Eight

89 10 21
                                    

“Uuwi na kayo?” Tanong ni Maeve kaya tumango kaming tatlo.

“Take care, guys, kitakits tomorrow!” Masayang sabi ni Maeve at hinatid kami sa labas.

“See you tomorrow!” Sabi namin at sumakay na sa kotse ni Reine.

“Kabilang kanto lang ako,” sabi ni Fern habang nakatingin sa labas.

I put my earphones and started to read some quotes.

“Bye! Ingat sa pag-drive!” Kaway ni Fern kaya kumaway ako pabalik.

“Uuwi ka na rin?” Tanong ni Reine kaya tumango ako, hindi pwedeng gabing-gabi na akong uuwi magagalit si mommy.

Bumili lang si Reine ng sundae at fries at hinatid na ako pauwi.

“Sylene, anong oras ka na umuwi, oh?” Bungad sa akin ni Kuya Ry kaya napairap ako, mangaasar nanaman siya sarap i-tape ng bibig, kadaldal.

“Mag-aalas syete,” pilosopong sabi ko.

“Ha! Namimilosopo ka na ngayon? Saan mo natutunan 'yan?” He scoffed.

“Sa 'yo,” sabi ko at umakyat na.

Hindi naman kasi titigil ang bibig no'n kakasalita kung hindi pagagalitan ni Mommy o kaya kapag kasama namin si Kuya Rave. Rinding-rindi na ako sa boses ni Kuya Ry lalo na kapag inaasar niya ako.

“Sy, kakain na,” bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Kuya Rave na nakasilip, hindi ko pala na-lock.

“Sunod ako, Kuya,” sabi ko kaya tumango si Kuya at isinarado na ang pinto.

Biglang nag-vibrate phone ko may notifs.

Maeve: Recollection next week!

Fern: Paano mo nalaman? Tsismosang 'to. Char.

Maeve: Duh. Sinabi lang sa akin.

Reine: Nino? Legit 'yan? Recollection here we go!

Maeve: My friend! Si Rin, kilala niyo ba?

Sy: How did she know?

Fern: President ba naman ng school? Hahaha. Kakain na 'ko babush.

Maeve: Wag ka sanang mabulunan, Desirae.

Reine: Malunok mo baso, Fern. Hahaha. Jk.

Sineen ko na lang sila at bumaba na dahil sumisigaw na si Kuya Ry. Rinding-rindi na nga ako sa boses niya sisigaw pa siya.

“Nandito na 'ko, 'wag ka ngang sumigaw, Kuya,” iritang sabi ko at na-upo na.

Na-upo na rin si Mommy, we prayed tapos kumain na, “Seaves Ryker! Ano na namang ginawa mo? Pinapatawag na naman ako sa school mo!” Biglang sumigaw si Mommy kaya nagkatinginan kaming tatlong magkakapatid, 'di ko na lang pinansin at nag-patuloy sa pagkain.

“Rhea,” biglang sabi ni mommy kaya tumingin ako sa kaniya. “Yes, Mommy?” Baling ko sa kaniya kinakabahan sa sasabihin niya.

Bakit ba ako kinakabahan?

“You're staying at your Tito's place,” sabi ni Mommy kaya napaisip ako kung kaninong bahay ako makikitira, ang dami ko kayang Tito.

“Which one?” Tanong ko habang nakatingin kay Kuya Ry. “Kila Jayne.” Sabi ni Mommy kaya nakahinga ako ng maluwag.

“When?” Nakangiting tanong ko. “Next week.” Sabi niya kaya naalala ko 'yong sinabi Maeve.

“Mommy, recollection namin next week,” sabi ko habang nilalaro ang kamay. “That's great,” nakangiting sabi ni Mommy, akala ko hindi siya papayag.

Woman with beige skin Where stories live. Discover now