Kabanata lll |Tour|

23 3 1
                                    




"Alli's Point of View"

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kay hanna kanina, ngayon tuloy namomoblema ako kung babawiin ko ba yung binitawan kong salita sakanya o hindi.

"Bat nga ba ako pumayag?" yung effort talaga sa pag-approach talaga nung tao. "Oo yung effort, walang ibang dahilan"

"Maliit na bagay lang to, Sasamahan lang siya." sabi ko sa aking sarili.

Bago ako pumunta sa panghuli kong klase ay ipinaalala ni hanna sakin iyong pagpayag ko na i-tour si zind dito sa university.

Tumango nalang ako at sinabing pagkatapos nitong last class ko siya i-tour.

Nag thums up naman siya na may malaking smile sa mukha. "I smell something fishy" -.-

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay agad akong dumiretso sa faculty at sakto naman nakasalubong si zind

Akmang tatanungin ko na sana na kung gusto niya bang mag- pasama pero agad siyang nagsalita na ikinatuwa ko dahil siya na mismo ang nagsabi, "Mabuti naman".

"Ms. Allira? Id like to spare some of your time and ask a favor to tour me in this university so that i can familiarise this place".

"But it is okay to decline it". Diretso diretso niyang sabi. Formal lang at sincere

"Yeah, sure" sabi ko at napa-pat ako sa balikat niya at sinabing wag siyang mahiya pag may kailangan siya.
Nagulat siya sa ginawa ko at Napatingin sa kamay kong nakapatong sa balikat niya. Nung nag-sink sakin, kaagad ko itong inalis.

"Gaga ka talaga alli, eto ka nanaman sa pagiging touchable mo sa mga tao. Wag mahiya eh mas lalong atang nahiya yung tao sayo. Gaga ka talaga."

"I'm sorry". Kaswal kong sabi sa kalokohang ginawa ko.

"Next time, feel free to ask me anything, sino pa ba magtutulungan kundi tayo tayo lang" sabi ko sabay ngiti sakanya. Tinignan niya lamang ako.

"So shall we?? Oh, wait let me put my things in my table." Sabi ko at inilagay ang mga gamit na dala ko sa last class ko, katapos bumalik rin agad sa kanya.

Sabay kaming naglalakad ngayon sa first floor, sa first floor ko muna siya ilibot bago sa higher floor.

Tahimik lang kami dalawa habang palakad lakad. Parang ba umaatras bunganga ko pag gusto ko siyang itanong sa bagay bagay, naiinis ako dahil nahihiya ako. Act normal alli.

Narating namin ang magkakatabing room ng elementarya.

"Dito ang rooms ng primary level" sabi ko habang tumitingin sa tinutukoy ko. tingin at tango lang natanggap ko sakanya.

Naglakad lakad lang kami at iniisa isa ko mismo mga rooms and office rito, naturo ko na rin kung saan ang secondary level at tertiary level na aming studyante, kaswal lang ang pagsasabi ko sakanya, tango lang din ang natatanggap ko sakanya. Wala naman siyang tinatanong pag nag-uumpisa ako ng usapan kaya naman agad rin natatapos.

Nang marating namin ang rooftop ay nagpahinga muna kami. Nakakapagod libutin itong university na ito dahil napakalawak at madami rin ang facilitates rito.

Kasalakuyan kaming nakatayo rito na kung saan nakikita namin ang mga studyante sa baba na naglalakad, sa ibang angulo naman ay nakikita ko yung mga athletes na nageexercise.

"The air feels somehow refreshing" sabi niya ng hindi ako nililingon, at sadyang dinadamdam lamang ang hangin.

"Agree. Nakakatanggal ng negative thoughts" sagot ko naman ng hindi rin siya nililingon.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon