6

5 3 2
                                    


"Saan na naman ang punta mo?" napa-angat ang tingin ko kay Ate ng bigla sya'ng mag-salita, pagka-labas ko ng kwarto, hindi ko inaasahan na nasa labas na pala sya ng kwarto ko.

"May pupuntahan lang kami ni Zayne"

"Nanliligaw ba sayo ang Zayne na yan?" okay, her other side slowly showing up. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Hindi"

"Hindi, pero halos araw-araw kayo'ng lumalabas dalawa, sinasabi ko sayo kapag nag-tago ka ng kahit ano sakin, ibabalik kita kay Daddy" pananakot pa nya.

"Wala nga, promise" ngumiti ako

"Siguraduhin mo lang, sige na umalis ka na, be home by 8PM"

"Ate! 10PM" sini-mangutan ko sya.

"8:30PM that's final, walang mag-kaibigan na lalaki't babae na umaabot ng 10PM ng gabi" istriktang sabi nya kaya wala ako'ng nagawa kundi tumango.

"Okay, una na ako, baka nasa baba na si Zayne. Bye" humalik ako sa pisngi nya bago lumabas ng bahay, tama naman ako dahil nadoon na nga sya.

"Tara na?" naka-ngiting salubong nya sakin.

"Let's go, saan ba tayo?"

"Naka-punta ka na ba ng Enchanted Kingdom?" tanong nya pagka-sakay nya sa driver's seat.

"Uhm, Oo siguro two years ago if I'm not mistaken, bakit mo natanong?"

"Sino'ng kasama mo? you're boyfriend?" tanong nya pa.

"Duh? don't you know? never pa ako'ng nagka-boyfriend!" 

"Totoo? baka gino-good time mo lang ako, ah?" tumawa sya

"Sira, mukha ba ako'ng may ex?" inirapan ko sya.

"Oo, sa ganda mo'ng yan? imposibleng wala ka'ng naging boyfriend"

"Zayne, wala ako'ng naging boyfriend pero, may mga nanligaw din sakin, okay? at yang sinasabi mo ngayon, siguro seventy-five percent sa mga manliligaw po, sinabi na nila yan sakin"

"Pero bakit hindi mo sila sinagot?" tanong nya pa.

"Beacause, I don't feel comfortable sa kanila, but all of them are nice to me and to my friends, sadyang hindi ko lang makita ko yung sarili ko na magiging boyfriend sila, okay na?" tumawa lang si Zayne at tumango.

"Fiona.." he trailed, kaya napa-lingon ako sa kanya. "Look at my eyes" sinunod ko ang sinabi nya kahit pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko sa mga titg nya, shet.

"Ako ba? nakikita mo as boyfriend mo?" seryosong tanong nya pa.

"Huh?" gulat na tanong ko.

Tumawa lang sya at umiling, tumango na lang ako at ibinaling ang buong atensyon sa daan. "Saan tayo?" tano'ng ko ng makita'ng palabas kami ng Manila.

"Tagaytay, I know something there sabi nila Austin yung Sky Ranch, have you been there before?" tanong nya.

"I know that pero hindi pa ako nakaka-punta don since wala namang time, kung meron man nilalaan ko sa pag-babasa ng medical books or lumalabas ako kasama ang friends ko" 

"Edi maganda, first time natin don" ngumiti sya sakin. Dumaan muna kasi sa drive thru para bumili ng breakfast namin, maaga nya kasi ako'ng sinundo sa bahay dahil baka daw ma-traffic kami, tsaka medyo malayo din kasi ang Tagaytay sa Manila.

"Ano'ng oras ba ang bukas ng Sky Ranch?" tanong nya habang kumakain kami, nag-stop kasi kami sa isa'ng side ng Fast Food Chain kung saan kami nag-drive thru, nasa likod kami ng sasakyan nya naka-upo at kumakain.

One Strum Ahead (Drudgery Series 3)Where stories live. Discover now