"Alli's Point of View"Tinignan ko lang ang kasama ko ngayon at tinignan din niya' ko. Naghihintayan lang kami kung sino ang unang kikibo.
Malapit na ako matawa. Mahirap hirap to.
Yung itsura niyaaaaaa..... Teka, kaya ko pa to.
'Few minutes more'
Pistiiii.........
"Pffffttttttt....". Hanggang sa ako na nga ang unang tumawa na agad niyang piniltik ang noo ko.
"Sayang" sabi ko ng pag may panghihinayang habang hawak ang noo ko.
"Hahahahaha" Tawang tawa niya' ko pinagmamasdan.
"Nakakatawa kasi yang itsura mo, tuloy natalo ako". Sabi ko naman na parang batang hindi patalo sa isang paligsahan. Patuloy lang sa pagtawa ang pisti.
"Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko sakanya.
"Ngayon lang, gusto kita isurprise kaya dumaan ako rito." Sabi nito
"Nag-abala ka pa" kaswal na sabi ko.
"Maupo muna tayo, kanina pa kita hinahanap e" naupo na kami sa upuan na malapit lang sa kinaroroonan namin.
"Kamusta naman yung businesses mo ron, okay na ba? Tanong ko sakanya.
"Oo, kaya nakabalik na ako dito" sabi naman nito.
"Mabuti yan" tugon ko rito.
"So pupunta ka na?" Interesadong tanong nito na ikinawala ko bigla ng pake.
Eto na naman tayo.
"Kuya, kung ayan pinunta mo rito, hindi ka na sana nagpunta pa" sabi ko at tinignan siya ng may halong iritasyon.
"Sige na. i-try mo lang" pilit nito.
Pangit mo ka-bonding kuya. Tch.
"Wala talaga akong hilig sa ganyan" sabi ko na lang habang nagpipigil nang inis sa kanya.
"Kaibigan ko at matino siya" sabi nito ulit.
Uy matino daw. Anong klaseng matino ba yan.
"Ayoko" kaswal kong sabi.
Parang awa mo na, wag mo na ako ipilit sa ganyan.
"Kahit ito lang?, isa lang talaga tapos, hindi na ako mamimilit." Sabi nito ng may halong pagmamakaawa. Kulang na lang lumuhod siya sa harap ko.
"Pagiisipan ko" sabi ko na lamang para hindi na niya ako pilitin sa blind dates na yan. Lagi kasing may pinapa blind date ang kuya kong to. Gusto na raw magkaroon ng brother-in-law, eh samantalang ako wala ngang sister-in-law dahil wala din naman siyang kasintahan.
Magkaron ka muna kaya no?
"Pag nagkaroon ka na saka ako magkakaroon" sabi ko nang pabiro sa kanya.
"Malapit na yan" proud na sabi nito.
"Ay wow! confident teh."
"Sigurado ka bang may pag-asa ka?" Pa-sigang tanong ko sa kanya. Naka cross arm pako.
"Oo naman, ako pa ba" proud na proud na sabi niya ulit. Napangisi na lamang ako sakanya.
"Palimos ngarod ng confidence".
BINABASA MO ANG
Once Again
RomansaI don't really believe in Fate but then why our worlds converge again in that first gaze. Our moments that forgotten by the time. Anew bring us together in that hourglass. The photo i used in the cover is from respected owners.