Chapter 6: Super Saiyan

1.7K 33 4
                                    

We were at home before 5pm. Katuwa din tong si Aiko eh. Pag may ginawang promise kay mommy, she’d see to it na magagawa nya.  Parang batas lang.  Takot kasi ‘to kay mommy.  Haha!  Kapal din ng balat nitong si kolokay eh. Feeling part of the family na talaga. Walang hiya hiya. Lalo na sa oras ng kainan. Sabayan ba naman kami ni kuya Perry sa lakas sa pagkain. Si mama naman, ayan at alagang alaga siya. 

Aiko, heto tikman mo 'tong binagoongan…",  "O dagdagan mo pa yang kanin mo… ", "Gusto mo pa ng juice?”, walang tigil sa kakalagay ng ulam sa plato ni Aiko.  Aba’t teka lang, sino ba ng grumadweyt?  May memo bang lumabas na si Aiko na ang anak? Haha! Kaloka din tong si mommy. Ang galing mangspoil ng mga kaibigan ko.

Si daddy naman, nakakita ng kalaro ng chess sa kanya.  Pareho naman kaming marunong maglaro ng chess ng kuya ko.  But  to actually have the patience for the game… WALA!  Pareho kaya kaming may pagkaADD  (Attention Deficit Disorder) ni kuya Perry. Si Aiko naman, nung nagsabog ng pasensya ang kalangitan, mukang madami dami ang nasalo. Hayan, tuwing nandito sya sa bahay, di pwedeng mawala ang best of 3 chees match nila ni daddy.  Sa totoo lang mukang mas magaling pa si Aiks sa chess eh.  Nagpapatalo lang sya kay daddy para magood-vibes ang thunders.  Haha!      

 Mukang mas close na rin sila ng mga nakababata kong kapatid na sina Mikole at Miko.  Kanina nga, mas nauna pa siyang binigyan ng hug ng mga ito kesa sa akin na kapatid nila. Grabe din kasing makapagspoil sa mga kapatid ko. Di nakakalimot magdala ng pasalubong. To namang dalawang bulinggit, ang daling suhulan.  Playmate kasi ang tingin nila kay Aiko.  Di minsan ko yang nakitang nakikigapang sa sahig namin habang nakikipaglaro ng combat with Miko. Si Mikole naman madalas pinipiggy back ride nya. Eh ambigat kaya ni bunso.

 Si kuya Perry naman tuwang tuwa din sa kanya.  Paano pareho silang adik sa DOTA.

Sa totoo lang, baka naman di lang ako nasabihan na inadopt na ng pamilya ko tong si Aiko Sweet Urdas.  Worst, baka nagkapalit na kami ng pamilya... haha!  Muka kasing mas mahal na sya ng pamilya ko kesa sa akin. Nakakaselos na ah. Joke! Hihi!

.

.

.

.

.

 After dinner, Aiko joined me sa garden habang inaantay namin ang sundo nya. Magkatabi kaming nahiga sa isang hammock na itinayo nila papa at kuya  sa may gilid hardin at sabay na pinanuod ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda ng langit.  Nakakaakit tingnan ang mga bituin. Parang ang lapit lang nila. Pinaunan niya ako sa braso nya at dahan dahang hinawakan ang kanang kamay ko.

Sure ka na bang sa La Salle ka na magkacollege? Baka sobra kang mastressl doon. Trimester ang academic calendar nila. Tapos may training ka pa ng volleyaball”, she asked

Alam mo namang matagal kong pinangarap na mapasali sa Lady Spikers, di ba? Since that day na inoffer ako nila coach Ramil to join them, wala na kong naging iba pang option kung saan ako magkacollege”, I replied.

Nakakakaba, Aiks. Parang in a snap of a finger, magbabago ang mundo ko”, I added smiling.

Malulungkot ako kasi di tayo magiging magkateam mate. At home na kasi ako sa NU.  Mababait sila lahat doon.  Pero masaya din naman ako kasi alam kong matagal mo ng gusto ‘to. Sana ‘wag mo kong kalimutan ha. At ‘wag na wag mo rin akong aangasan pag naging magkalaban na tayo sa court.  Iiyak ako pagnagkataon.  Ingat ka doon”, bilin nya

Drama mo, Aiks.  Haha! Di mo bagay. Pang horror ka kasi.  Joke!”, I said jokingly sabay gulo ng hair nya.

Sinamaan nya ako ng tingin. Agad naman akong nagPeace sign na ikinangiti nya.

Di nga, pag may nagpaiyak sa ‘yo doon, you know how to contact me. Ako aaway sa kanila for you. Kapag may naging problema ka, I would just be a call or even a text away. Sayang naman ang pagiging Super  Saiyan ko  if di kita maililigtas at maipagtatanggol”, napangiti ako sa sagot nya. Ever since we became close, inappoint ma ata nya ang sarili bilang personal protector ko.

I called her Super Saiyan kasi laging ang serious. Bihirang magsmile. Parang laging mainit ang ulo. A bit intimidating kasi aakalain mong di sya magaatubiling itumba ang lahat ng haharang sa daan nya. Parang si Piccolo lang sa Dragon Ball Z.  Haha! Mataas ako, alam ko. Pero di din naman magpapatalo sa height itong batang ‘to. Ang laki pa ng katawan. Feeling ko nga may bodyguard ako tuwing magkasama kami. Haha! Pero sa totoo lang, she is one the sweetest person na nakilala ko.

Alam ko naman na po yun. Promise! Lagi kang updated sa buhay ko”, I answered giving her chin a soft nudge.

Oist, ikaw. Wag din puro volleyball ha. Huwag na huwag mong papabayaan ang studies. Mayroon expiration date ang pagiging volleyball player. Pero ang edukasyon, di yan makukuha say o hanggang sa pagtanda”, dagdag ko.

Opo, inay!”, napapatawa nyang sagot.

.

.

.

Aiko, andito na si manong Jerry. Papabain ko pa ba?”, sigaw ni mommy galing sa living room

Wag na po, tita. Medyo malayo pa po kasi byahe namin”, sabat nya sabay tayo sa duyan. She helped me stand up…

So I guess this is goodbye for now, Miks”, she said extending her arms for a hug.

For now, my super saiyan”, I hugged her and gave her a kiss in the head.

Hayst… kung sana ikaw na lang ang nagging si crushie… di sana ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Kaso itong si hearty, may pagkamatigas ang ulo at kung sino pa ang pinili.

Hmmm…. Saan na kaya yung babaitang ‘yon? Magkita pa kaya kami?

Hayst! Itulog ko na nga lang ito… tomorrow will be another day.

Perhaps Tomorrow(miKA reyes and aRA galang Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon