CHAPTER 2

3 1 0
                                    


NAPATINGIN si Amira sa papalayong doctor na kinumutan siya.

What was that?

'Don't cry. Everything will be okay.'

She didn't understand why he did that but what he said made her feel at ease kaya naman tumigil na siya sa pag-iyak.

"Sino 'yon?" Magkasalubong ang kilay ni Draven habang nakapalit-palit ito ng tingin sa kanya at sa papalayong bulto ng doctor.

"Doctor ni Jake?" Di niya alam ang isasagot kaya 'yon nalang ang sinabi niya.

Magsasalita pa sana ang kuya niya ng bumaling ang atensyon niya kay Cooper.Naramdaman niya kasing gumalaw ito.Bahagya itong dumilat at nagsalita.

"Where's Jake?"

"Kakatransfer lang sa room niya." Nilingon niya ang kuya niya.

"Talaga? Tara na puntahan natin si Jake."
Halos takbohin na ni Amira ang kinaroroonan ni Jake pero paika-ika siya dahil isang sapatos nalang ang suot niya. Kaya naman lumuhod si Draven sa paanan niya at hinubad ang sapatos niya at bitbit ito ni Draven habang papunta sila sa kwarto ni Jake.

Si Cooper na ang nagbukas ng pintoan at agad na dumiretso sa tabi ni Jake at nahiga.

"Hey! Umalis ka d'yan, nagpapahinga si Jake." Suway niya kay Cooper pero di ito nakinig at agad na natulog.

Natawa nalang si Draven. "Hayaan mo na, nagkatabi nga tayong lahat habang naliligo sa sarili nating mga dugo. 'Yan pa kaya eh wala lang yan sa mga pinagdaanan natin sa mga misyon."

Tumayo nalang siya lumapit sa hospital bed. Tama ang kuya niya. Kaya naman inayos niya ang kumot ni Jake at kinumutan niya na din si Cooper na mahimbing na natutulog sa tabi ni Jake.

Nang biglang bumukas ang pintoan at nakita nila ni Draven si Matt na halatang lasing at pawis na pawis.

"Sino ang nasakal? Grabeng sakal naman 'yon, nasakal lang inospital na? So weak!" Habang hawak-hawak ang doorknob at palinga-linga sa loob ng kwarto.

Narinig niyang natawa ang kuya niya at nilapitan nito si Matt. "Lasing ka nga." At tinapik-tapik ito. "Halika dito sa loob."

Matt yawned at kumalas sa pagkakahawak ni Draven at tumabi kay Jake. Mabuti nalang at may kalakihan ang hospital bed. Nasa gitna si Jake, nasa kaliwa naman nito si Cooper at sa kanan si Matt. Natawa siya ng bahagyang nakayakap si Cooper kay Jake at nakadantay ang paa ni Matt kay Jake.

She can't sleep kaya she decided to go home and she's about to look for her phone but she can't find it kaya nanghiram nalang siya sa kuya niya at tinawagan si Tofi, after 3 rings sumagot ito at halatang bagong gising.

"Hey, Eagle?"

"It's Amira, come and pick me up here at.." Di niya alam ang ospital na ito kaya nilingon niya ang kuya niya and he mouthed Santiago Doctors Hospital "Santiago Doctore Hospital." Dugtong niya.

"Yes, ma'am." Agad niyang pinatay ang tawag at binigay sa kuya niya ang telepono nito.

Nang mahiga ang kuya niya, napahawak siya sa kumot na bigay sa kanya ng doctor ni Jake at kinumutan ang kuya niya.

"This blanket was for you." Halata sa mga mata ng kuya niya ang panunudyo nito.

"Tumahimik ka nalang d'yan at matulog. Uuwi muna ako at magluluto. Wait for me." Nakapaa siyang lumabas ng kwarto ni Jake at naglakad sa hall way palabas ng ospital ng may naramdaman siyang nakatingin sa kanya. Sino ba namang di titingin sa kanya sa suot at itsura niya? She waited for Tofi. Minutes later he arrived.

Between The TwoWhere stories live. Discover now