Nine

26 2 6
                                    

"Sy! Matagal ka pa ba?" Rinig na rinig mula sa kwarto ko ang malakas na boses ni Kuya Ry.

Ano pa nga ba? Talaga namang malakas ang boses niya!

"Pababa na sandali lang!" Nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit.

"Anong ulam?" Tanong ko at naupo na sa pwesto ko. Nasa tapat ko si Kuya Ry habang si Mommy nasa gilid ko.

Square kasi ang dining namin. 6 chairs bakante 'yung nasa tabi kong upuan, bakante rin 'yong upuan ni Daddy.

"Adobo!" Sigaw ni Kuya Ry na akala mo nasa kabilang bahay ang kausap niya.

"Manok? Baboy?" Tanong ko ulit kahit na pwede ko namang tignan, hayaan na baka ma-miss ko rin ang nakaka-rinding boses ng Kuya ko.

"Manok," biglang tumamlay boses niya kaya tinignan ko siya ng seryoso at pinagmasdam pero ngumiti lang siya sa akin at kumuha na ng pagkain, sinandukan niya rin ako ng kanin at ulam.

"Kain na!" Bigla na naman siyang sumigaw kaya tinakpan ko ang tainga ko, moody lang?

"Hatid mo 'ko?" Tanong ko kay Kuya Ry pero tinawanan niya lang ako, baliw.

"Si Kuya Rave maghahatid sa 'yo, tungeks!" Tumawa ulit si Kuya Ry na parang nababaliw. Siraulo.

"Kain na," umupo na si Kuya Rave sa tabi ni Kuya Ry tapos kumain na kami.

"Sy?" Tinawag ako ni Kuya Ry. "Bakit, Kuya?" Lumingon ako sa kaniya, "Ah, wala. Sige ingat sa pag-pasok." Sabi niya sabay takbo palabas. Ano kayang nangyari do'n? Kanina ko pa siya napapansin, parang may iba. Weirdo talaga.

Hinatid nga ako ni Kuya Rave, nagpaalam na ako sa kaniya at bumaba na. Naka-abang naman kaagad si Reine at Fern sa gate.

"Ang aga niyo ata. Anong mayro'n?" Lapit ko sa kanila.

"Naghahanap ng chicks, joke!" Tawa ni Reine habang nakapamulsa ang kamay.

Hindi naman siya pinansin ni Fern bagkus ay naglakad ito papunta sa canteen.

"Ano ayaw niyo bang ma-libre?" Tawag niya sa amin at tumakbo naman agad si Reine. Mukhang libre talaga.

"Naku, may datung ka ata ngayon! Sana lahat!" Akbay ni Reine kay Fern.

Napahinto ako sa paglakad at lumingon sa paligid.

"Teka lang ha? Asan nga pala si Maeve?" Nagtatakang tanong ko, siya lang kasi ang wala.

"Naku, 'wag mo nang hintayin. Hula ko late 'yon!" Tawa ni Fern habang naglalakad. Sumabay na ako sa kanilang dalawa kaysa naman maiwan ako at sabihin na naman ni Kuya na loner ako!

"Dear, upo ka dito sa tabi ko." Dinig ko sa babaeng nasa bungad.

"Uy! 'wag mo na silang tignan baka mag-selos ka lang!" Hatak sa 'kin ni Reine. Kanino raw ako magseselos?

"Hayaan mo na Sy. Ikain mo na lang 'yan." Hinila na nila ako papunta sa pila.

Pagkabili namin ng pagkain ay naupo kami sa bandang gitna, ewan ko ba kung bakit walang nauupo rito. Best spot pa man din 'to.

"'Wag nang magtaka, ayaw nila dito dahil may mga walls! Napapansin mo ba na ang mga nauupo dito ay kagaya mong loner? Walang kasama? Kasi shy sila! Char. Kasi mas gusto nila na hindi makita ng ibang estudyante. Gets?" Tila nabasa ni Reine ang iniisip ko. May telepathy ka ba? Share mo naman 'yan.
"Ah. Okay." Sabi ko bago kumagat sa burger.

May biglang sumulpot. "Kanina pa ako paikot-ikot sa campus! Nandito lang pa kayo! At dito niyo pa naisipang pumwesto? Sa pwesto na hindi makikita ng iba? Grabe!" Hinihingal na umupo si Maeve.

"Sino ba kasing nagsabing magpa-late ka? Sisisihin mo pa kami!" Pabirong sabi ni Fern. "O, siya bumili ka na nang iyo, para naman kahit papa'no mapawi ang inis mo. Alam kong hindi ka pa nag-almusal," Sabay na silang pumunta sa pila.

Habang hinihintay namin sila, dumukdok ako at umidlip. Siguro napagod ako kakaiyak kagabi. Napuyat ako kakaisip sa mga bagay na hindi ko na mababago. 

Niyugyong ako ni Maeve sabay sabing, "Sy, halika na. Malapit na ang bell. Pagod ka pa? Ilang minuto ka na kasing tulog. Kung masama 'man ang pakiramdam mo, sabihin mo lang. Ako na ang magsasabi sa subject teacher natin." Look how concern she is.

Natutuwa ako dahil sa tingin ko ay tama lang na napili kong magkaro'n ng kaibigan, kahit bilang lang sa daliri. Nakikita ko naman kung totoo sila o hindi. Kusang sumigla ang mga mata kong nalugmok sa pag-iyak. Nakakatuwa lang isipin na ang napili kong kaibigan ay totoong nandiyan para sa akin. Kita ko sa kaniyang mata ang sinseridad na matagal ko nang hinahanap-hanap.

"Okay lang ako, napuyat lang talaga ako." Tumayo na ako at umakbay naman sa 'kin si Fern sabay bulong, "Usap tayo mamaya sa coffee shop. May mga gusto lang akong sabihin." Nakangiti siya pero pansin pa rin ang pamumula sa mata niya. Umiyak 'to. Pero hindi ko na inusisa, kailangan pa bang tanungin? Hindi ko malaman kung ano ang tama o maling gawin.

"Tayong dalawa lang ba?" Tumango naman siya kaya napaisip ako, personal kaya ang sasabihin niya? "Sige. I'll let you speak. I'm here to hear every word that you'll say." Ngumiti lang siy sa 'kin.

Pumasok na kami sa klase. 'Di ko maintindihan kung ano ang sinasabi ng teacher namin, alam kong kanina pa siya nagsasalita at nag-eexplain. Pero tila lumulutang ang isip ko kung sa'n. Patuloy lang siya sa pag-salita.

Nag-quiz kami at kalahati lang ang nakuha ko, masaya na ko ron dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko naintindihan ang sinabi ng guro namin.

Ikinataka naman ng mga kaklase ko ang kinalabasan ng score ko na ikinagulat ko naman.

"Ma'am, hindi po ba mali ang score ni Sylene?" Tanong ng isa sa babaeng kaklase ko. Hindi ko alam ang pangalan niya pero naaalala kong naging kagrupo ko siya sa subject na 'to.

Tinignan naman ng teacher namin na ikinahiya ko, dahil alam kong ito na talaga ang score ko. 'Di ko masyadong naintidihan ang aralin kaya alam ko na tama lang ang score ko.

"I double checked it. And it turned out same." Sabi ng guro. Tumingin silang lahat sa 'kin. Nahihiya ako. Sa tingin ko kasi hindi naman sila madalas na tumingin sa 'kin.

Lumabas na ang tecacher namin dahil susunod na subject na, lumapit naman sa 'kin sila Maeve.

"Hala, anong nangyari? Bakit gano'n ang score mo?" Tinawanan ko lang siya na nagpakunot sa noo niya.

"Sa palagay ko naman ay gano'n talaga ang score ko. Hindi ko kasi masyadong naintindihan ang lesson ngayon." Bakit kaya nababahala silang lahat? Pero ako, parang wala lang sa 'kin. Dahil alam ko namang ako ang nagkamali rito, hindi ang score ko.

"May sakit ka ba talaga? Masama ba ang pakiramdam mo? May problema ka ba?" Inalog-alog ako ni Maeve.

"Magsabi ka lang, nandito lang naman kami. Girl, friends tayo dito. Kung nakalimutan mo 'man." Sabi ni Reine. Tumango lang ako sa kanila. Bumalik na rin sila sa kaniya-kaniyang upuan dahil nandiyan na ang teacher namin.

Nag-focus na lang ako sa lesson, baka kapag nag-quiz na naman ay tumingin na naman sila sa 'kin. Hindi ko na kaya 'yon. Hiyang-hiya na 'ko.

Buti na lang 'di kami nag-quiz, may time pa para mag-review mamaya kung sakaling magpa-suprise quiz si Sir.



_Zyd

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Woman with beige skin Where stories live. Discover now