Chapter 9

18 4 0
                                    

Chapter 9

Sa paglipas ng mga araw ay tuluyan ko nang natanggap na hindi talaga siya para sa akin. Na baka isa lang siya sa mga taong dadaan sa buhay ko upang mag iwan ng aral.

He's the person who teaches me how to love. And maybe that was the only reason why I met him. That maybe we're not meant to be together because he only came to my life to give lessons so that I could love someone right in the future. And that we're not meant because he's not for me. He's for someone else.

Pero kahit ganun ay nanindigan pa rin ako sa desisyon ko na manatili sa tabi niya.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng malaman ko ang nililihim ni Inigo at hanggang ngayon ay nagbubulag bulagan ako doon. Pero alam ko naman sa sarili ko na...

Sa oras na sabihin niya sa akin ang tungkol sa baby ay handa na ako.

Siguradong mahirap na iwan siya pero kakayanin ko na kasi tanggap ko naman na. At hanggang doon na lang talaga.

Sa isang buwan na iyon ay naging maayos ang pagsasama namin pero hindi na katulad ng dati. Dahil alam ko at ramdam kong may nagbago. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa akin.

Pakiramdam ko ay nagsasama na lang kami pero wala ng dahilan. Yung tipong kami pa rin naman pero halatang wala nang patutunguhan. Na kahit anong oras pwedeng bigla na lang matapos.

At sa isang buwan na iyon para na lang akong namanhid ng dahil sa sakit. Kaya kong ngumiti kung kinakailangan kahit na hindi naman talaga ako masaya.

Hindi ko na nga alam kung tama pa ang desisyon kong manatili. Imbes kasi na mapagaan ang loob ko sa mga oras na kasama ko pa siya ay parang mas lalo lang nadadagdagan ang sakit na kung hindi pa ako aalis ay maaari akong malunod.

Hindi ko alam kung napapansin din ni Inigo ang nangyayari sa relasyon namin dahil tuwing magkasama kami ay tahimik lang siya at halatang problemado. Siguro ay lagi niyang naiisip ang tungkol sa baby nila.

Hindi ko na rin nakikitang pumasok si Astrid siguro ay may kalakihan na ang tiyan niya ngayon. Wala naman akong naririnig na balita tungkol sa kanya at sa ipinagbubuntis niya.

Kailan kaya sasabihin sa akin ni Inigo?

At hanggang kailan ko kayang magtiis na manatili sa tabi niya?

"L-love?"

Agad akong huminto sa pagkain at humarap sa kanya.

"Bakit?" Walang gana kong tanong.

"A-aalis lang ako saglit. M-may biglang inutos lang sa bahay..." Halatang kinakabahan siya.

Sa bahay ba talaga? Gusto kong itanong pero mas pinili kong manahimik. Tumango na lang ako at agad naman siyang nagmadali paalis.

Nawalan ako bigla ng gana.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Gwen na kasama namin dito sa cafeteria.

Kanina pa siya tahimik at nagmamasid lang sa amin.

Umiling ako.

"Hindi..."

At hindi ko alam kung magiging ayos pa ba ako.

Malungkot siyang tumingin sa akin at bahagyang nagulat nang biglaan akong tumayo.

Kinuha ko ang bag ko at saka nagmamadaling naglakad paalis. Gusto kong malaman kung saan talaga pupunta si Inigo.

"S-saan ka pupunta?" Agad siyang sumunod sa akin.

"Susundan ko si Inigo."

"Sigurado ka?" Agad naman akong tumango nang hindi tumitingin sa kaniya.

Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon