Chapter IX

74 7 0
                                    

Natulala naman ako bigla dahil sa sagot ni Yuna. Ex niya si Hyu-Ri a.k.a Wolf? Baka naman nag-iimagine na naman 'to?

Diba nga die hard fan siya nung lalaking yon?

Whews!

d>>__<<b

"Weh d'nga? Baka naman nagfe-feeling ka na naman diyan"Nakangisi ko na lang sabi kaso bigla na lang siyang napayuko.

"Totoo yung sinasabi ko. Ex ko nga siya"Malungkot na sagot ni Yuna.

Bigla naman akong napaayos ng upo dahil sa sinabi niya kaya gusto kong alamin kung paano sila nagkakilala ni Wolf.

"Paano kayo nagkakilala ni Wolf?"Tanong ko na lang.

Napaangat naman siya ng ulo saka sabay tingin sakin pero agad din napaiwas at tumingin na lang siya sa malayo. Bago naman siyang magsalita ay napabuntong muna siya.

"Noong 14 years old ako, mag-isa lang ako sa may classroom habang nagbabasa ng libro pero hindi ko inaasahang lalapitan niya ako at kakausapin. Pareho kaming 2nd year high school kaso nga lang magkaiba kami ng section pero matagal ko ng naririnig sa mga kaklase ko at sa mga teacher namin na matalino siya at maraming talent... Galing siya sa Korea tapos dito na siya nag-aral."Panimula ni Yuna sa pagku-kwento.

Akala ko ba kaya siya nandito sa Pilipinas dahil para matutong mag-english at tagalog? Pero matagal na pala siyang nandito at sa tingin ko bata pa lang si Wolf dito na siya tumira sa Pilipinas.

Hays! Makinig ka na lang Heiden baka mali pa yung ma-ikwento mo!

d>>__<<b

"Mabait si Hyu-Ri at masayang kasama... Maraming nagkaka-crush at nagkakagusto sa kanya tulad ng sabi ko dahil sa gwapo na nga siya eh matalino pa. Noon kasi wala naman akong pakealam basta mag-aral lang ako ng mabuti eh ayos na sakin atsaka tahimik lang din ako sa klase at hindi rin ako nakikihalubilo sa ibang tao dahil mas gusto kong makapag-isa"Patuloy niya sa pagku-kwento.

"Bakit naman ayaw mong makihalubilo sa iba?"Taka ko naman tanong. Tumingin naman siya sakin saka sabay iwas.

"Dahil kapag pinakisamahan mo sila ang ganda ng sinasabi nila tungkol sayo pero kapag nakatalilod ka na... Sisiraan ka na atsaka marami akong kilalang ganyan kaya mas mabuting mag-isa na lang ako sa buhay at walang kaibigan"Sagot ni Yuna.

Napabuntong na lang ako dahil sa sinabi ni Yuna.

"Mas maganda pa rin kung may kaibigan ka, para sa oras na may kailangan ka may malalapitan ka"Seryoso ko naman sabi."Oh tapos anong nangyari?"

"Hay... Ayun una siyang nakipag-kaibigan sakin kahit ayaw ko dahil aasarin lang ako ng mga kaklase ko pero ang sabi sakin ni Hyu-Ri hayaan ko na lang daw sila dahil makikipag-kaibigan lang naman daw siya sakin... So ayun pumayag na lang din akong maging kaibigan siya. Kapag may nang-aaway sakin aawayin niya din. Kapag malungkot naman ako pinapatawa niya ako pero ang hindi ko malilimutan ay yung kinakantahan niya ako kapag nalulungkot ako"

"Ano naman kinakanta niya sayo?"Tanong ko pa ulit. Tumingin naman siya sakin sabay ngiti ng pilit.

"One less lonely girl"Sagot ni Yuna.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon