I NEED TO GET OUT OF HERE!
Pagapang niyang iniwan si Zeus at nagtungo sa kabilang kuwarto. Nakatagilid niyang tinatanggal ang recorder na kinabit niya kanina.
Nakatingala si Zeus sa kanya. Wala na ang divider wooden craft dahil pwersahang binuksan ito ni Amira na medyo nalakihan. Habang abala sa pagtatanggal ng recorder nagsalita si Zeus.
"What are you doing?" Inis na tanong nito sa kanya.
"You listen to me! Don't tell anyone that you saw me here. Clear?"
"Why? Teka. Ano bang nangyayari?" Nagsimulang gumapang papalapit sa kanya si Zeus.
Nang makalapit si Zeus at nakatagilid na humarap sa kanya, nagsalita si Amira. "You're alone here. You. Never. Saw. Me. Understood?"
Akmang magrereklamo pa sana si Zeus ngunit dumampi sa labi nito ang mga labi ni Amira. She kissed him.
Marahan niyang hinila si Zeus habang nakatayong nakayuko pabalik sa VIP room nito at agad na inayos ang divider. Sinilip ni Amira ang labas ng kuwartong iyon ngunit napakaraming nagkalat na mesa at pagkain. Patuloy parin sa pagpapaputok ang mga lalaking parepareho ang mga uniporme.
She took a step out of the VIP room na kinauukulan ng mga high syndicates kanina. After closing the door, walang takot niyang tinungo ang hall way palabas ng restaurant but it wasn't easy. Alam niyang napapalibutan na siya.
Nang di nakatingin sa gawi niya ang mga lalaking armado agad siyang tumakbo papunta sa mga ito habang yakap-yakap ng kaliwang braso ang brief case. Nang akmang papuputokan siya ay agad na tinakbo ni Amira ang pagitan nila at sinipa ang mukha nito at walang sawang pinagsususuntok sa dibdib, leeg at gilid ng tiyan. When she saw in her peripheral vision that the other guy is about to shoot her mabilisan niyang hinila ang lalaking binugbog niya kanina papunta sa harapan niya ng dahil doon ito ang natamaan ng napakaraming bala. Naiwang nakatayo ang lalaki habang patuloy sa pagbaril ang iilan at agad na tumakbo si Amira sa likod ng block.
Kinuha niya ang baril na nakatago sa likod niya na natatakpan ng leather jacket. It is a Colt M1911, pure matte black with an engraved AMIRA in the slide of the pistol.
Sunod-sunod niyang pinaputukan ang mga ito. Ang ilan ay tinamaan niya sa dibdib, tiyan, hita at braso. Hindi pa iyon natatapos roon dahil madaming lalaki pa ang nagsidatingan na may dala ring mga baril.
Shit.
Agad siyang umikot papunta at tumakbo sa isang hall way na papunta sa restroom. Before going to this secret mission. Amira read and studied the blueprint of this restaurant and she now knows the route of way out. When she opened the restroom she immediately look for the window above the cubicle.
Habang dala-dala ang briefcase pumantong siya sa cubicle at inabot ang bintana. She tried to open the window but it was stuck. She has no choice but to break it otherwise the enemies will break her body.
Binagsag niya ang bintanang gawa sa salamin sa pagsuntok niya dito gamit ang kanyang baril. Agad na inabot niya ang bintana matapos itong basagin at patalon na pumasok dito at nagpagulong siya sa kanyang paglanding sa lupa.
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang tao sa kanyang pinagbabaan at madilim dito. Wala siyang sinayang na oras at mabilisang tumakbo palayo sa likod ng restaurant dahil sa narinig niyang mga yapak ng paa na kakapasok lang sa banyo na sobrang ingay, alam niyang mga kalaban 'yon.
"Wolf!" Habang tinatahak niya ang daan palayo sa restaurant may tumawag sa pangalan niya.
It's Grey.
Agad siyang pumasok sa sasakyan at mabilisang nagdrive si Grey papalayo sa sa restaurant. Hingal na hingal si Amira habang nakaupo sa passenger seat.

YOU ARE READING
Between The Two
RomanceR18 | MATURE CONTENT Would you follow your brain over your heart or your heart over your brain? Choose... Between. The. Two.