Harassment#11 - Main Event

683 11 1
                                    

A/N:

EDiTTED VERSiON

CHAPTER 11

 

The second day has come pero imbis na maghanda si Akira ay nagmumukmok sya sa higaan nya.

Aish... Nasan na ba kasi yun? Dapat nandun lang yun eh...

Habang nagmumukmok si Akira sa kwarto nya ay biglang kumatok ang isa sa mga kuya nya na si Kotaro.

"Kira? Male-late ka na." paalala nito't saka ito umalis.

Bumangon na si Akira sa pagkakahiga ngunit nag i-stay pa ito ng ilan pang saglit at bigla nitong ginulo-gulo ang buhok... "Aish! Asan ba kasi yun eh! Naman! Bat ba kasi ngayon pa nawala yun!"

* * *

Dumating na si Akira sa School at agad naman syang dumeretso sa SC kung saan inaantay na sya nung ibang members at pati na yung mga gumawa ng dress na isusuot nya.

"Ah! Ayan na pala si Ms. Pres eh." bungad ng P.R.O.

"Ah! Ms. Pres., dali na isuot mo na to. Malapit na yung oras ng Main Event." hatak nung Vice Pres. ng Economics Club.

Anong gagawin ko? Di ko alam kung nasaan na ba yung puting kuneho na yun... Aish, Bat pa kasi ngayon pa nawala yun eh! sa isip isip ni Akira habang binibihisan sya ng mga nagsigawa nung damit.

After some preparation, the time has come. Nag gather na lahat ng mga estudyante sa gymnasium at isa isa ng nagsimulang magpahayagan ng kani-kaniyang komento. Ilang saglit pa ay tumayo na sa podium si Ryuuji para pasimulan na ang main event. Agad namang nagsitahimik ang lahat nung magpasimula ng magsalita si Ryuuji.

"Ehem. Ok, pagtunog ng school bell ay saktong magsisimula na ang Main Event pero bago kayo magsimulang tumakbo ay hahayaan muna nating makatakbo si Ms. Pres for 15 mins. Take note! No DIRTY TRICKS ha! Ok, so... Ms. Pres please step into the stage."

Nagulat ang lahat ng biglang mag step in si Akira. She was wearing a lacey black dress with a pair of black doll shoes. May kasama pang flower head ban kaya lalo pa syang nag mukhang manika. Muling naging maingay ang loob ng gymnasium dahil dito.

"Wow, ang cute ni Ms. Pres!"

"Oo nga! She looks like a doll."

"Ah~ oo nga! Ang cute nya!"

"Pero teka, bakit ganun?" biglang singit ng isang girl.

"Ha? Bakit?"

"Usually pag umaakyat si Ms. Pres sa stage di ba dapat nagsusungit sya? Pero bakit ganun? Parang wala ata sya sa sarili nya?"

"Hala, oo nga noh."

"She looks down."

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon