Chapter XIII

67 6 0
                                    

"Kuya Heiden?"

Napatigil naman ako sa paghagulgol ng marinig ko ang boses ni Minho. Agad ko naman pinunasan yung mata ko saka humarap kay Minho.

Nagtataka namna yung mukha niya habang nakatingin sakin.

"Umiyak ka ba Kuya Heiden?"Gulat na tanong ni Minho.

"H-hindi napuwing lang"Pagsisinungaling ko. Hindi naman siya nakumbinse sa sinabi ko dahil lumapit pa siya sakin saka pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Wag mo akong lokohin Kuya Heiden...Alam kong umiyak ka"Seryosong sabi ni Minho haban nakatingin sakin.

Napabuntong na lang ako.

"Alam mo naman palang umiyak tatanungin mo pa!"Sagot ko nalang sa kanya.

"Eh bakit ka naman umiyak? May umaway ba sayo? Inaway ka ba ni Hyu-Ri?"Sunod-sunod na tanong ni Minho.

Napabuntong na lang ulit ako.

"W-wala... Teka? Saan ka ba talaga galing? Sabi ni Yuna nag-CR ka daw?"Tanong ko na lang. Bigla naman ulit nagtaka yung mukha niya.

"Y-Yuna? Sinong Yuna?"Takang tanong ni Minho.

Hays! Oo nga pala, hindi niya kilala si Yuna. Pero diba ex yon ni Hyu-Ri? Baka naman kilala niya tapos hindi lang niya matandaan?

"Si Yuna yung ex ni Ri"Sagot ko.

Bigla naman siya napaisip.

"Yuna? Teka? Parang pamilyar siya... Ay! Oo nga! Kilala ko na yon! Yung fangirl... Well, natandaan ko na siya"

"Oh ano kilala mo na?"

"Oo, siya nga pala yung ex ni Hyu-Ri"Sagot ni Minho.

Napaupo na lang ako sa may kalsada kaya napaupo na lang din si Minho na tumabi sakin.

"Alam mo ba Kuya Heiden na matagal ko ng kilala si Yuna? Noon kasi nung nakita kong silang nag-uusap eh nahuli ako ni Hyu-Ri"Biglang kwento ni Minho.

Napalingon naman ako bigla kay Minho.

"Paanong nag-uusap?"Taka kong tanong. Tumingin naman siya sakin.

"Hmmm narinig kong nakipag-break sa kanya si Hyu-Ri"Sagot ni Minho.

Bigla ko naman naalalang kinuwento nga pala sakin yon ni Yuna na nakipag-break sa kanya si Hyu-Ri.

"Narinig ko lahat ng sinabi ni Hyu-Ri kay Yuna kaso nahuli niya akong nakikinig tapos inaway niya ako bigla dahil bakit daw ako nakikinig. Nung panahon na yon nililigawan na niya si Ate Athena kaya siguro yon din yung dahilan kung bakit sila nag-break"Patuloy na pagkukwento ni Minho.

"Paano mo naman nakilala si Yuna?"Taka ko pang tanong.

Napabuntong na lang siya saka niya ulit pinagpatuloy ang pagkukwento.

"Wala lang... nakikita ko lang siya kaya minsan natanong ko sa kanya kung sino talaga siya. Sinabi niya nga kung sino siya hanggang sa makilala ko siya"Sagot ni Minho.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon