| Kathang Isip - Ben&Ben |
"No, hindi pwede, hindi pwede, no" kanina pa ako pabalik-balik dito sa kwarto ko at paulit-ulit lang din ang sinasabi ko, konti na lang masasabi ko na sa sarili ko na mukha ako'ng shunga dito.
Hindi din naman ako pwedeng bumaba o di kaya ay mag-hanap ng pwedeng gawin dahil nandito ako sa bahay nila Daddy, hindi katulad sa bahay ni Sophia na pwede ko'ng gawin yung gusto ko kahit ano'ng oras.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto at kinuha yung lumang gitara ko, nag-simula na ako'ng magstrum ng gitara, stress reliever ko kasi ang music, pero ngayon gagamitin ko ang music para maiwasan ang pag-iisip ko sakanya.
''Di ba nga ito ang 'yong gusto?
Oh, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon'Habang kinakanta ko ang uang stanza ng kanta ay parang nag-flashback sa utak ko noong una kami'ng nagkita, almost a year ago.
' Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...'"Ay!" napa-tigil ako sa pag-tulala ng may biglang bumanga sa balikat ko kaya natapos yung sauce na nasa cup.
"Fvck!" napa-tingin ako sa kabilang side ko, napa-awang ang labi ko ng makita'ng kay Zayne natapos nya'ng sumigaw.
"Hala sorry, may buma-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla sya'ng lumapit sakin ng masama ang tingin.
"Tanga ka ba?" tanong nya kaya mas-kinabahan ako, ang dami pa namang naka-tingin samin dahil mga naka-sunod sakanya kanina. "Naka-tulala kasi, nasa harapan mo na nga yung basurahan, hindi mo pa matapon ng ayos"
'Napaka-sungit!'
' Pero kahit sa'n man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta '' Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa... ''Di ba nga ito ang 'yong gusto?
Oh, ito'y lilisan na ako '
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumeretso sa kama at nahiga, pero naka-ilang ikot na ako sa kama ay hindi pa din ako maka-tulog. Dumapa ako at tumitig sa headboard ng kama ko at nag-isip ulit, hihintayin ko na lang na mapagod ako kakaisip para maka-tulog ako.
"May gusto na nga kaya ako sakanya?" bulong ko sa sarili ko, alam ko naman na noon pa man may gusto na talaga ako sa kanya, sadyang isinantabi ko lang yung nararamdaman ko na yun dahil ayoko'ng masira yung nabuo na naming friendship.
"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Sophia pagkatapos ko'ng sumakay sa frontseat ng sasakyan nya.
"Mag papa-mani pedi ako plus magpapa-treatment ako ng buhok, kaya isinama kita" sabi nya, tumitig lang ako sakanya kaya ng nilingon nya ako ay ngumiti lang sya saakin. "Don't worry, I'll pay for it, my treat" ngumiti ulit sya, tumango na lang ako at isinandal ang ulo sa bintana.
"If she pay here and give her credit card, wag mo'ng tanggapin, okay? ako mag-babayad, here" ibinigay ko sa cashier ang credit card ko bago sumunod kay Sophia sa loob ng Salon mismo.
Palagi nya na lang ako'ng nililibre, siguro naman ay okay na yung ako naman ngayon.
Pagka-tapos namin sa pedicure, nagpa-manicure naman ako, si Sophia hindi na nagpa-manicure dahil masisira lang din naman daw dahil sa trabaho nya, instead nagpa-treatment na lang sya ng buhok.
YOU ARE READING
One Strum Ahead (Drudgery Series 3)
JugendliteraturDrudgery Series 3 Status: On-Going Fiona, always lacks the attention of her parents, she always has in mind that she only has one ally in her life and that is her step sister, that even the person she wants doesn't approach her nd give her attention...