Kabanata X |Casual|

3 1 0
                                    




"Alli's Point of View"

Kasalukuyan kaming pinatawag ng principal dahil magkakaroon ng meeting.

Kompleto kami ngayong mga teachers, instructors and professors dito sa faculty.

Kulang na nga lang janitor at vendor. "Kung tawagin ko kaya?" Joke.

"Okay guys!" sabay palakpak ng head teacher. Katabi niya ang principal na nasa harap namin.

"This following week, gaganapin ang ating Mr. and Ms. Intramurals. Bukod sa pageant, syempre magkakaroon din ng singing contest and theatre play. Well of course sa dancing contest at iba pa."

"I expected to be Mr. Dovio in singing contest?" Sabi ng head namin sa fellow teacher.

"Yes" sagot naman nito.

"While in Dancing contest, I expect Mr.leo and Mr. Fedriko, Ms. Hanna and Ms. Linna?" Tanong nito.

"Yes sir" sagot naman ni hanna and leo at napatingin sila sa isa't isa sabay ngiti.

"Okay sir" sabi naman ni Ms. lina at ni Mr. Fedriko. Sila yung married couple na nabanggit ni zind nung nag-sabay kami.

"Mr. Zind, Ms. Allira, Ms. Dina you three are in theatre play. Collaborate to each other".

"Okay sir"sabi ni Ms. Dina.

"Yes" sabi ni Zind.

"Got it sir" sabi ko naman.

Sa music si Zind, sa interior design naman ako ng theatre play then sa pag-instruct naman kay Ms. Dina. Pwede na rin.

Maraming pang ina-nnounce tulad ng sa sports at tungkol sa pageant. Pati mga clubs makikisama din na per room ay meron at mga students ang mag aasikaso.

"Good luck fellows" sabi ng principal at umalis na.

Nagsipuntahan na rin ang mga teachers sa kanilang classes para i announce ang magaganap na event.

Naiwan naman ang iba para pag usapan muna kung pano ang planning nito. Tulad ng nung kina leo para pagplanuhan kung anong concept  ang mga kakantahin at kung sino sino ang mga kukunin na icocontest.

Naiwan rin kaming tatlo upang pagplanuhan ang theatre play na gaganapin.

Kasalukayan silang pumunta rito sa table ko at naupo sa tabi ko.

"Nahiya ako don. Sila nag adjust."

Nabalot ng saglitang katahimikan bago nagumpisang magsalita si Ms. Dina.

"Disney movies kaya?" Tanong nito samin ni zing nang nag-paisip sa amin.

"Beauty in the Beast?" Suhestyon ko.

"Pwede ring Cinderella" suggest naman ni Ms. Dina at sabay namin nilingun si Zind na nakatingin lang.

"Ikaw na lang pumili Zind" sabi ko naman at napa agree naman si Dina.

"Lahat nalang kaya nang disney characters and then their popular scenes". Komento ni Zind

"Like si cinderella muna ang magpapakita sunod sa point of view ni bell and biglang mag lights out andyan na si ariel?" Pagpapatuloy ko.

"Correct, that's what I am thinking". Tugon ni Zind.

"That's nice". Komento ko sakanya at napatapik sa braso niya.

"Okayy na okay" komento din ni Dina habang nakangiti.

Pagkatapos din namin napagusapan ang mga iba pang detalye ay agad ng nagpaalam si Dina.

Akala ko aalis na rin si zind ngunit nanatili siyang naka upo nang makaalis na si Dina.

"Gaano ka naman na katagal rito?" Tanong nito habang tumitingin tingin sa paligid at humarap sa akin uli nang nakangiti.

"Mag tatlong taon" sagot ko naman sakanya.

" How is your students so far?" Tanong niya.

"Magagaling sila and lahat competitive." Sagot ko.

Napa-tango na lamang siya.

"Yung sayo?" Balik tanong ko.

"They're also competitive and talented. I think all the students here are like that". Sabi niya na ikana sang-ayon ko.

"Yes. This school was one of the top school here in this province and mataas rin ang hinihingi na standards ng schools sa mga students na nag-aaral dito". Saad ko.

"Ohh. Agree, that is one of my reasons in my decision coming here". Sagot naman niya, na ika tango ko na lamang..

May mga napag-usapan pa kaming bagay bagay tungkol sa university na to, bago nagpaalam sa isa't isa.

Siguro sa ngayon hindi ko pa masasabing wala na akong pagtingin sa kanya ngunit sa tingin ko huhupa rin ito. Masaya ako na ganto, Natural lamang kami patungkol sa mga bagay bagay.

In other words. Co-workers ang turingan.

Masaya ako para sa kanila. Ayaw ko masira ang samahan na nabubuo pa lamang namin ngayon dahil sa one-sided ko na to sa kanya.

"I should've go." Pagpapaalam nito.

"Umm".  Tugon ko at ngumiti.




Kada klase na papasukan ko, napag-uusapan ang magaganap na event. Makikita mo sa mukha ng mga estyudyante na excited sila rito. Ang iba pa ay nagsitalunan at ang iba nama'y nagsisigaw na parang new year na kulang na lang may torotot pero mukhang hindi na kailangan dahil sa mga sigaw pa lang nila sapat na. Aakalain mong may nanalo sa lotto.

Naiintindihan ko naman ang ligayang nararamdaman nila dahil maski ako naranasan ko yan, ang masakit lang ay marami nga lang akong trabaho pag may events na ganyan. Kaya hindi ko masyadong na enjoy.

That's so called sadlyp, hahahaha.

"Ting"!

Tunog ng cellphone kong nakalagay sa bulsa ng suot ko.

Tinignan ko muna saglit.

From: Edrain

"This saturday na yung blind date niyo ni Yohhad. Goodluck".

Agad ko itong nireplyan.


From: Alli

"Geee. San meeting place?"

'Sighs', pagbibigyan ko lang talaga si kuya para sumuko na. Lagi na lang itong bungad sa akin nun, baka masuntok ko na yun pag pinilit nanaman ako.


From: Edrain

"At Gensa coffee shop. Enjoy ur date mah lil sis".

"Tsss, lil sister ka dyan".


From: Alli

"Paano pag hindi ako pumunta?
Wala rin naman akong balak talaga eh."


From: Edrain

"Kukulitin kita hanggang sa pumayag ka:)"

Aaahhhhhh kuyaa!
I have no choice, 'Tchh'.



From: Alli

"Ito ang Una at Pang-huli na gagawin ko ito".

Hindi ko na hinintay ang reply niya at Ibinulsa ko na ang phone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon