Harassment#42 - Don't you notice?

232 4 0
                                    

Pagkatapos ng hapunan ay agad na dumeresto si Akira sa kwarto nya para basahin yung mga papers na binigay sa kanya ni Ryuuji kanina.

"Hmm... hm? High School... girl ang coach nila-- Teka, kapatid to ni--" at bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto nya't agad naman itong binuksan nung taong kumatok. "Hm? Kuya Kota?"

"Sorry. Busy ka ba?" anya ni Kotaro na dahan dahang pumasok sa loob ng kwarto ni Akira.

"Hindi naman..." sagot ni Akira't isa isang nyang niligpit yung mga papel sa higaan nya "Bakit Kuya?" tanong ni Akira dito't tahimik namang umupo si Kotaro sa higaan ni Akira "Kuya?"

Tumingin si Kotaro kay Akira't maya maya'y nagsimula na itong magsalita "Okay ka lang ba ha Kira?" medyo alalang tanong nito.

"Hah?" takang response ni Akira.

"Uh, pansin ko kasi parang nagiiba ka day by day eh..." anya nito na napatingin sa sahig

"Nag iiba? What do you mean kuya?"

"Mahirap ipaliwanag eh pero... para kasing natutulad ka na kay Kuya Kai."

"Huh? Kay... kuya Kai?"

"Un. Poker Face."

At sa salitang to ay biglang natigilan si Akira't ilang segundong nanahimik.

"Poker... Face... you mean?"

"Ipinapakita nyong nakangiti kayo pero deep inside... may problema kayo, tama?"

"Uh..." at biglang napaisip si Akira sa mga ikinikilos nya this pass few days... Nagbabago nga ba ko?

"Si Kuya... nakangiti man sya ngayon... pero... pag mag isa sya... panigurado seryoso rin syang nagiisip..."

"Hmm? Si Kuya Kai?" Oo nga pala. Ngayong nabanggit ni Kuya Kota. May mali nga kay Kuya Kai. "Uh, may alam ka ba kuya Kota?"

"E di kung may alam ako... e di sana hindi ako lalapit sa inyo tama?" anya ni Kotaro na may halatang malungkot na expression sa mukha nya.

"Kuya?" tawag ni Akira dito pero bigla itong ngumiti't tumayo na sa pagkakaupo.

"Pero... kahit ano namang itanong ko, walang magsasalita sa inyo di ba?"

"Ha?"

"Kung sa bagay... private life nyo yan di ba?" at lumapit na si Kotaro sa may pinto. "Iligpit mo na yan at matulog ka na Kira. Maaga ka bukas di ba?" anya nito na may ngiti sa mukha pero halatang malungkot ito. At dahil dito ay biglang nagpout si Akira.

"Sinasabi mong Poker Face kami. Eh ano ka pa kaya kuya Kota?"

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon