Harassment#28 - Past: The girl, Piglet part 3 [Last]

327 4 0
                                    

A/N

PART 3

LAST UPDATE FOR TODAY :)

THE NEXT UPDATE YUNG REAL STORY NA :)

"Huli ka!!!" sigaw nya't mapapatili na sana ko ng biglang may humatak sa kanya palayo sa iskenita. Lalaking naka asul. Police? Ah... oo nga pala, every 6:30 nagsisimula na rin ang patrol ng mga pulis.

Anagaw nung pulis yung itak na hawak nya at itinulak sya nung pulis sa pader at pinusasan sya.

"Bitawan nyo ko! Mga p***** **a! Bitawan nyo ko!!" pagpupumiglas nya pero agad syang pinahiga nung pulis sa sahig.

"Tumigil ka! Alam mo bang delikado yung dala dala mo ha?! At mukhang naka drugs ka pa! Kaya sa presinto ka na magpaliwanag!" sabi nung isang matapang na pulis.

"Tara pre, dalhin na natin sa presinto yan." sabi pa nung kasama nya na may hawak nung itak na ibinalot nya na sa dyaryo at tinalian ng goma.

Maya maya ay umalis na sila't nakahinga na ko ng maluwag. Akala ko talaga katapusan na ng puso ko kasi kanina parang nag ii-skip sya ng 2 beats every seconds eh...

Lumabas na kami dun sa iskineta na pinagtaguan namin. Huminga ko ng malalim since parang piling ko kalalabas ko lang sa isang 4x4 mini metal box na kasyang kasya lang ako pag nakabaluktot na upo. Pero infairness ha, hindi pa din na mawala yung panginginig ng buong katawan ko pero hindi ko dapat inaalala yung sarili ko since mas malalang trauma to kay piglet.

Nilingon ko sya sa likod ko at ipinatong ko sa balikat nya yung polo ko na nakapaibabaw sa t-shirt ko since alam kong giniginaw na sya. As expected, mas malaki nga yung takot nya kaysa sakin. Kanina nagsasalita pa sya pero ngayon parang manika na lang sya na wala pang function na magsalita't nakatulala lang sa isang direksyon at nakahawak lang sa laylayan ng t-shirt ko.

"Piglet.. oy, piglet..." tinry ko syang kausapin pero wala talaga. Kinuha ko yung kamay nya na nakahawak sa laylayan ng t-shirt ko at hinawak ko ito ng mahigpit. Lumakad na kami. Pauwi kami sa bahay namen since wala kong balak na iuwi sya sa bahay nila. Still silent pa din sya habang naglalakad kami hanggang sa makarating kami sa bahay.

Paguwi namin sa bahay, agad akong sinalubong ng sermon ni Kuya pero agad syang napahinto ng makita nya si piglet sa likod ko. Nagpanic sila syempre. Kinowento ko sa kanila kung anong nangyari at syempre galit na galit si Papa at halata din kay mama na nagpipigil lang.

Nasa kwarto na ni Kirara si piglet. Ginamot na ni Kotaro yung mga sugat ni piglet at napalitan na din sya ng damit pero hanggang ngayon hindi pa din sya makausap. Kahit si Kuya o si kirara, walang makakausap sa kanya.

Days past at ganun pa din sya, ang pinag aalala ni mama is hindi sya kumakain. Lagi lang syang nananahimik sa isang sulok at ayaw magsalita.

Is that how much her fear affects her? Well, hindi ko sya maiintindihan since hindi ko pa naman nararanasang mabugbug ni papa at pagtangkaang patayin eh. Pero ano nga kayang nangyari sa papa nya't nagkaganun ito?

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon