"Yes Doc, mag-ro-rounds lang po ako sa ward para i-check yung vital signs yung patient don, then isusunod ko po sainyo yung charts"
"Okay, take your time, at my office after" ngumiti sya kaya tumango na lang ako bago nag-tuloy sa pag-lalakad, dumaan muna ako sa nurse station para kunin yung charts ko, kakatapos lang kasi ng lunch break namin.
"May rounds ka pa?" tanong ng co-nurse ko
"Yeah, last na tapos dadalahin ko yung charts kay Doktora, bago ako umuwi" ngumiti ako.
"Sipag, ah?" ngumiti sya kaya napa-ngisi ako.
"Sige na, una na ako may magagalit na naman sakin kapag ma-late ako umuwi" tumawa ako, bago umalis sa nurse station para dumeretso sa ward.
Pagka-tapos ko'ng mag-rounds ay dumeretso na ako sa office ni doktora para i-hatid ang charts, pagka-tapos ay dumeretso na ako sa locker room para kunin ang gamit ko. Agad na ako'ng lumabas ng hospital sa parking lot, dala ko kasi ngayon ang kotse na binigay sakin ni Sophia.
"Hello, Ma?" tanong ko ng sagutin ko ang tawag ni mama, pagka-sakay ng kotse ay inilagay ko na ang gamit ko sa passenger seat.
"Nasaan ka na? pa-uwi ka na ba? hinahanap ka na ninong little dragon mo" napa-ngiti ako.
"Opo, pauwi na po ako"
"Sya, sige, ingat ka na"
In-start ko na ang kotse ko, ini-ikot ko ang paningin ko para i-check kung may kotse ako'ng kasalubong.
Napa-awang ang labi ko ng sa pag-libot ng paningin ko ay may nakita ako'ng taong hindi ko inaasahang makikita ko, at dito pa talaga. Nakita ko'ng naka-tingin sya sa kotse ko.
Napa-tingin ako sa mukha nya, at isa lang ang naalala ko kapag nakikita ko ang mukha nya, ang anak ko.
At hinding-hindi ko na hahayaan ulit na mapag-laruan nya ako, hinding-hindi na ako makakapayag na maulit yun, tama na'ng nagpaka-tanga ako sakanya ng isang beses.
YOU ARE READING
One Strum Ahead (Drudgery Series 3)
Novela JuvenilDrudgery Series 3 Status: On-Going Fiona, always lacks the attention of her parents, she always has in mind that she only has one ally in her life and that is her step sister, that even the person she wants doesn't approach her nd give her attention...