Chapter 4

13 7 0
                                    

Chapter 4

Inigo is my first boyfriend and hopefully the last.

I don't easily fall in love that's why I never had a boyfriend when I was in high school and now that I fall, I fell really hard. That I can't see my future without him.

Our relationship go on and continue to be happy. Although we're both busy on our goals and other priorities, we still find a way to give some time for each other.

Naging abala siya sa pag practice para sa kanilang special training. Gustong gusto niya kasi talaga na maging captain ng team.

At nang nagsimula ang special training nila ay halos araw-araw akong nandoon para suportahan siya. Gusto ko kasi na iparamdam sa kaniya na nandun ako palagi para sa kaniya.

Kaya nga nang sa huli ay si Aziel pa rin ang naging captain nila ay ako ang unang lumapit sa kaniya at naging sandalan niya.

He was then devastated. I remember how he cried on my shoulder that day, feeling so sorry for himself. Because despite of doing his best, it was still not enough.

We were in the garden that time, on our usual spot. May klase ako pero lumiban ako nang malaman ko na hindi siya napili.

"It's still okay, right? Atleast I tried..." He said, trying his best to smile at me.

I hugged him once again to calm him down.

"Mayroon pa naman next year 'di ba? Sabi mo every year magkakaroon kayo ng ganung training?" Sabi ko pagkabitaw ko sa kaniya.

Naalala ko na nasabi niya iyon sa akin bago sila nagsimulang mag training. Ang sabi daw ni coach ay gagawin na nila iyon every year para magkaroon pa rin ng chance ang mga member.

He just nodded. Nakatulala na lang ngayon at sumisinghot pa. Masyadong halata na umiyak siya kaya mas mabuti na manatili na muna kami dito.

Kanina nga sa gym ay alam kong nagpipigil lang siya na maluha pero kita ko kung gaano siya ka disappointed sa sarili.

Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mapagaan ang kalooban niya.

In his first try he was really heart broken when he didn't make it. Kaya nang sumunod na taon ay mas pinagbuti niya ang pag practice niya.

To the extent that he forgot about our second anniversary...

Pero sa akin ay ayos lang iyon. Natapat lang din kasi na nalalapit na yung training nila.

I surprised him during their practice on the gym. I bought a cake for us and balloons.

Sinakto ko talaga iyon sa vacant namin para mapuntahan ko siya. Sobrang nagulat siya noon at ilang beses din siyang humingi ng tawad dahil nakalimutan niya ang tungkol doon.

Hawak ko ang cake, nakasindi ang kandila na number two sa ibabaw nun. Habang hawak naman ni Gwen ang mga lobo.

Nahinto sila sa practice ng pumasok kami sa gym at lumapit kay Inigo. Ang ilan pa sa ka- team niya ay inaasar siya.

"Happy anniversary!" I said, smiling widely at him.

"I'm... uh, Happy anniversary, love."

"I'm sorry... I forgot."

I can see that he really regret forgetting about our special day. And I also know that he didn't do it intentionally that's why I didn't get mad at him and accepted his apology. I'm also happy to see that he's really sorry for me and I think that's enough to forgive him.

Para sa akin kasi ay mas maayos kung magbibigayan kaming dalawa. Tulad na lang ngayon, alam ko namang busy siya at ito pa lang rin naman ang unang beses na nangyari ito. Mapalalagpas ko naman kaya ayoko na rin na palakihin at maging problema pa naming dalawa.

Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon