Chapter VIII

77 5 0
                                    

Nagpa-practice kaming dalawa ni Minho ng sayaw kahit wala akong pakealam kung mali-mali yung steps ko.

Wala si Yuri na Choreo namin dahil pinatawag siya ni Mr Lee kung kaya't si Minho lang nagtuturo ng sayaw.

"K-kuya Heiden? M-mali yung steps mo"Rinig kong nanginginig na sabi ni Minho.

Napatigil naman ako sa pagsasayaw saka napaupo na lang at napasandal sa malaking salamin. Tumabi naman sa akin si Minho.

"Ayos ka lang ba Kuya Heiden? Sorry ah pero narinig ko kasing tinawag mong Athena si Ate Alaina. Diba kaibigan mo si Athena na siyang pumilit sayong mag-artista? So ibig sabihin si Ate Alaina pala yon?"Sunodsunod na tanong ni Minho.

Nilingon ko naman si Minho.

"Tama ka, Si Athena at Alaina nag-iisa pero hindi ko siya kaibigan..."Sagot ko. Bigla naman nagtaka yung mukha ni Minho.

"Kung hindi mo siya kaibigan eh ano mo siya?"Takang tanong ni Minho.

Napabuntong na lang ako.

"Siya yung babaeng minahal ko. Ako yung kinukwento niya sayo na pinaglaruan ko siya"Sagot ko.

Natulala naman si Minho dahil sa sinabi ko.

"I-ibig sabihin matagal na kayong magkakilala ni Ate Alaina?"Tulalang tanong ni Minho. Napatango naman ako.

"Oo, gusto mo bang ikwento ko sayo?"

"Sige"

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko kinuwento kung paano ko nakilala si Athena.

"Noon schoolmate ko siya at sa iisang school lang kami nag-aaral. Crush ko na siya noon kaso lagi ko siyang pinagti-tripan kaso wala naman siyang pakealam kahit asarin ko siya"Panimula ko. Nakikinig naman sa akin si Minho.

"Nang makatuntong kami sa college ay mas naging malala dahil noon pa lang barumbado na talaga ako kasama ng dalawa kong kaibigan, si Troy at Zac. Naging playboy ako slash gangster pero kinakatakutan talaga ako dahil isa din akong badboy"Patuloy ko sa pagkukwento.

Nilingon ko naman si Minho na abot tainga na ngayon yung ngiti.

Tsk! Wala pa nga ako sa kalagitnaan ng pagkukwento pero mukhang kinikilig na 'tong isa.

d>>__<<b

"Tapos anong nangyari?"Nakangiting tanong ni Minho.

"Ah eh doon na lang tayo sa dulo ng kwento kasi masyadong mahaba kung ikukwento ko pa sayo lahat"Sagot ko.

"Sige"

"Yung panahon na yon lagi kong inaamin sa kanya na gusto ko siya kaso nagpa-pakipot pa siya sakin hanggang sa dumating na yung araw na hindi ko inaasahan..."Pabitin ko sa pagkwento ko.

Tumingin naman ako kay Minho na excited sa susunod kong sasabihin.

"Anong nangyari? Naging kayo na ba ni Ate Alaina? Ibig sabihin ex mo pala siya?!"Gulat na tanong ni Minho.

Napangiwi na lang ako dahil pinapangunahan niya ako sa kwento eh hindi pa nga ako tapos magkwento.

d-.-b

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon