"Duh? Alam mo naman ang Showbiz life ngayon, sobrang gulo, pero ikaw ba? pumayag ka na ba?" Tanong ko sa kausap ko'ng kanina pa ako kinukulit.
"Alam ko naman yun, pero pangarap nya yun, hindi naman pwedeng pigilan ko sya sa bagay na gusto nya'ng gawin" He sighed.
"Yun naman pala, ano pang problema mo?"
"Natatakot lang ako, okay? Lalo na at ipapasok sya sa isa'ng loveteam"
"Alam mo, kung mahal ka nyan hindi naman mawawala yan kahit kanino pa sya i-love team!" I said, in a matter of fact. "Tsaka halos nasa isang mundo lang naman kayo, diba? Dahil ang mga clients mo sa Photography ay mostly artista?"
Tumagal ang pag-uusap namin ng mga ilan pang minuto bago sya nag-desisyon na patayin na ang tawag dahil may pupuntahan pa daw sya.
"Sino yung kausap mo at mukhang bad mood ka?" nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Alessia sa gilid ko. "Tsaka bakit loner ang peg mo ngayon? LQ kayo ni Zayne?" pang-aasar pa nya.
"Si Jayden, nanghihingi lang ng konting advice" I answered her first question "Anong loner? may kinuha kasi ako'ng form sa Giudance Office, tsaka ano'ng lq ikaw kung ano-anong nalalaman mo"
"Sus" sabi nya may halo pang pang-huhusga ang mukha nya kaya agad ko'ng hinawakan ang mukha nya at tinulak bago ako naunang mag-lakad. "Galing-galing mong mag-advice sa iba, tapos ikaw hindi mo ma-apply sa sarili mo" habol pa nya kaya napa-irap ako.
"Ewan ko sayo, tara na ihahatid na kita sainyo" inakbayan ko sya bago kami nagpa-tuloy sa paglalakad.
"Wow naman, good mood ka ah? Anong meron?" pansin ni Alessia.
"Wala ah! bilisan na natin madami pa tayo'ng rereviewhin"
"Oh? ba't naman 'to natawag?" bulong ko sa sarili ko ng makitang natawag si Zayne, hindi pa ulit kami nag-uusap simula noong nakaraang araw "Three missed calls?"
"Bakit hindi mo sinasagt ang tawag ko?"
"Kakakita ko lang, kumain kasi ako" I explained. "Why?"
"Wala lang, hindi na kasi tayo nakapag-usap ulit simula noong nakaraan na hinatid kita, hindi din naman kita nakikita sa Campus"
"Kase, magka-iba ang sched natin"
"Alam ko, so? pwede ka ba bukas?" tanong nya.
"Huh? bakit? wala ka ba'ng pasok?"
"Wala kaming pasok bukas, ikaw ba? ano'ng oras ang tapos ng klase mo?"
"Ganong pa din, 12 PM"
"Good, sunduin Kita sa school, sabay tayo mag-lunch" I can sense his happy face in the way he speaks.
"Uh, okay"
"Kanina ka pa dito?"
"No, kakadating ko lang, tara" Nagulat pa ako na'ng kinuha nya ang bag ko at iniwan sa kamay ko ang mga librong hawak ko.
"Saan Tayo?"
"Lunch muna, nagugutom na ako. Saan mo ba gusto mag-lunch?" nilingon nya ako habang patuloy pa din sa pagda-drive.
"Daan tayo ng supermarket, doon tayo sa condo mo, mag-luluto ako" kinindatan ko sya.
"Bakit? ayaw mo ba kumain sa labas?"
"Hindi sa ganon, para kasing hindi ka na kumakain ng luto'ng bahay, puro ka ordered food." inirapan ko sya. "Wala ka ba'ng tiwala sakin? Marunong ako mag-luto 'no!"
![](https://img.wattpad.com/cover/258102317-288-k723000.jpg)
YOU ARE READING
One Strum Ahead (Drudgery Series 3)
JugendliteraturDrudgery Series 3 Status: On-Going Fiona, always lacks the attention of her parents, she always has in mind that she only has one ally in her life and that is her step sister, that even the person she wants doesn't approach her nd give her attention...