1

21 2 4
                                    


"Mag-ready ka na" napa-tingin ako kay Sophia ng bigla sya'ng pumasok sa kwarto ko, dito ako nag-stay sa bahay na ibinigay sakanya ni Daddy kasama ang boyfriend nya.

"Huh? bakit?" takang tanong ko bago isinara ang libro na binabasa ko.

"Dad text me, he want us to join him for dinner" she show me her phone, tumango na lang ako bilang response, lumabas na sya ng kwarto ko kaya niligpit ko na agad ang mga libro at highlighters ko na naka-kalat sa study table ko.

Naligo na ako at nag-ayos, nag-bo-blower ako ng buhok ng pumasok ulit sa kwarto ko si Sophia.

"Bilisan mo na dyan, alam mo naman na ayaw nya ng late"

"Oo na, kasama ba si Tita?" tanong ko, Mommy yun ni Sophia, ayoko lang sya'ng tawagin na mommy dahil una sa lahat hindi ko naman sya nanay, pero minsan natatawag ko sya ng mama lalo na kapag importante yung sasabihin ko.

"Hindi daw eh" 

"Ah, sige na susunod na ako sayo tatapusin ko lang 'to.


Ng maka-dating kami sa resto na sinabi ni Daddy ay nandon agad sya, mukha namang good mood dahil hindi sya naman naka-kunot ang noo, bihira lang din kasi sya'ng mag-aya ng dinner, kung mag-aaya man sa bahay lang.

Tahimik kaming kumakain na'ng biglang basagin ni Daddy ang katahimikan.

"Fiona" napa-angat ang tingin ko sakanya "how is your studies?" tanong nya.

"Good, still on dean's list, no cuts" sagot ko, dineretso ko na dahil alam ko namang itatanong nya yun.

"Good, how about you, Sophia?"

"Nag-tatrabaho" sagot ni Sophia, napa-kagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa sagot nya, samantalang si Daddy naman ay natawa.

"Yeah, sorry I forgot" natatawa pading sagot nya.

"Thanks for tonight, next time ulit" ngumiti si Daddy samin habang nag-lalakad kami palabas ng restaurant na kinainan namin "By the way, how's your relationship with Kade?" tanong ni Daddy kay Sophi

"We're good" ngumiti si Sophia bago ako sinulyapan.

"Then, that's good, sige na umuwi na kayo may pupuntahan pa ako" ngumiti si Daddy saamin bago kami niyakap, nauna na kami ni Sophia na umalis, dahil ng lingunin ko si Daddy ay may kausap pa sya sa phone nya.


Monday na naman kaya nung nag-daan na sabado at linggo ay puro libro lang ang kaharap ko, may quiz kasi kami mamaya kaya kailangan ko din pumasok ng maaga dahil first subject namin yun, tapos mag-kikita pa kami ni Alessia sa gazeebo para mag-review.

"Una na ako, nakapag-luto na ako ng breakfast, nasa lamesa" sabi ko kay Sophia ng makita ko sya'ng nag-lalakad pababa, naka-pajama pa, kinuha ko na ang bag at libro ko para lumabas na ng bahay.

"Sabay ka na kaya sakin?" tanong pa ni Sophia kaya agad ako'ng umiling

"Hindi na, out of the way sayo, tsaka mag-kikita kami ni Alessia, maaga din ang quiz namin, bye" humalik ako sa pisngi nya bago dere-deretso'ng lumabas ng bahay.


"Buti naman nandito ka na" salubong ko kay Alessia ng maka-lapit sya sakin, kakadating nya lang.

"Sorry na, oh pagkain" ini-abot nya sakin ang isang egg-sandwhich.

"Ayun, may pa-peace offering naman pala, sige na umupo kana para makapag-review na tayo" kinuha ko ang binigay nya'ng egg sandwhich bago inilagay sa bag ko, kinuha ko naman ang libro ko at highlighter.

One Strum Ahead (Drudgery Series 3)Where stories live. Discover now