Wakas
Our experiences in life serves as a lesson to know better and handle our problems in a different ways. We have to be thankful for the good and bad experiences for it is what made us.
What happened to me in the past can be considered as a good and bad experience. For the first time in my life I learned how to love. I learned how to cherish and care for someone. Though our love didn't last, I'm still thankful that I met him. And I don't regret loving him because I learned a lot from it.
"Ma'am Lumi!" matinis ang boses na tawag niya sa akin.
Dahil sa lakas ng boses niya ay napatingin ang ilang tao malapit sa akin.
"Can you please stop calling me that!" sabi ko sa kalalapit pa lang na si Gwen.
Tinawanan niya lang ako at agad na kumapit sa aking braso. Nagpunta kami sa bilihan ng mga gamit ng bata.
"Kanina ka pa?" tanong niya habang namimili sa mga laruan.
"Oo, bakit ba late ka na naman?"
I told her last night not to be late today. Alas otso ang binyag at ngayon pa lang kami mamimili ng regalo. Nakakahiya naman at mukang hindi na kami aabot sa simbahan.
"Alam mo naman tuwing walang pasok lang ako nakikipag date! Nakaka-stress nang magturo kaya kailanan ko rin namang lumandi minsan."
Kinuha ko ang nakita kong isang set ng damit para sa baby. Nakapili na rin si Gwen kaya lumapit na kami sa counter para magbayad.
"Bakit kasi hindi ka pa pumayag magpakasal diyan kay Felix nang hindi ka na magreklamo na tuwing weekends lang kayo nagkikita."
Malalim siyang bumuntong hininga bago humarap sa akin.
"Gusto ko namang magpakasal sa kanya."
Nahinto siya nang iabot sa amin ang mga pinamili. At saka siya nagpatuloy nang palabas na kami nang mall.
"Kaso... gusto ko namang maramdaman na hindi ako yung patay na patay sa kaniya, na siya yung patay na patay sa akin!"
Natawa ako sa sinabi niya. Kailangan ba talaga yun?
"HIndi ka naman siguro aayain nun ng kasal kung hindi siya patay na patay sa 'yo."
"Alam ko naman yun, pero.... Ah, basta magulo! Pakiramdam ko kasi ako lang yung patay na patay sa kaniya." nakasimangot niyang saad.
Naalala ko tuloy kung paano siya nagpapansin dun dati.
"Ikaw naman talaga."
Agad niya akong tiningnan ng masama bago umirap.
"Pag-usapan niyo kasi para maayos niyo agad." seryoso ko nang sabi.
"'Wag mo na ngang intindihin yun. Ako nang bahala."
Nagkibit balikat na lang ako. Sa tagal na nilang magkasama ay siguro naman ay maayos nila ang ganitong bagay. Hindi ko rin naman masisisi si Gwen kung ganito ang isipin niya lalo na at siya itong halos sunod nang sunod kay Felix kahit na noon pa.
"Nasaan ba ang kotse mo? Pasabay ako hindi ako nagdala ng akin."
Lumapit ako kung saan ko iyon nai-park.
"Bakit hindi ka na lang sumabay kay Felix?"
Akala ko pa naman ay may dala siyang sariling sasakyan kaya hindi niya kasama ang nobyo.
"Syempre kasama nga kita 'di ba? E 'di naging third wheel ka pa." pang- aasar niya.
Inirapan ko na lang siya at saka ako sumakay sa kotse.
BINABASA MO ANG
Fall Apart
Short StoryLumi Eulalia Silvestre is hopeful to marry his long time boyfriend, Inigo. For they already talked about it and decided to marry after they graduated in college. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon lahat ng plano nila ay nasira. And everything jus...