Harassment#08 - Her worst day?

725 9 0
                                    

A/N:

EDiTTED VERSiON

CHAPTER 08

The day before the festival... 

"yawn~" sambit ni Akira na kagigising pa lamang. Bumangon sya't nagunat unat at tsaka umalis ng higaan para maglakad lakad sa kwarto. 

Every morning, her daily routine is always like this: Gising, bangon, unat, tayo, punta sa may verandang panget ang view at doon tatambay para makalanghap ng malamig at preskong hangin. 

The veranda view is ugly dahil sa nakaharap ito sa gilid ng katabing paupahan na walang ibang makikita kundi puting dingding at ilang saradong bintana. Pero kahit ganun ay marasap pa ding tumambay dito dahil sa mahanging pwesto nito. 

Bangon na si Akira't kasalukuyang nagmumuni muni sa paligid nya. Ilang sandali pa ay pumunta na si Akira sa may sliding door ng veranda nya't binuksan nya ito ng bigla. 

"Haaaayy~" anya ni Akira pagkabukas na pagkabukas nya nung sliding door. 

"Oh? Ang cute pala ni Ms. Pres. pag bagong gising." biglang bungad ni Akihiko na nakadungaw lang sa bintana ng kwarto nya. 

Gulat na napaatras si Akira ng bigla nyang makita si Akihiko na nasa bintanang nasa harap lang ng veranda nya. 

"A-anong ginagawa mo dyan?!" anya ni Akira. 

"Anong ginagawa ko dito? Kwarto ko kaya to." 

"Ha?! P-papanong--" 

At biglang ngumisi si Akihiko na animo'y nag aasar "Di ko expected na yung bintanang ayaw na ayaw kong buksan ay katapatan lang pala ng veranda mo. Mabuti na lang pala napag isipan kong buksan to." 

"Hindi yun mabuti! Sana di mo na lang binuksan!" 

"Siguro from now on eto na ang magiging favorite spot kong tambayan." ngumiti bigla si Akihiko. 

"And so from now on hindi na ko tatambay dito!!" Sa ingay ng bunganga ni Akira sa maagang umaga ay nabulabog na naman nya ang kuya nya na nasa kabilang kwarto lang. 

"Hoy Kirara! Ang ingay mo! Kada umaga na lang ba iistorbohin mo tulog ko?!" bulyaw ni Kirito na nagku-kwarto lang sa katabing kwarto ni Akira. 

"Ah- sorry..." mahinang bigkas ni Akira't...

"Pfft-- hahahahaha!" biglang tawa ni Akihiko na nakagulat kay Akira. 

"A-anong nakakatawa ha!?" 

"Hahaha! Kirara? Hahaha! Ano yan yun maliit na alaga nung kasama ni Inuyasha? Hahaha!" 

"A-anong nakakatawa sa palayaw ko ha?! FYI cute kaya yung karakter na yun!" pagdedepensa ni Akira na napahiya ng kaunti. 

"Hahaha... oo nga eh. Cute, kaya nga nakakatawa eh." 

Nagpout bigla si Akira " Compliment ba yan o insulto ha?" 

"Compliment yun coz' despite of your unlady-like attitude, your still as cute as an angel..." 

Biglang namula yung pisngi ni Akira sa biglang sinabi ni Akihiko, piling nya ay parang huminto yung puso nya ng ilang segundo sa mga salitang ito't tumibok ng mabilis. She felt butterflies on her stomach at-- 

"...Pero syempre joke lang." biglang dagdag ni Akihiko. 

Parang nahulugan si Akira ng malaking bato sa ulo ng biglang isiningit ni Akihiko yung mga salitang yun. 

Walang hiya sya... maigsing sentence na nasambit si Akira sa sarili nya at biglang kumulo yung dugo nya. 

Biglang dumampot si Akira ng isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng isang maliit na kabinet na nasa tabi lang nya. Wala na syang pakialam kung ano man yung nahawakan nya. Basta't may maibato lang sya dun sa mokong na nasa harap nya ay makakakalma na syang muli. 

Hinawakan nya ng mahigpit yung bagay na nahablot nya't biglang ibinato sa bwisit na lalaking nasa harap nya. 

"BWISIT KA!" sigaw nya't sabay hampas nung sliding door. 

Bwisit sya! Nakakainis! Lagi na lang syang ganun! Ako naman tanga, daling ma move ng simpleng manipulating speech nya! Aish! Kaasar talaga sya! I hate him! I hate him! Seriously I-HATE-HIM! 

Nagdadabog na nag asikaso si Akira para makapasok na sa school. Pagkatapos ng ilang minutong pag aasikaso, ay bumaba na sya. 

"Oh? Anong problema Kirara? Parang ang sama ata ng gising mo?" tanong ni Kaito na nakaupo lang sa may sofa't nagbabasa lang ng ilang magazine. Wala itong pasok ngayon kaya tambay sya sa bahay. 

"Wala!" agad namang sagot ni Akira at nagtungo na sya sa may pintuan para isuot yung sapatos nya. 

"Aish, buang na ata yang prinsesa mo eh. Aga aga kanina panay ang sigaw sa may balkonahe. Umamin ka nga ha Kirara, may kaybigan ka bang dwede ha?" iritadong tanong ni Kirito na kalalabas lang ng kwarto nya. 

"Dwende?" ulit pa ni Kaito. 

Biglang tumayo si Akira sa kinauupuan nya at biglang lumingon sa mga kuya nya't sumagot ng "Hindi sya Dwende! Kapre sya! KA-PRE! Nakakairitang KAPRE!" matapos nito ay bigla na nyang inihampas yung pinto. 

Bwisit sya! Nakakaasar! Bwisit talaga! Bwisit! Bwisit! Bwisit! Bat ba kasi may mga lahi pa nyang unknown species na nag e-exist sa mundo eh! sa isip isip ni Akira habang naglalakad ng padabog. 

Sa irita ni Akira ay bigla syang huminto't pumadyak ng malakas at tsaka ng wika ng "Aish!" 

God... please pakitamaan naman po ng kidlat yung mokong na yun! Kahit minsan lang po please! Aish! Bwisit sya kala ko ba naman seryoso sya... kala ko... pero teka, BAT BA DISAPPOINTED ako?! God please sakin na lang pala! Kaylangan ko ng something na magpapagising sakin sa katotohanan! I need it more! 

At sa tyempong ito ay may biglang dumaan na mabilis na truck. Nadaanan nito ang isang matubig na lugar kaya nung dumaan ito ay tumalsik yung tubig at saktong kay Akira ito tumalsik. Nabasa nito ang skirt ni Akira kaya imbis na makakapasok sya ay hindi sya natuloy at napilitan na lamang umuwi. 

Aish! Is this some kind of PUNISHMENT ha?! But why me?! 

 

-END-

He's a SEXUAL HARASSER that HUNTS ME?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon