunot ang kanyang noo, tanda parin ng hindi niya pagsang-ayon na sa bahay ako umuwi at hindi sa ospital.

Itinuro ko sa kanya kung nasaan ang kusina. Nang maka-alis siya ay saka ko hinubad ang suot na hoodie at ipinatong sa kabilang upuan ang aking natapilok na paa. Ilang sandali pa ay bumalik siyang may dalang ice bag na may lamang yelo at dalawang baso ng malamig na tubig. 

Umupo siya sa upuan kung saan nakapatong ang paa ko, inangat niya ito tapos ipinatong sa mga hita niya kasabay ang paglapat ng icebag sa aking paa. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Napapikit ako at pinunasan ang aking mukha gamit ang aking hoodie. Naramdaman ko siyang gumalaw, pagdilat ko ay naghubad narin pala siya ng kanyang suot na sando. We stared at each other for a while, but the silence made it seem so long. My eyes were locked with his. 

"Thank you ah!" I said as I look away, breaking the silence, ending that minute-long pause between us. 

"Hmmmm?" tanong nito, tila walang narinig. Patuloy ang pagdampi niya ng malamig na icebag sa aking paa.

"Sabi ko Thank you!" medyo pasigaw kung sabi.

"You're welcome!" he answered. A smirk drew in his face, his brows raised as if he found something that amused him. "Sobrang sakit pa ba?" bumalik ulit ang bahid ng pag-aalala sa boses niya.

"Hindi na masyado, medyo humupa na yung kirot" sagot ko sabay ngumiti narin pra makumbinsi siyang hindi na nga ganon ka sakit.

"Mahilig ka pala sa mga antiques" sabi niya sabay inikot ang tingin sa buong bahay.

"Hindi ako, si Mama ang mahilig sa antiques. Collecting was her hobby when she was still alive" sagot ko.

Matagal bago siya nagsalita ulit.

"So you live alone? Hindi ka ba nalulungkot?" sabi nito sabay lipat ng paa ko sa kabilang silya at ipinatong niya sa isang unan.

"Minsan, but I'm used to it. Sanay na akong mag-isa" sagot ko.

"But are you okay with it? I mean, isn't it difficult to maintain this all on your own? Ang laki ng bahay na to, paano mo nililinis to" tanong niya ulit.

"May katiwala naman kami who goes here every weekend." sagot ko..." And no, I don't really like being alone, sino ba naman ang may gusto na mag-isa, It has its perks tho. I'm free to do what I want, whenever I want. I can go naked inside the house every day!" pabirong sabi ko. 

He looked at me, smiled, and shook his head.

"Hindi bagay sayo maging loner!" kantyaw niya.

"Eh bakit ikaw? Diba mag-isa ka lang naman din sa bahay mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot, he only nodded after a while.

SOBER HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon