HEIDEN'S POV
Sobrang saya ko dahil sa wakas nagparamdam na rin si Athena ngayon pagkalipas ng ilang linggong hindi niya pagpaparamdam sakin at sa amin. Ano bang nangyari sa kanya at bakit ngayon lang siya nagparamdam?
Halos araw-araw akong tumatawag sa kanya pero hindi naman siya sumasagot sa tawag ko at pati na rin sa text hindi siya sumasagot. Hays! Bakit ba kasi ngayon lang siya nagparamdam?
Nagda-drive ako ngayon dahil pupunta kaming mall habang katabi ko naman si Athena na nakatingin lang sa may bintana. Nilingon ko naman siya atsaka ako nagsalita.
"Ahm bakit ngayon ka lang nagparamdam? Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo? Halos araw-araw din kitang nami-miss. Tinatawagan kita at mine-message kaso kahit manlang reply o callback wala akong natanggap sayo. Ano ba kasing nangyari sayo? Tapos tignan mo nga itsura mo para kang pulubi"Sunod-sunod kong tanong at sabi habang natatawa dahil mukha nga siyang pulubi. Haha joke!
Bigla naman siyang tumingin sa akin.
"Ahm busy lang ako"Agad na sagot ni Athena sabay iwas sakin ng tingin.
"Busy saan?"Kunot noo kong tanong.
Sumagot naman si Athena kaso hindi nga lang siya nakatingin sakin.
"Sa showbiz... Basta marami akong kinaka-abalahan sa ngayon"Sagot ni Athena.
Napakunot ulit yung noo ko.
"Ah eh halos araw-araw nga rin akong busy kasama ang Purple pero wala ka naman doon kaya sobrang nag-aalala ako sayo at ganun din si Hyu-Ri."Sagot ko din kay Athena.
Mayamaya pa ay nandito na rin kami sa may Mall kaya naman nag-park muna ako.
"Nandoon ako kaso hindi mo lang napapansin."Biglang rinig kong sagot ni Athena.
Hindi naman ako nagsalita. Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng mall. Hinawakan ko naman yung kamay niya ng bigla siyang napatingin sakin.
"Ahm Heiden, may gusto lang sana akong sabihin sayo"
"Ano yon?"
Hindi naman siya sumagot ng sampung segundo habang nakatingin lang siya sakin pero agad din siyang umiwas.
"Ahm wala pala"
Bigla naman ako nagtaka dahil may gusto siyang sabihin sakin pero hindi nya masabi.
"May problema ba?"Tanong ko na may halong pagtataka.
"W-wala"Agad na sagot niya.
Hindi na lang ako nagsalita at umiwas na lang din ako sa kanya.
Naghanap naman kami ng makakainan kaso puno yung makakainan namin pero buti na lang may restaurant dito na kaunti lang yung kumakain kaya doon na lang kami kumain ni Athena.
Umupo naman kami atsaka nag-order. Pagkatapos naman naming umorder ay inantay lang muna namin yung order namin at habang nag-aantay kami ay pinagmasdan ko lang si Athena na mukhang malayong iniisip at nakatingin lang din siya sa malayo.
Hindi naman siya mukhang pulubi 'no atsaka bagong paligo nga siya eh kaso mukha lang talagang haggard at parang kulang din siya sa tulog. Wala din sa ayos yung sarili niya pero hindi halatang nakapang-bahay lang siya na suot ngayon dahil kahit nakapang-bahay lang siya mukhang sosyal pa rin siyang tignan.
BINABASA MO ANG
I'm her lover (SEQUEL)
RomanceSa paglipas ng panahon...hindi ko pa rin malilimutan ang nakaraan kung saan nagsimula ang lahat. Magsisimula akong muli ngunit siya na ang kasama ko habambuhay. Siya't siya pa rin ang tinitibok ng puso ko... -COMPLETE-