Harassment#03 - Asleep

1.2K 15 0
                                    

CHAPTER 03 -REVISED-

---

Yung piling na gusto mong matulog pero hindi ka pwedeng matulog?

Lunch. Kasalukuyang nakayuko si Akira sa desk ng upuan nya. Nakatanaw sa katabing bintana't nakatulala sa kawalan.

As expected, dumating nga ako ng late sa school. Aish. Imbes na nasa SC room ako't nagrerelax-- este nagtatapos ng paper works ay eto't nandito ko sa classroom namen at nagmumukmok sa isang sulok. Aish! Kung nakapasok lang sana ko ng maaga e di sana hindi ako nagmumukmok dito sa classroom't nagta-take ng regular class! Sigh...

Pagkatapos magbigay ng assignment nung teacher ay saktong break na at oras na para magtake ng recess.

Nagsitayuan na yung ibang mga estudyante't nagsimula ng isa isang lumabas ng classroom. Si Akira naman ay parang walang narinig at nagstay lang sa kinauupuan nya. Maya maya pa ay may biglang lumapit sa kanya.

"Pwede bang wag kang magmukmok dyan? Tinatakot mo yung iba nating kaklase oh." anya nito.

Lumingon si Akira't dahan dahanng napabangon ng makita nya ang bestfriend nyang nakapamewang sa tabi nya. Si Umi Yoshida, ang Vice President ng newspaper club. Bumuntong hininga si Akira't nagsimula ng iligpit yung ilang gamit nya.

"Hindi naman ako nagmumukmok eh." sagot ni Akira.

"So, anong ginagawa mo? Tinititigan mo lang yung bintana ganon? Dahan dahan lang ha at baka matunaw yan."

"Umi naman eh..." Matamlay na tugon ni Akira't tumayo ng nakakunot ang noo. Sabay nang lumabas si Akira't Umi para pumunta sa canteen para kumain.

"Ano bang problema mo ha? It's so unusual na um-attend ka ng regular class ha. At tsaka... bat mukha kang panda ngayon?"

Panda?! Ganun na ba kalaki yung dark circles sa mga mata ko?--Akira.

"Hay naku... napuyat lang naman ako dahil sa isang pangyayaring daig pa ang isang nightmare."

"At ano naman yun?"

"Uhm... Ganto kasi yun..."

At bago pa man makapagpaliwanag si Akira kay Umi ay biglang dumaan si Akihiko't napatingin sa kanya. Hindi nya to napansin pero bago pa man lumagpas si Akihiko'y bigla itong bumulong kay Akira ng "Thank you kagabi... Ms. Pres."

Dahil dito'y agad na napalingon si Akira't pagkakita sa mukha ni Akihiko'y napasigaw ito ng "Ah-- Hoy! Ikaw!--" Grr! Here he is! Ang kapal ng mukha nyang magpakita sakin matapos nung ginawa nya gakabi ha!?  Lalapitan sana ni Akira ito ng bigla syang pigilan ni Umi't biglang pasimpleng binulungan.

"Teka... Kilala mo yun?"

"H-ha? Ah... sya lang naman yung dahilan kung bakit ayaw akong tantanan nung sinasabi kong higit-pa-sa-nightmare!"

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon