Anak ni Voldemort naman talaga. Di naman na ata makatarungan to. Parang isang lingo na akong dilat ah. OK! A bit of exaggeration there. Di kasi ako gaanong nakakatulog nitong nagdaang linggo. Paano ba naman kasi si Tomsy winiwindang ang heart at brain ko. Simula ng magbalik kami galling sa Christmas break, bordering OA na ang pag-intindi at pagiging clingy sa akin. Ayaw ko sana bigyan ng malisya at ayaw ko makasuhan ng pagiging assuming... ayaw ko din namang umasa lang sa wala. Masakit kaya yon. Kaso sobrang sweet talaga nya.
Ilang beses ko na ba syang nakagisnang nakatitig sa akin. Ano yun? Pinapanuod nya kong matulog? My gash! Paano kong biglang tumulo ang lawayko? O kaya humagok ako ng malakas? Diba naman major turn off yun? Pagtinatanong ko naman kung bakit sya nakatingin sa akin, sasabihin nya lang na wala at bibigyan ako ng over-cute nyang ngiti
Every eating time, she never fails na lagyan ako ng food sa plate ko. If we're eating sa dorm, ipagtitimpla nya ko ng Milo pag breakfast at juice naman if lunch or dinner. Bago matulog,, pinagtitimpla bya rin ako ng milk. Feeling ko na nga isa akong prinsesa ng pinagsisilbihan.
Wala ring palya sa paghatid sa akin sa first class ko and fetches me sa last class ko. During practice, andyang lagyan ako ng towel sa likod ko, punasan ako ng pawis, at alukin ng Gatorade every break. One time na natumba ako, kinulit ng kinulit si ate Cha para payagan syang dalhin ako sa clinic. Hello!!! Na out-of-balance lang kaya ako. Ni wala ngang galos o pasa man lang.
Every night, she would try to sing me to sleep. Kaso nga di ako makatulog lalo sa kilig sa mga pinagagawa nya. Kaya most of the time, I would pretend to be asleep. Para makatulog na sya. Syempre ayaw ko naman syang mapuyat.
Ayaw ko bigyan ng malisya. Pero naman kasi di mo naman basta ginagawa yung mga ganong bagay sa isang kaibigan lang, di ba? Nanliligaw ba sya? Eh bakit wala naman syang sinasabi? Hayst, Victonara Salas Galang. Alam mo bang sa mga pinagagawa mo, eh hulog na hulog na ko sa 'yo. Windang na windang na ang mga brain cells ko kakaisip ng justifications sa mga actions mo.
Tomboy na kaya talaga ako? Well, kay Ara lang naman if ever. Ano kaya ang sasabihin ng parents ko? Family? Fans? Team mates? Hayst!
I needed time with my shadow to compose myself at magmuni-muni. Kaya naman this weekend, since wala naman kaming game, I asked permission from Coach Ramil na umuwi muna sa amin. Kaya heto ang beauty ko kasalukuyang nakasakay sa tricycle pauwi sa balai la Reyes.
"Naku po ang alaga ko. Ang laki na. Dalagang dalaga na. At ubod ng ganda. Manang mana talaga sa yaya nya". Yan si ate Gharette, short for Margarita. Yaya ko since 1 month old pa lang ata ako. She went home to her hometown in Larena, Siquijor a year ago para pagsilbihan ang nanay nya. She is just 15 years older than me. Kaya naman lumaki akong parang magkalaro at magkabarkada lang kami.
"Ate Gharette!!! Kelan ka pa dumating? Dito ka na ba ulit sa amin?", I asked embracing her. God! I miss this person. Siya kaya ang nakakaalam lahat ng sikreto ko sa buhay. As in LAHAT!!!
"Hayst! Bakit ba tayo dito sa labas ng bahay nagkwekwentuhan. Pasok muna. At baka mainsecure si aleng Choleng pagnalaman nya ang life plans ko". I guess I need not explain na luka-luka itong yaya ko. Si aleng Choleng lang naman yung kapitbahay naming at nanay ng pumikot sa ex-boyfriend ni ate Gharette na si Lando. Don't tell me, ampalaya pa rin ang peg nitong si yaya.
"Asaan po sila mama?", I asked while she helped me get my stuff inside.
"Naku, bebe gurl, nagpunta muna sa resort ninyo. May event kasi dun this weekend. Di nabanggit ni ate Bhaby na uuwi ka. Bakit bigla kang napauwi, Yeye?", ate Gharette asked as she sat beside me on my bed. Hayst! Kung may isang taong higit nakakakilala sa akin kesa sa sarili ko. Masasabi kong si ate Gharette na yon
BINABASA MO ANG
Perhaps Tomorrow(miKA reyes and aRA galang Fanfic)
FanfictionI never realized just how damaged I had become... never realized just how much of myself I had lost. And I realize all of this now... now that I've understood how much better life should be. I am off the roller coaster ride... and is now ready for...
