Chapter XVIII

77 8 2
                                    


Nakapila kami ngayon para sa huling ride na sasakyan namin ang Wheel of Fate.

Magkasama naman si Zac at Minho dahil masaya daw ka-bonding si Minho sabi ni Zac sakin kanina. So ako hindi?

d>>__<<b

Si Troy at Yuna naman yung magkasama dahil niyaya siya ni Yuna na magkasama silang sasakay ng Ferris Wheel. So ako na lang talaga yung mag-isang sasakay ng Ferris Wheel?!

Tsk! Tsk!

Sabagay para naman makapag-imagine ako.

Sumakay naman na kami kaso magkakahiwalay kami. Napabuntong na lang ako ng makasakay na ako sa may Ferris Wheel.

Nabigla naman ako ng biglang may sumakay na babae dahilan para mapaayos na lang ng upo.

"Hi? Pwede bang maki-ride? Wala kasi akong kasama——Heiden?"

Napalunok na lang ako.

"A-Athena?"

"Ahmmm p-pwede ba akong tumabi sayo?"Nauutal na tanong ni Athena. Agad naman akong napatango saka sabay ngiti ng malawak.

"Oo naman"

Ngumiti din siya sakin tapos umupo na siya sa tabi ko.

Nagsimula naman umangat yung Ferris Wheel ng dahan-dahan at kasabay 'non ang pagtibok ng puso ko habang kasama ko si Athena.

~Mayro'n siyang 'di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights
Walang magagawa dahil nandito na
Magkahalong kaba at pananabik
Ang tuntungang bumuhat sa 'min
Kailanman ay 'di n'ya alam
'Di pa umaangat, loob ko'y nahulog na

Walang umiimik sa aming dalawa ni Athena kundi pareho lang kami nakatingin sa may bintana habang pinagmamasdan ang buong lugar na puno ng mga makukulay na ilaw.

Hindi ko magawang tignan siya dahil nauunahan ako ng kaba atsaka walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Matagal-tagal na rin nung hindi tayo nag-uusap... Alam mo bang maraming nagbago pero ikaw pa rin yung naalala ko"

Nabigla naman ako ng hindi ko inaasahang magsasalita siya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang
Bumaba, bumaba
Bumaba, bumaba
Hanging kay lamig
Ay may binubulong sa 'yo (may binubulong sa 'yo)
Sigaw ng damdamin
Ay mas tahimik pa sa hatinggabi
Ang mundo ay ating minasdan
Habang oras ay bumabagal
Parang ang lahat ay huminto
Larawang dinadala nitong isip ko
Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba

"A-anong naalala mo? A-ako?"Nauutal kong tanong.

Tumingin naman siya sakin.

"Oo, naalala ko yung panahong inaasar mo ako tapos pinagti-tripan kaso sa tingin mo mababalik pa ba yung dating masayang alaala na yon?"Sagot at seryosong tanong ni Athena.

Napalunok na lang ako.

"H-hindi ko alam"Sagot ko na lang sabay iwas sa kanya ng tingin. Hindi naman na siya nagsalita hanggang sa biglang may fireworks na pumutok sa langit.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon