Chapter 6
Dalawang linggo na pagkatapos ng nangyari sa garden at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Inigo.
Minsan ay inihahatid naman niya ako pauwi pero madalas ay hindi at hindi niya pa ako pinapansin kahit na kinakausap ko siya. Ganun din naman tuwing nag-te-text ako at tumatawag.
And last week, he officially quit on the varsity team. Although I really feel sorry for what happened, I don't know what to do to make him feel better. Kasalanan ko naman kasi talaga kaya umabot sa ganun.
Hindi na rin kami lumalabas para mag date. Nagkikita na lang kami tuwing uwian para ihatid niya ako at pagkatapos nun wala na.
Sa tuwing i-o-open ko naman ang tungkol sa nangyari para mapag-usapan namin ay siya itong umiiwas.
Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko....
Bawat oras na dumadaan na hindi kami ayos pakiramdam ko ay unti unti na siyang lumalayo sa akin. At natatakot ako na hindi na namin maibalik ang lahat sa dati.
Alam ko na nasaktan ko siya dahil sa nagawa ko. Sino nga bang matutuwa, e, pinagmuka ko siyang kawawa. Naki-usap pa ako para lang siya ang siguradong mapili.
Kung sana lang ay mas nagtiwala ako sa kakayahan niya. Ayoko lang naman talaga kasing makita pa siyang malungkot muli. Alam ko kasi kung gaano siya nagpupursigi para dun.
At sa huling pagkakataon gusto ko lang naman na maging masaya siya na nakamit niya ang gusto niya.
Pero sa huli alam kong mali pa rin.
Mali pa rin ang nagawa ko.
Nasaktan ko siya. At ito ang kapalit nun. Nasasaktan din ako sa hindi niya pagkausap sa akin. Pero wala naman akong magagawa kundi maghintay hanggang sa mapatawad niya ako.
Hindi ko rin naman siya masisisi kung magtagal nang ganito ang hindi niya pagpansin sa akin. Umabot na rin kasi sa buong school ang nangyari dahil na rin sa biglaang pag-alis niya sa team na ilang araw ding laman ng balita dito. Siguro ay napahiya ko talaga siya.
Napabuntong hininga tuloy ako habang kumakain dito sa garden, sa lagi naming tinatambayan ni Inigo, ang kaibahan lang si Gwen ang kasama ko ngayon.
"Bakit kasi hindi mo kausapin? Humingi ka ng tawad. Para nang sa ganun magkaayos na kayo. Pinahihirapan niyo lang mga sarili niyo, e!" Naiinis na sabi niya.
Siguro ay nakakapagod na akong tingnan. Ilang araw na rin kasi akong walang gana dahil sa sitwasyon namin ni Inigo. Idagdag pa ang mga bulungan ng mga estudyante tuwing nakikita ako.
"Kinakausap ko nga ayaw naman akong pansinin."
"Ano ba yan! E, pano kayo magkaka-ayos niyan? Gets ko naman na galit siya pero hindi ba dapat sa ngayon nakapag-isip isip na siya? Dalawang linggo na, ah?"
Muli na lang akong bumuntong hininga. Sa totoo lang hindi ko na rin alam. Lagi ko namang sinusubukan na makipag usap.
Sinasabi ko na nga ba, e. Mahirap talagang mag boyfriend kapag college, pati tuloy pag-aaral ko ay naapektuhan. Nawawala na ang focus ko.
Ilang beses pa akong napagalitan sa mga klase ko dahil kung hindi nakatulala ay wala naman akong maisagot kapag natatawag.
Kung kailan graduating na ako saka pa nagkaganito. Kung sana lang ay kausapin na ako ni Inigo at maayos na namin ang problema ay mapapanatag na ako.
Kaya naman pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan kong puntahan siya at ayain na mag-usap na kami. At kung sakaling tumanggi siya ay ipapaliwanag ko na lang ng maayos ang rason kung bakit ko nagawa iyon.
BINABASA MO ANG
Fall Apart
Short StoryLumi Eulalia Silvestre is hopeful to marry his long time boyfriend, Inigo. For they already talked about it and decided to marry after they graduated in college. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon lahat ng plano nila ay nasira. And everything jus...