7

6 3 4
                                    



"Aga mo naman ata?" tanong ko kay Alessia pagka-upo ko sa harap nya, first day kasi namin ngayon, 3rd Year.

"Hindi ako nag-breakfast sa bahay, wala pang luto eh kaya pumunta na agad ako dito" pinapunta ko kasi sya dito dahil ngayon ko pa lang kukunin ang susi ng locker ko sa Admin office, dala ko pa ang nagkakapalan ko'ng medical books kaya ko din pinapunta si Alessia para may kasama ako'ng mag-dala ng libro.

Hindi ko na din pinag-sundo sakin si Zayne dahil bukod sa magka-iba ang sched namin, kakauwi nya lang din kahapon galing sa vacation nya kasama ang parents nya, may gig din kasi sya kagabi, hindi nga lang din ako naka-punta dahil nag-advance reading ako ng Med books ko, kadalasan kasi ay meron kaming test kapag first day of the week.

"Tara na, ano'ng oras na, mag-hahanap pa tayo ng room" We both stood up from our seat, dumeretso kami sa kotseng dala ko, pinahiram sakin ni Ate dahil ang dami daw ng libro na dala ko, mahirap daw mag-commutemay gagamitin naman daw kasi sya tsaka sabay silang papasok sa trabaho kaya ayos lang daw, hindi na din naman ako tumangi dahil mahirap naman talaga dahil sa dami ng libro ko at makakapal pa.

After ng klase namin ay natagpuan ko si Zayne sa labas ng classroom namin nag-hihintay, sabay daw kaming maglu-lunch, hapon kasi ang klase nya at ako naman ay sa umaga kaya talagang magkaiba ang schedule namin higit sa lahat ay magkaiba ang course namin dahil Legal Management ang course nya at ang akin ay Medicine.

"Una na ako sayo, may lakad kami nila Danica eh" nagpaalam na ako kay Alessia bago sumakay sa kotse'ng dala ko, ihahatid ko sana sya bago ako makipagkita kila Danica kaso may meeting pa daw sila kaya hinayaan ko na lang.

Dumaan muna ako sa bahay para mag-ayos at iwan ang mga libro na aaralin ko mamaya, maaga kasi ang dissmisal namin ngayon dahil first day, kaso may quiz agad kami bukas well nasanay na din naman ako. 

Pagka-ligo ko at pagka-ayos ko ay agad na ako'ng umalis ng bahay, hindi ko na dinala yung sasakyan dahil pupunta din naman si Sophia.


"Kanina pa kayo dito?" tanong ko kay Gray pagka-dating ko sa lobby ng Mall kung saan sila nag-hihintay, ang nandito pa lang ay si Danica, Alex at Gray, tsaka ako. Mukhang hindi narinig ni Gray ang tanong ko dahil may ka-chat sa phone kaya kay Danica na lang ako lumapit.

"Si Sophia?" tanong nya agad pagka-lapit ko sakanya.

"Medyo ma-lalate lang daw sya dahil hindi sya pwedeng mag-undertime, may meeing pa daw kasi sya with their clients" paliwanag ko, tumango lang sya. Halos kalahating oras din ang itinagal ng pag-hihintay namin kay Jayden at Achlys, nauna na kami sa loob para mag-hanap ng pwedeng kainan, on the way na daw kasi si Sophia.

"Ano'ng problema mo at nakakunot yang noo mo?" tanong ni Alex ng mapansin si Jayden na naka-tulala at naka-kunot ang noo "Hoy!"

"Hoy!.. ha?" tanong nito kay Alex kaya napa-kagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko, mukhang ganon din si Danica at Achlys dahil rinig ko ang pigil na hagikhik ni Achlys.

"Tulala ka!"

"Malalim ata ang iniisip mo?" pang-aasar ko sakanya.

"Ulol, tigilan mo ako sa mga ganyan mo" umiling si Jayden kaya mas lalo sya'ng inasar ni Danica

"Wag kami, alam namin kung sino iniisip mo!" 

"Kayo ni Sophia!" panimula ni Achlys "Pareho kayo'ng tirador ng Haisley!" tumawa ng malakas si Achlys, nakipag-apir pa kay Gray na tatawa-tawa din.

"I heard my name!" napa-lingon ako sa likod ni Alex kung saan ko narinig ang boses ni Sophia.

"Oh! ayan na pala ang kakampi ni Jayden" pang-aasar pa ni Alex.

One Strum Ahead (Drudgery Series 3)Where stories live. Discover now