Chapter 8: One Fine Day

1.6K 45 9
                                        

"Mika Aereen, gising na. Kala ko ba luluwas ka ng La Salle today", I heard my mom saying..

"Ano na po bang oras, my?", tanong ko sabay sapilitang iminumulat ang mata.

"Aba, mag aalas dyes na po, mahal na prinsesa", natatawang sagot ni mommy

"Mommy naman eh! Bakit di nyo po ako ginising ng mas maaga", I complained as I hurriedly get out of my bed and look for my towel.

"Aba't ang batang ito, ako pa ang sinisisi. Kanina pa po kita ginigising ng alas-otso. Pulos hingi mo ng 5 minutes. Sinabi ko na kasing 'wag ng magpuyat kagabi eh", litanya ng nanay ko.

"Mom, sorry na po. Mamaya na lang po ang sermon. Nagmamadali na nga po o. Di po ako pedeng malate today. First meeting ng Lady Spikers for this school year. Baka mabad trip sa akin si coach", giving my mother a back hug bago ako pumasok sa banyo. Baka magtampo, mahirap pa naman amuhin to.

I took a bath, brushed my teeth and got dressed in record time. Tinalo ko pa ata si Flash. I gave my parents a quick kiss pagbaba ko.

"O di ka na kakain? Lunch na rin ito", concerned na tanong ni mommy

"Di na po. Late na po talaga ako. Ala-una po yung meeting namin. Baka di po ako umabot. NLEX, EDSA at Taft pa naman po ang dadaanan namin. Promise, mommy, kakain po ako pag dating ko ng La Salle", I said as I looked for kuya Perry. He promised to drive me to Manila today.

"Kuya Perry, tara na!"

"Uhmm... Miks, Ayaw magstart ng kotse eh. Pinatulak ko na nga kina Francis. Ayaw talaga. Baka magkaproblema pa pag pinilit nating dalhin", saad ni kuya.

"WHAT!!!!!!! Sa lahat naman ng araw na magpapapansin ang auto mo, ngayon pa", naiiyak kong sambit.

"Sorry talaga, kapatid. Kuha na lang kita ng tricycle", naawang sagot ni kuya.

.

.

.

.

.

I am now aboard a bus going to Manila. Di pa ba tayo aalis, manong driver? Kelangan talaga puno ang bus bago umandar. Nasaan ang hustisya!!!

"Aray!", sumabit ang braso ko sa nakausling staple wire sa may upuan. Matetetano pa ata ako. May naapakan ba akong nuno sa puso at pinarurursahan ako nila friendly dwarfs? Pulos kamalasan naman ata sumasalubong sa akin sa araw na ito. Hayst!. Hingang malalim, Mika. Inhale.... Exhale...

.

.

.

Approaching Valenzuela Exit, bigla namang namatay ang aircon ng bus na sinasakyan ko. Pumugak-pugak ang makina hanggang sa tuluyan itong huminto. May sasagad pa ba sa pagkajinx ng araw kong ito? Nakakaiyak na talaga.

Ring... ring... ring...

"Hello, Aiko. Saan ka?", I asked the caller.

"NLEX, Meycauayan Exit papuntang Manila. Why? I called kasi ask ko if nasa bahay mo ikaw. Daan sana ako after ng training.... ulit. Haha", hulog talaga ng langit sa akin ang friendship kong ito.

"Aiks, I'm on my way to Manila at nasiraan yung bus namin. Dito kami malapit sa Valenzuela Exit. Pwede mo ba akong isabay na lang? Medyo matagalan kasi yung kasunod na bus at saka baka puno na rin yun", pagmamakaawa ko.

Perhaps Tomorrow(miKA reyes and aRA galang Fanfic)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon