Five

43 11 16
                                    

"Sylene!" Isinigaw ni Reine ang pangalan ko kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Ang lapit-lapit ko, bakit ka ba sumisigaw?" Baling ko kay Reine.

Kailangan pa ba talagang isigaw? Ang epal talaga ng babaeng 'to.

"Wala lang, Fern search mo na," baling niya kay Fern habang sumisipsip.

"Wait, ang dami namang friends ni Ky ang hirap mag-hanap," sabi ni Fern at nag-hum.

Determinado yata talaga silang malaman ang name. Though, I don't care, hayaan na lang natin sila sa gusto nila.

"Try mo kasi i-search 'yong apilyedo niya baka sakaling lumabas," suggest ni Maeve kaya 'yon ang ginawa ni Fern.

"Ang galing mo ah! Lumabas kaagad," sabi ni Fern at nakipag-apir kay Maeve.

"Elian Huxley," basa ni Maeve.

"Wow naman! Iba ang name, may lahi pa yata," tawa ni Reine. Hindi man lang nahiya.

"Saan tayo magkikita bukas? Sa bahay niyo ulit Reine? O sa bahay niyo Fern? Ikaw, Maeve?" Sunod-sunod na tanong ko para maiba ang topic dahil naiinis lang ako.

"Sa bahay niyo na lang kaya, Sy?" Sabi ni Maeve kaya tumango ako.

"Gawa kayong gc, DeSyReMaeve lagay niyo," sabi ko at tumingin sa labas.

Lumapit ako sa counter, "Kuya Vaughn, padagdag po ng ice," sabi ko at hindi pinansin ang lalaking kinaiinisan ko.

"Sige, Sy. Hintayin mo na lang ipupunta ko sa table niyo," sabi ni Kuya Vaughn kaya nag-lakad na ako pabalik sa table namin.

"Sy, confirm mo." Sabi sa akin ni Maeve.

"Sa 'kin din, confirm mo," sabi ni Fern kaya inilabas ko ang cellphone ko at inopen ang facebook.

"Okay na," sabi ko at sumandal.

"Anong ig mo?" Tanong ni Maeve. May i-istalk na naman ako. Char!

"Sy_Inson, ikaw ano sa 'yo?" Tanong ko pabalik at nag-browse.

"Its_Maevel," sabi niya at nag-follow request sa 'kin, finollow ko na siya. Parang Its_Marvel naman username niya. Joke! Tumingin naman ako kay Fern. Pinipigilang matawa. Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko!

"Des_Cafiéro," sabi niya kaya sinearch ko at lumabas naman kaagad ang dami niyang follower, huh?

"Breine_Lacroix sa 'kin," sabi ni Reine.

"Tinanong ko ba?" pambabara ko sa kaniya kaya tinignan niya ako ng masama tumawa lang naman sila Fern. 
"Sana all madaming followers haha." Tawa ko habang ini-stalk si Fern.

"Sana all daw marami rin naman sa kaniya," sabi ni Reine, papaluin ko sana siya pero may lumapit sa amin.

"Thank you, Kuya Vaughn," sabi ko at kinuha na 'yong inumin ko, sanay naman na siyang nagpapadagdag ako ng ice.

Aalis na sana si Kuya Vaughn kaso nag-salita si Fern, "Wait po, ito po bayad namin," sabi ni Fern at nag-abot ng isang libo.

Babaryahan na sana siya pero nag-salita siya ulit, "Keep the change po, aalis na kami," sabi ni Fern kaya tumingin ako sa paligid at nakita si Ky na palapit kaya nag-madali na rin ako.

"Bye, Kuya!" Sabi ko bago lumabas.

"Bakit ba 'yong Ky?" Tanong ni Reine.

"Hindi sila ayos, 'yon lang," sabi ni Maeve at umakbay kay Reine.

"Sus! Kitakits bukas," sabi ko at sumakay na sa sasakyan ni Kuya Rave, nadaanan kasi niya kami.

"Ingat, Sy!" Sigaw nila at kumaway.

Woman with beige skin Where stories live. Discover now