Chapter XX

71 5 0
                                    


"N-nagkausap po ba kayong dalawa ni Athena?"Tanong ko.

Nakatingin lang ako kay Mommy habang kumukunot yung noo niya na para bang iniisip yung tanong ko na yun.

"Ah eh Oo..."

"A-ano pong pinag-usapan ninyong dalawa ni Athena?"Taka kong tanong.

"Wala naman... Kinakamusta niya lang lang kami ng Dad mo"Sagot ni Mommy.

Kinakamusta? Ako kaya kinakamusta niya?

"Ah eh... A-ako po?"

"Anong ako?"Kunot noo'ng tanong ni Mommy.

Napabuntong lang ako...

"H-hindi niya po ba ako kinakamusta?"

Hindi naman sumagot si Mommy sa tanong ko.

Hays! Mukhang hindi na niya ako kailangang kamustahin ah!

d>>__<<b

"Ahm sige po, aalis na ako may w-work pa kasi ak——–"Hindi ko naman natuloy yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Mommy.

"Hindi ka niya kinakamusta pero hinahanap ka niya"Sagot ni Mommy na nagpatigil sa mundo ko.

Ano daw? Hindi ako kinakamusta pero hinahanap ako?

d-.-b

"H-huh?"

"Hinahanap ka niya kaso ang sabi ko naman sa kanya nasa work ka"Sagot ni Mommy.

Naistatwa naman ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa narinig ko.

So hinahanap niya nga ako?

"B-bakit naman n-niya ako hinahanap?"Tulala ko tanong.

Tumayo naman si Mommy saka niya hinawakan yung balikat ko.

"I don't know... Bakit hindi mo na lang siya puntahan at tanungin kung bakit ka niya hinahanap"Sagot ni Mommy sabay ngiti ng malawak.

Hindi naman ako sumagot dahil iniisip ko kung bakit ako hinahanap ni Athena sa halip na kamustahin.

Tsk! Ang choosy mo naman Heiden! Atleast hinahanap ka niya!

d>>__<<b

"Ahm ganun po ba... Alis na po pala ako, bye Mom!"Paalam ko.

Ngumiti lang si Mommy atsaka niya ako hinalikan sa noo.

"Okay, mag-iingat ka baby boy"Nakangiting sagot ni Mommy kaya ngumiti na lang din ako atsaka umalis.

***

Nakaupo lang ako ngayon sa may swivel chair habang nilalaro ko yung dulo ng ballpen. Wala pa si Troy pero sabi nung Secretary ko on the way na daw si Troy.

At bakit sa tingin niyo maniniwala akong ON THE WAY na yon?! Well, nasa bahay pa yun at mukhang naliligo pa!

Hays ganun na kasi talaga si Troy noon pa lang kahit nag-aaral pa kami noon lagi niyang sinasabing ON THE WAY na daw siya pero ang totoo nasa bahay pa siya.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon