Chapter 5
Walang gana kong pinaglalaruan ang ballpen ko habang nakatulala sa harap kung saan nandun ang prof namin.
Huling klase namin at talagang nakakainip dahil parang mas lalong tumatagal ang oras sa bagal niyang magsalita.
"Hoy..." Mahinang tawag sa akin ni Gwen.
"Oh?" Baling ko sa katabi.
"Himala nasa labas si Inigo? Ihahatid ka?"
Mabilis naman akong lumingon sa tinutukoy niya at agad na napangiti nang makita siyang naghihintay sa labas.
Wala naman kaming usapan ngayon, ah?
Nitong mga nakaraang araw kasi ay nag te-text lang siya kung hindi niya ako maihahatid at hindi pumupunta dito, kaya baka ihahatid niya ako ngayon?
"Siguro...." Sagot ko.
Agad naman akong sumigla at matiyagang naghintay hanggang sa uwian na.
"Love!" Masayang bati ko sa kanya pagkalabas.
"Hey." He's also smiling at me.
I really miss him!
Hindi ko na napigilan at sinugod ko siya ng yakap. Agad naman akong humiwalay at baka mapagalitan ako ng makakita.
"Hindi ka nagsabi?"
"Para surprise?" Natatawang sabi niya.
Inirapan ko naman siya dahil dun.
"Wala kang practice?" Mahina kong saad.
"Hindi na muna. Miss ko na girlfriend ko, e." Nakangiting sabi niya.
Lalo akong sumimangot kahit pa nangingiti na ako.
"Akala ko nakalimutan mo na ako."
"Pwede ba yun?" Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap.
Ang harot naman nito!
"Date tayo?" Bulong niya.
Ilang araw na rin kaming saglit lang kung magkita. Lagi naman kaming nagkakausap sa cellphone lalo na kapag nasa bahay na kami pareho pero iba pa rin talaga kapag ganitong magkasama kami.
Napag usapan namin na mag dinner sa restaurant na madalas naming puntahan tuwing may date kami.
Agad ko namang hinanap si Gwen para mag paalam bago kami umalis. Nakita ko siyang nakasandal malapit sa pintuan ng room, nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin.
"Ayon nakalimutan mo na naman ako!" Sabi niya paglapit ko sa kaniya.
"Sorry na. Libre kita bukas." Pang uuto ko.
Kapag ganito kasi ay alam na niya na may date kami at hindi ako sasabay na umuwi sa kaniya.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay sa kaniya ako sumasabay umuwi.
"Sige na!...... basta libre mo 'ko bukas." Masungit na sabi niya.
Saka siya ngumiti nang naglakad na ako palayo habang kumakaway siya sa akin.
We went to the restaurant for dinner. Akala ko ay pagkatapos nun ay uuwi na kami pero inaya niya pa muna akong maglakad lakad sa park hindi kalayuan sa bahay namin.
"I'm really sorry for being so busy with my training." He sincerely said.
I only smile assuringly to him. Lagi naman siyang humihingi ng tawad sa akin tuwing mag kausap kami sa text o tawag.
"Okay lang, patapos na rin naman yung training niyo. Bawi ka na lang kapag hindi ka na busy."
Huminto kami doon sa isang bench at naupo. Tahimik lang kami na pinagmamasdan ang kalangitan.
BINABASA MO ANG
Fall Apart
Short StoryLumi Eulalia Silvestre is hopeful to marry his long time boyfriend, Inigo. For they already talked about it and decided to marry after they graduated in college. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon lahat ng plano nila ay nasira. And everything jus...