I'M HER LOVER"Heiden Montero?"Tawag sa amin ng isang babae na may suot na malaking salamin sa mata.
"Oh Heiden? Tawag ka na ng talent manager"Biglang bulong ni Zac dahilan bigla akong magtaka.
"Akala ko ba tito mo yung talent manager?"Taka kong tanong pero napangisi lang si Zac.
"Oo, pero hindi lang naman siya nag-iisang talent manager dito tsk"Sagot ni Zac. Wala naman na akong nagawa kaya tumayo na ako at sumunod na ako doon sa babae na talent manager din pala.
d>>__<<b
Pinapasok naman ako nung babae sa parang kwarto kaso nag-aalinlangan pa akong pumasok pero bigla na lang niya akong tinaasan ng kilay kaya wala na akong nagawa kaya pumasok na ako sa loob.
Nabigla naman ako ng biglang bumungad sakin yung tatlong tao na nakaupo na parang judges.
"Good morning, mister?"Bati nung lalaking nasa gitna na kalbo at parang bakla dahil sa tono ng pananalita niya.
"Ah eh good morning din..."Bati ko din. Napalunok na lang ako.
"So... Introduce yourself and tell us what is your talent, favorite actresses/actors and so on"Sabi naman nung babaeng nasa kanan nung bakla.
Napalunok naman ulit ako.
Hindi ko alam kung workshop ba 'to o audition? Feeling ko kasi parang sasali ako ng PBB!
d>>__<<b
"Ahmmm...H-hi, I'm Heiden Montero, 23 years old. My talent is singing, dancing, playing guitar and ukelele. I'm playing basketball also. My favorite actors/actress hmmm...parang wala naman ho hehe"Sagot ko naman sa tanong na yun nung babae at napansin ko naman napataas ulit kilay niya.
"May talent ka ba sa pag-aarte?"Tanong pa nung babae dahilan ilang ulit akong napapalunok.
Hays! Wala akong talent sa pag-arte!
d>>__<<b
"Ah eh..."
Napalunok ulit ako ng bigla na naman ako taasan ng kilay nung babae.
Napabuntong na lang ako at saka ko pinakita ang pag-arte ko kahit mukha akong tanga!
"G-good...magaling ang pag-acting mo at nagustuhan namin ang pag-arte mo. So pwedeng kumanta ka naman?"Yung babae ulit.
Tsk! Paano kaya naging magaling pag-arte ko?
Bakit ba kasi sinali-sali pa ako ni Zac dito eh! Edi dapat sila na lang ni Troy nandito!
d>>__<<b
"Ah eh s-sorry miss but I can't sing..."Sagot ko sabay lunok dahil sa sobrang kaba.
Nagkatinginan naman sila at nagtatakang tumingin sakin."Why?"Sabay-sabay nilang tanong.
"K-kasi ano... namamaos po boses ko"Pagpapalusot ko na lang sagot.
BINABASA MO ANG
I'm her lover (SEQUEL)
RomanceSa paglipas ng panahon...hindi ko pa rin malilimutan ang nakaraan kung saan nagsimula ang lahat. Magsisimula akong muli ngunit siya na ang kasama ko habambuhay. Siya't siya pa rin ang tinitibok ng puso ko... -COMPLETE-