3

5 3 8
                                    


"S-sigurado ka?" gulat na tanong ko ng maka-bawi sa tingin nya.

"Yes, do I look like I am joking?" seryosong tanong nya kaya agad ako'ng umiling "Good, see you later at lunch, and I won't let you out of my sight" bulong nya bago nag-simulang mag-lakad paalis, napa-hawak ako sa dibdib ko, dinadama ang mabilis na pag-tibok ng puso ko.

"Ano na naman ang ginawa non sayo?" napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Nash, mariin sya'ng naka-tingin kay Zayne na ngayon ay naglalakad na papalayo samin.

"Wala" sagot ko bago kinuha ang kamay nya para maka-alis na kami doon, dumeretso na ako sa klase ko at sya din ay pumunta na sa klase nya.

Na'ng matapos ang morning class namin ay agad kaming lumabas ni Alessia ng classroom.

"Oh?" gulat na sabi ni Alessia ng makita si Zayne sa labas ng classroom namin, kahit ako ay nagulat dahil hindi ko naman inaasahan na hihintayin nya pa ako dito sa labas ng classroom.

"Let's go" malamig na sabi ni Zayne habang naka-tingin samin bago kami tinalikudan kaya agad kaming sumunod ni Alessia sa kanya.

"Nung nakaraan galit sayo yun ah? tapos ngayon may pahintay-hintay na sa labas ng room?" sabi ni Alessia habang may pang-asar na titig sakin kaya umirap na lang ako at nag-patuloy sa pag-lalakad.

Nagkita kami nila NJ sa entrance ng canteen, "Ako na lang o-order, hintayin nyo na lang ako dito" sabi ni Nash pagka-dating namin sa pwesto namin, tumango na lang kaming dalawa ni Alessia.

"Pwede ba'ng maki-sabay?" napa-angat ang tingin namin ni Alessia na'ng may biglang mag-salita.

Tatangi sana ako kaso naalala ko yung sinabi nya kanina, huminga ako ng malalim bago lingunin si Alessia, tumango ako kay Zayne, ngumiti lang sya bago umupo sa harap ko.

"Oh?" gulat na sabi ni Nash nang makita si Zayne na naka-upo sa table namin, nagkibit balikat si Alessia kaya napa-tingin sya sakin, bumuntong hininga sya bago umupo sa tabi ni Zayne.

"Hindi ka kakain?" tanong ko kay Zayne ng mapansing wala sya'ng pagkain sa harap nya, kahit sandwhich at tubig.

"Nope, kumain na ako kanina" naka-ngiting sagot nya, napa-kagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Harot!


"Ano yun?" tanong agad sakin ni Nash pagka-hiwalay samin ni Zayne.

"Si Zayne? sumabay satin?" patanong na tanong ko.

Bumuntong hininga lang sya bago umiling sakin.

Nag-tuloy tuloy ang ganoong routine namin araw-araw, sa umaga hihintayin nya ako sa gate ng University tapos sabay kami mag-lunch, tapos sa dismissal naman ay ihahatid nya ako hanggang sa gate ng village namin.

"Fiona!" napa-lingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin.

"Oh?" lumapit ako kay Austinne, isa sya sa mga tropa ni Zayne.

"Si Zayne kasi eh" he trailed, kinabahan naman ako, itatanong ko din sana sakanya kung bakit hindi ko nakita si Zayne simula kaninang umaga. "Napa-away sya kagabi, kaya hindi sya makaka-pasok ngayon" 

"Ano? nasaan sya ngayon?" gulat na tanong ko.

"Nasa condo nya, nandon si Shai para bantayan sya" sagot ni Austine bago kumamot sa batok nya.

"Shai? sino yun?" takang tanong ko

"A-ah, pupunta kami dun mamaya after class, gusto mo sumama?" pag-iiba nya ng usapan kaya napa-tango na lang ako, umalis na sya sa harap ko kaya nag-lakad na lang ulit ako papunta sa classroom.

One Strum Ahead (Drudgery Series 3)Where stories live. Discover now