Two

56 15 19
                                    

"Anong klaseng project daw ba 'to?" Tanong ko at tumabi kay Maeve. Gusto kong harapin ang kinatatakutan ko, kung natatakot nga ba talaga akong mapalapit sa isang tao.

"Hindi ka na naman nakinig? Mag-abot ka na lang ng pan-dikit ayokong mag-explain," sabi ni Reine at tumawa na parang baliw.

“Hindi ba by four 'to? Kulang tayo ng isa,” sabi ko at kumunot ang noo.

"Nakikinig ka naman pala, Sy. Oo by four daw 'yon kaso 'yung isang ka-grupo natin may sakit kaya hindi siya pumunta," paliwanag ni Reine kaya tumango ako at tumingin sa labas.

"Ano raw pangalan?" Nagtanong ako ulit at si Maeve ang sumagot.

"Fern. She have a fever. Baka bukas pumunta siya," paliwanag ni Maeve at nag-dikit ulit.

Hindi ko kasi masyadong kilala ang mga kaklase ko dahil wala naman akong pakialam nakikilala ko lang sila o nalalaman ko lang pangalan nila kapag may ganito kapag may groupings. Ewan ko masyado na ata akong anti-social.

Sa totoo lang si Reine nga lang ang kakilala ko sa room.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya inilabas ko mula sa bulsa.

"Mommy? Bakit ka tumawag? Mamaya pa po ako uuwi," sabi ko at tumingin sa baba.

"No. You're going home now. Isama mo ang Kuya Ry mo." Medyo nakakatakot na sabi ni Mommy kaya tumingin ako kay Reine at alam niya na ang nangyayari kaya bumaba na ako agad at nakita si Kuya kasama ang kapatid ni Reine.

"Kuya, uwi na daw tayo. Nagagalit si Mommy," sabi ko kaya tumango naman si Kuya at tumayo na.

Sabay kaming pumasok sa kotse at pinaharurot na ka-agad ni Kuya ang sasakyan.

"Bakit daw?" Tanong niya at nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit kami pina-uuwi.
Pag-katapat namin sa bahay ay bumaba na ako agad at pumasok sa bahay.

"Mom—Kuya Rave?" Gulat na tanong ko at yumakap kay Kuya.

"Sy, kumusta na?" Tanong niya sa akin at yumakap pabalik.

"Ayos lang ako Kuya, ikaw? Kumusta?" Tanong ko pabalik at ngumiti naman siya sa akin.

“Ayos lang din,” sabi niya at kumawala na sa yakap ko.

"Mom—oh? Bro?" Gulat na tanong din ni Kuya Ry.

"Ry, ang laki mo na," tumatawang sabi ni Kuya Rave at umakbay kay Kuya Ry.

"Naman! Inson ata 'to!" Mayabang na sabi ni Kuya Ry kaya tumawa kaming apat.

"Kailan ka pa bumalik, Brother?" Tanong ni Kuya Ry, parehas pa kami ng tanong.

"Kahapon pa," sabi ni Kuya Rave at pumunta sa kusina kaya sumunod kami.

"Bakit pumangit ka?" Mapang-asar na sabi ni Kuya Ry.

"Baka ikaw 'yung pumangit." Sabi ko kaya tumingin siya sa akin ng masama.

"Oy! 'Wag kayong mag-away!" Awat ka-agad ni Kuya Rave at pumagitna sa amin ni Kuya Ry.

"Ayaw pa kasing umamin na pumangit siya lalo," sabi ko habang nakangisi.

Kanina mo pa ko pinagtritripan, e. Ako naman mang-aasar sa 'yo ngayon.

"Mommy, 'di ba pumangit si Kuya Ry?" Tanong ko kay Mommy at tumango siya kaya tinawanan ko si Kuya Ry na inis na inis na at parang gusto na akong tirisin.

"Wala pangit mo kasi Kuya," sigaw ko at tumakbo palabas kasi baka masapak niya ako.

Naghabulan lang kaming dalawa hanggang sa mapagod siya at na-upo sa kalsada kaya sinigawan siya ni Mommy.

"Ry, tumayo ka diyan! Mahirap mag-laba!" Sigaw ni mommy pero matigas ang ulo ni Kuya at hindi pa rin tumayo kaya binato siya ni Mommy ng tsinelas at tumama sa tagiliran niya.

Tumakbo na ako ulit dahil alam kong hahabulin niya na ako.

Tumakbo lang ako nang tumakbo habang si Kuya Ry hinahabol pa rin ako.

Nahabol niya ako dahil may tumisod sa akin.

Tinignan ko nang masama 'yung lalaki at tinaasan siya ng kilay "'Di ka ba magso-sorry?" Inis na tanong ko.

Hindi siya nag-salita at inisnaban lang ako, "Tadyakan kita, e!" Banta ko pero umakto siyang parang walang narinig.

Umiinit ang dugo ko rito sa lalaking 'to.
"Hindi ka talaga mag-sosorry? Abah! Kung lumpuhin kaya kita?!" Inis na sigaw ko at akmang tatadyakan na siya pero syempre may panira hinawakan na ako ni Kuya Ry.

"Bitawan mo ko Kuya!" Sigaw ko at binitawan niya naman ako at muntik na akong masubsob kung hindi ko na-ibalanse ang sarili ko, pero hinawakan ako nung lalaki.

"Bitaw nga!" Tinignan ko nang masama 'yung lalaking tumisod sa akin at nag-lakad na papunta sa bahay.

"Buti nga sa 'yo," sabi ni Kuya Ry kaya pinalo ko siya.

"Pag-nakita ko ulit 'yon tatadyakan ko na talaga," bulong ko kaya tumawa si Kuya Ry.

"Chill ka lang, Sy." Sabi niya at ginulo ang buhok ko bago pumasok sa loob ng bahay.

"Mommy, babalik ako kila Reine may project pa kaming gagawin!" Sigaw ko at umakyat sa kwarto para mag-palit ng short.

"Rave, ihatid mo nga si Sy kila Tito Brine mo!" Rinig kong sigaw ni Mommy.

Kumuha lang ako ng pera sa drawer ko at bumaba na.

"Mommy, sasama ako." Sigaw ni Kuya Ry at tumango naman si Mommy.

"Yes!" Mahinang bulong ni Kuya Ry pero narinig ko kaya tinawanan ko siya.

"Sa likod na ako," sabi ko at pumasok sa backseat.

"Good choice, Sy." Sabi ni Kuya Ry at sumakay sa passenger seat.

Naiwan ko pala 'yung sundae at fries ko kila Reine nakakainis naman. Hindi ko pa nakakalahati 'yon.

Pumasok ako agad sa bahay nila Reine at umakyat papunta sa kwarto niya.

"Oh? Bakit ka pina-uwi?" Tanong niya sa akin.

"Si Kuya Rave umuwi na," sabi ko at kumuha ng fries hindi na mainit bwisit.
"Si Kuya Rave?" Sigaw niya at dali-daling bumaba.

Close kasi namin si Kuya Rave. Mas mabait siya kaysa kay Kuya Ry na pasaway at puro kabulatawan ang alam.

Ako pa ang laging inaasar kaya minsan hindi kami mag-kasundong dalawa.

"You must be Fern," baling ko sa medyo maputing babae na nasa tabi ni Maeve.

Matangkad siya at may buhok na kulay ash bremod na hanggang balikat niya may kulay gray din siyang mata, ang ganda ng mata niya.

Napatitig ata ako ng matagal sa kaniya kaya inalog-alog pa niya ako.

"I'm Desirae Fern, ikaw? Anong pangalan mo?" Masiglang tanong niya na parang hindi siya nag-kasakit.

Napaawang pa ang bibig ko dahil mas maganda siyang tignan kapag malapitan "Sylene, Sy na lang." Ngiti ko sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin pabalik.

"Kayo magkakilala na kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Maeve.

"We're cousins," sabay na sabi nila kaya halos maubo ako.

"Magpinsan din kayo?" Gulat na tanong ko at tumango naman silang dalawa.

Ayos pala 'to, e. Cousins to cousins. Wow! Just wow!

Kaya pala medyo magkahawig sila, medyo lang.


_Zyd

Woman with beige skin Where stories live. Discover now