Grabe!!! Simula ng dalhin ko si Tomsy sa Hospicio kahapon, naging extra sweet na ito. Not that I am complaining. Quotang quota na nga si hearty sa pagkakilig eh. Umabot na rin ata sa 1gazillion ang pogi points na naccumulate nya. Natatakot na nga ako... slight lang naman. Mukang di na sya si crushie ko. Dama ko sa kaibuturan ni hearty, LOVE ko na siya. Hayst! Masyado kasing pa-fall tong si Tomsy... effortless. Ibig bang sabihin nito, tibam na rin aketch? Dumbledore's beard!!! Mashoshock sila father dear at mother dear pag nalaman nila. Baka idis-own nila ako? Di na nila ko susuportahan sa studies ko... papalayasin sa bahay namin... magiging palaboy sa kalye... at dahil sa gutom eh mapipilitan ibenta ang sari... OK. Enough na, Mika Aireen. Over to the max na sa pagka-OA.
I got a text message from BFF. Any minute now eh dadating na daw sya. Sa kanya kasi ako nagpatulong sa pagbuo ng costume ko for our COSPLAY-themed party mamayang gabi. Pagdating kasi sa mga arts and crafts, milya milya ang layo ng skills ni Jessey sa skills ko. Mukang ng nagsabog ang cosmic ng talent sa art, eh nakatulugan ko. Maganda lang talaga ako. Pero talent sa art, NADA. She also volunteered to do my make up. I feel so lucky at BFF ko ang stick na ito. Ang daming perks. Haha!
Anyways, I am coming as Bellatrix Lestrange. Actually si Luna Lovegood yung favorite character ko sa Harry Potter series. Kaso mas mukang exciting yung get-up ng mahaderang death eater na si Bellatrix kaya I chose her. I took a look at may costume na nakahang sa may wall--- deconstructed black lace gown, long black artificial nails, long messy curly wig (I have to use a wig, ang iksi kaya ng hair ko... thanks to coach.. lol), deconstructed lace gloves, low-heeled black boots, Bellatrix wand replica na inorder pa namin from Noble Collection... PERFECT! Parang Holloween party ang aattendan ko instead of Christmas party ah. Bakit ba? Walang basagan ng trip.
Knock! Knock!
"Miks, nasa labas si Jessey", sabi ni Carol sa likod ng pinto namin.
"Cars, papasok na lang po. Thank you!", I answered.
Knock! Knock!
I opened the door and saw Jessey...
"BFF, I missed you!!!" Sigaw ko sabay yakap kay Jessey. Namiss ko naman talaga tong payatot na 'to. Kaya naman di ko napigilang yakapin siya ng mahigpit.
"Best, I missed you too. Pero let go muna. Bitaw! Hindi na ako makahinga!", ooopppss napahigpit ata ang yakap ko. Sige, ako na ang clingy. Haha!
"Himala, di kayo magkasama ng roommate mo. Asaan ni Arabelle?", tanong nya after mahimasmasan.
"Umalis sila ni ate Kim. Di ko alam saan nagpunta. Di naman nagsabi." Naalala ko. Inis nga pala ako dun sa taong yun. Pano ba naman paggising ko kanina, wala na sa tabi ko. Ni walang pasabi na aalis pala sya ng maaga. Kung hindi pa sinabi ni Cienne, di ko pa malalaman na magkasma sila ni ate Kim. Hayst! Kala ko pa naman sabay kaming magpreprepare para sa party. Kainins!
"Bakit parang may sama ng loob? Affected much sa pag-alis ni roomie ha, Best?" Nanunuksong tanong ni BFF.
"Eh kasi naman BFF, halos inumaga na kami sa pagkwekwentuhan kagabi. Wala man lang syang nabanggit na may lakad sya today. At saka, ni note, walang iniwan. Hmph!" May paghihimutok kong turan.
"Ay ang ale. Affected nga sa sandaling pagkawala ng roommate. Clingy lang ang peg, best? Hmmm... Iba na 'yan ah. May naamoy akong ewan. Mika Aireen, spill!" Sabi ni Jessey habang ginagawa ang final touches sa aking costume.
"Best, hindi ko na sya crush..." Sabi ko kasunod ang isang malalim na bunting-hininga.
"What???!!!! Anong nangyari? May ginawa ba syang major na ikina turn-off mo? Mayroon ka na bang ibang cru..." Alam kasi ni BFF kung gaano kalaki ang crush ko kay Tomsy simula pa noong high school. Siya kaya ang nagconvince sa akin na abangan si Ara pagkatapos ng huling match naming with AUF sa St. Scho Gym dati. Yun yung day na nakita ko sila ni Kiwi.
BINABASA MO ANG
Perhaps Tomorrow(miKA reyes and aRA galang Fanfic)
FanfictionI never realized just how damaged I had become... never realized just how much of myself I had lost. And I realize all of this now... now that I've understood how much better life should be. I am off the roller coaster ride... and is now ready for...