CHAPTER 3

2 0 0
                                        

NAKANGITING naglakad si Amira papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan pagkatapos ibigay sa Doctor ni Jake ang niluto niyang pagkain. Di niya alam kung bakit niya ito binigyan basta't ang alam niya lang masaya siya.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Cooper na nakaharap sa dingding. Si kuya naman ay parang may chine-check sa ilalim ng hospital bed. At si Matt naman ay sinusuri ang sugat ni Jake habang nakatayo silang dalawa sa harap ng pintoan.

Anong nangyayari dito?

"They chose the perfect paint for the wall." Habang tumatango-tango ito.

"Tingnan niyo, may tag price pa yung hospital bed."

Habang itinaas ni Matt ang hospital gown ni Jake at tila tinitingnan ang sugat nito ay nagsalita ito. "Wow. Eight stitches?"

Naguguluhang nagpapalit-palit ang tingin ni Amira sa mga kaibigan niya.

"Anong trip 'to?"

"Wala naman." Sabay na sagot ng apat at bumalik sa pagkain at sumunod din siya para kumain.

"Ang sarap talaga ng luto mo Ira!" Di matigil-tigil ang papuri ni Jake sa chicken sopas na niluto niya para dito at natutuwa naman siya.

"Sopas lang 'yan, amin adobo!" Pang-iinggit ni Matt kay Jake.

Sinimangotan lamang ito ni Jake at patuloy na kumain.

"Nawala yung isang paper bag na dala ni Amira-baby." Her kuya exclaimed habang may hinahanap ang kuya nitong si Draven.

"I saw it there earlier." Cooper pouted habang tinuturo ng labi nito ang center table sa mini sala ng room.

Matt let out his teasing eyes while looking at her. "Bakit nawala? Saan mo ba nilagay 'yon, Ira?"

"Hmm. Kanino mo kaya ibinigay?" Dugtong naman ni Jake habang hawak hawak ang kutsara nito.

Agad namang kinabahan si Amira dahil lahat ng ito ay nakatingin sa kanya but she needs to calm down! Hindi puwedeng mahalata ng mga ito na kinakabahan siya.

"Oh. The paper bag?" Simple niyang sabi tsaka kumukuha ng ulam. "I gave it to Jake's doctor."

Mas lalong lumalim ang mga nanunudyong mga mata ng kanyang mga kaibigan lalong lalo na ng kanyang kuya.

"It's just thank-you-for-what-you-did-last-night-food. Nothing personal." Ano pa bang aasahan niya sa mga kaibigan niya? Siyempre aasarin siya ng mga ito.

"Di ako naniniwala."

"Me too." Pagsang-ayon ni Jake kay Matt.

"Me three." Her kuya also agreed.

Napatingin naman ang tatlo kay Cooper at pinandilatan nila ito. "Fine. Me four." Tila sukong-suko na pagsabi nito.

"Bilisan niyo na d'yan kumain! Dadating na ang parents ni Jake." Pangangaral niya sa mga ito at nagpatuloy na kumain.

Mas matatanda pa ito kay Amira pero napailing-iling nalang siya dahil alam ni Amira kung gaano katapang ng mga ito sa battlefield pero mga isip bata pa rin at naglolokohan.

Totoo namang pasasalamat lang yung pagkaing ibinigay niya sa doctor ni Jake. Naalala ni Amira ang mukha ng doctor habang kaharap niya ito kanina. Medyo nainis si Amira dahil parang ang sungit tingnan pero pinipilit niya hindi ma-awkward sa harap nito.

'Dr. Zeus Santiago'

Iyon pala ang pangalan ng doctor ng mabasa ito ni Amira sa pin ng doctor na nasa kaliwang dibdib ng puting coat nito.

Between The TwoWhere stories live. Discover now