Kabanata ll |His Smile|

27 3 0
                                    




"Alli's Point of View"

Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fast food malapit sa university na tinuturuan namin.

"Hanna, kilala mo ba yung bagong professor?" tanong ni leo.

"Hindi e, hindi ko pa rin nakita istura".

"Ano ba itsura, pogi ba? " magkasunod na sabi ni hanna.

Biglang napaubo si leo nang tanungin ni hanna yun, halata ko rin na napakunot siya.

"Mas pogi ako dun". A matter of fact tone niyang sabi kay hanna na naging dahilan para tumawa ito na may pahampas pa sa balikat ko.

"Tawang tawa?"

Napailing nalang ako sakanilang dalawa ng nagsitawanan sila. Mga kaibigan ko talaga may sapi.

"Ikaw ba kilala mo hanna?". Biglang lipat ng tanong ni hanna sakin, bigla ako napahinto sa pagsubo nang hintayin nila ang isasagot ko. Nakatingin lang silang dalawa sakin ng seryoso na abang na abang na akala mo naman nasa paligsahan kami at i-aannounce na ang mananalo.

"Bakit nag-ganto tong dalawa?"

Napa- ahemm muna ako bago sumagot.
"Yung katangkaran mo ba? Nakita ko siya kanina." Sabi ko at sinubo ang dapat na isusubo ko kanina.

"Nakita ko yung file niya kanina sa office, same school pala kayo kaya na-curios kami kung kilala mo e", sabi ni leo sakin sabay tingin kay hanna.

"Diba hanna?"

"Oo, nabanggit ni leo sakin kanina at na-curios din ako"

" Magkakasama kami kanina, bat diko napansing sinabi ni leo? Siguro sinakyan lang to ni hanna, -_-"

"Naging classmate ko siya, kaya oo kilala ko siya, pero di ko napansin kanina,na siya pala yun" tugon ko at uminom.

"Classmate lang?" -hanna

"Hindi naging friends?"pahabol naman ni leo.

"Baka naging friends sila nung classmate sila?" Tanong naman ni hanna kay leo ng sulyapan niya ito.

"Ay pwede" sabi ni leo na may makahulugang tingin kay hanna.

Napasapol nalang ako sa ulo, nakakaumay tong dalawa pag nagsama.

Sabay ko silang pinalo sa braso para mag si-tigil sila sa mga pinag uusap nila.

"Ouchie", na may pahalong pabebe effect ni leo

"Aray ku huhu" sabi naman ni hanna na mangiyak ngiyak na akala mo nawalan ng braso.

Tinawanan ko lang sila."Di tatalab pag-papakonsensya niyo sakin"

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa aming kaniya kaniyang desk. May kalayuan yung kay leo at magkatabi naman kami ni hanna.

Nang makarating kami ron ay halos nandoon lahat ng teachers sa university, malawak itong faculty room kaya naman may tig-iisang table ang every teachers.

"Hello, can i get your every attention please" biglang nagsalita ang head samin na nagpatingin sa lahat.

"I forgot to introduce to you all my dear amigos" at may tinawag siya na lalaking expected ko na kung sino.

"Our new professor, Mr Zind De La Questa" para siyang nagpresent ng bagong produkto sa isang pamilihan.
Ka-akbay niya ito ngayon. Napa-palakpak ang mga ibang teachers, karamihan sakanila ay nagsasabi nang welcome Mr. Zind at ang iba naman ay nag hi o nakangiti lamang.

Napatingin ako sa ipinakilala ng head namin, as expected sabi ko nga siya yun, siya yung nakita ko kanina, siya rin yung tinutukoy nila hanna.

Nagulat ako ng tumingin siya sakin at ngumiti. ngumiti siya? Akala ko ba di niya ko nakilala kanina? Di rin nagreet back tapos ngayon ngingiti-ngiti siya? Luhh problema nun.

Napa-ngiti nalang rin ako sa at ibinalik ang tingin ko sa desk ko na may mga artworks na dapat kong ayusin.

Nang matapos yun ay nagsi-labasan na ang mga kapwa ko teachers at nagsi-puntahan na sa kanilang class, may mga narinig pa akong kinakausap pa nila ang bagong professor bago sila tuluyang umalis.

Hindi ko napansin bilang nalang pala kami sa mga naiwang teachers sa pagka-occupied ko kaya naman nung may kumausap sa akin sa likod ko ay nagulat ako ngunit hindi ko iyong ipinahala. Magugulatin ako and aware ako ron so kaya kong itago sa mga gantong bagay.

Pamilyar itong pangyayaring to, ganto rin siya noon, pagkakausapin niya ko, hindi ko mamamalayang andyan na pala siya sa likod at mapapahawak nalang ako sa dibdib sa gulat.

Naitago ko ang gulat ko at hinarap siya,
"Yes mr. zind? What can i do for you?"

Bakas sa mukha niya na malungkot siya at parang hindi mapakali nung humarap ako sakanya.

"Uhmm...., uhmm" .... sabi niya na may pag-aalinlangan kung sasabihin ba niya talaga o hindi.

"No need pala, sorry for being a nuisance", pagkasabi niya nun ay umalis na ka agad. Ramdam ko na nahihiya talaga siya, kaya hinayaan ko na lamang.

"Kita ko yun" sabi ni hanna sa gilid, hindi ko siya napansin na andyan pala siya, akala ko umalis na rin siya kasabay ng fellow teachers kanina.

Napatingin ako sakanya, bigla ako natawa dahil sa mukhang pinapakita niya sakin, makahulugang mata akala mo may pinapanood na isang romance.

Biglang siya nahiyaw na agad kong itinakip ang kamay ko sa bunganga niya.

"Omg. I can see the chemistry" sabi niya na parang may kiliti sa pwet na kinikilig. Dinaig bata na kiligin sa isang romance na palabas.

"May tinanong lang", sabi ko nalang sakanya at kunwari tumalikod na para hindi niya na ako asarin ngunit may sinabi uli.

"I think, gusto niyang magpasama".

"Saan naman?" Pagkaharap ko uli kay hanna

"Sa pag-ikot rito sa buong university"

Napa-isip ako ng suguro... "mukha ba kong mabait? Bakit ako?".

"I-tour mo na, ikaw lang inapproach niya satin". Sabay tingin niya sa nakaupong lalaki sa sulok malapit sa pintuan.

Napatingin rin ako at kitang kita ko ang pagaayos ng gamit niya sa lamesa niya mula rito.

"Ano, i-tour mo na ba?" Pamimilit uli ni hanna habang tinitignan ako ng may halong pagmamaka-awa. Akala mo talaga siya yung humingi ng request.

"Sige". Pagkasabi ko nun at napa-yes si hanna na naging sanhi ang pagtingin samin ng ibang teachers na naiwan rito

Mahinang tawa ang naitugon ko ron dahil sa pag-aagaw atensyon niya sa ibang teachers.

Nahagilap kong nakatingin rin samin si zind at nung tumingin nako pansin kong nagulat siya kaya naman ngumiti na lamang ako bago nag alis ng tingin.

"Parang di magandang idea ang pag-tour na ito"

"Bawiin ko kaya pagpayag ko kay hanna?

A/N: Fighting Zind and Allira. I'm rooting for the both of you.>_<

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon