Harassment#16 - Normal Day?

470 12 0
                                    

A/N:

AT LAST! 

NAKAPAG UPDATE DIN! >O<

THANKS SA PATULOY NA PAGBABASA! :)

THANKS TO ALL READERS AND SILENT READERS :)

CHAPTER 16 NA PO!

HOPE YOU ENJOY READING!

VOTE! COMMENT! LIKE!

 

Naiin-love na nga ba ko? Pero kaylan pa? Sigurado na nga ba to? O nadadala lang ako sa mokong na yun? How could I fall in love to a man who harasses me everytime?

* * *

Ringgggg!

Gising na si Akira pero ayaw pa din nyang patayin yung maingay na alarm ng cellphone nya. Kung sa bagay, nakatakip yung ulo nya ng unan kaya pano sya maiirita sa tunog nito?

Lunes na naman at may pasok na naman sila. Late na naman sya para makapasok sa advance class kaya ano pa bang choice nya kundi mag regular class.

Sa ingay ng cellphone nya, pinasok na sya ni Kirito.

"Hoy Kirara! Wala ka bang balak na pumasok ha?" at biglang hinablot nito yung unan na nakatakip sa ulo ni Akira. Nakadapa ito't pilit na isinusubsob ang mukha sa kutson. "Hoy! Kirara! Gumising ka na paos na yun--" nagulat bigla si Kirito ng biglang lumingon si Akira sa kanya. "O-oi... Anong nangyari sayo?"

Nang lumingon si Akira sa kanya, nangingitim na parang uling ung ilalim ng mga mata nito't medyo namumutla.

"Oi... di ka ba natulog ha?" dagdag pa na tanong ni Kirito.

"Hindi ako makatulog mula pa kagabi eh..." sagot ni Akira't bumangon na ito sa pagkakahiga pero nanatili pa rin to sa higaan nya.

Umupo si Kirito sa higaan ni Akira't biglang hinipo yung noo ni Akira.

"Sabi na nga ba eh... Sinisinat ka na. Wag ka na munang pumasok ngayon. Matulog ka muna kung ayaw mong maging lagnat yan." concern na sabi nito kay Akira. Pinahiga nya si Akira't lumabas sya para kumuha ng bimpo't maligamgam na tubig.

Aish... bat ba kada hindi ako natutulog nilalagnat ako? Nakakainis... Kaylangan ko pa naman pumasok ngayon para-- biglang pumasok sa isip nya yung mukha ni Akihiko. Nag pout biglang si Akira, Na naman... sya na naman...

"Aish!" bigla syang nagtalakbong ng kumot.

Kainis... Ano na bang nagyayari sakin? Di ko na maintindihan kung anong nangyayari sakin... Gulong gulo utak ko hindi ko maintindihan kung bakit! Puro sya yung nasa ulo ko, puro tungkol sa kanya pumapasok sa isip ko! Aish mababaliw na ata ako!

Maya maya'y nakatulog na si Akira.

Lumipas ang ilang oras, nasa baba si Kirito. Nakaupo lang sa sopa't nagbabasa ng libro. Hindi sya pumasok since walang makakasama si Akira since both parents nila ay may trabaho, si Kotaro nasa school at si Kaito nasa trabaho din.

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon