One

105 17 17
                                    

Nagbabasa lang ako nang tahimik, patuloy lang ako sa pagbasa ng bawat salita sa librong hawak ko, iniintindi ang bawat linyang nakasaad.

Habang nag-iimagine ako panay ang tawag sa akin ng kapatid ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy pa rin ang pagbabasa.

Hindi ko siya kinikibo at panay  lang ang pagtitig ko sa kaniya ng masama, hindi man lang siya nainis bagkus ay tumawa pa.

Dumoble ang inis na nararamdaman ko na gusto ko nang ihambalos sa kaniya ang librong hawak ko pero naalala kong mahal ang librong 'to kaya 'wag na lang.

"Rhea," tawag na naman sa akin ni Kuya.

"What?" I asked annoyed,  palagi na lang kasi niya akong tinatawag para asarin o kaya naman pinagtritripan niya 'ko, kaya kanina pa ako nababanas. Nilingon ko na lang siya para tumigil na ang bibig.

"Wala lang 'yon, Sylene Rhea," sabi niya kaya halos sabunutan ko na siya at buti na lang at napigilan ko ang sarili ko, bakit ba kailangan niya pang banggitin ang pangalan ko?! Alam niya namang ayaw na ayaw kong mabanggit ng buo ang pangalan ko!

Sobra na ang pagkapikon ko sa kaniya. Kung hindi ko lang talaga siya Kuya!

"Stop messing with me, Brother," sabi ko at umakyat na lang  para pumunta sa kwarto ko.

Sira nanaman ang araw ko ng dahil kay Kuya Ry.

Ibinalik ko na sa shelf ang hawak kong libro at kinuha ang cellphone.

"Seaves Ryker Inson, wala ka bang matinong gagawin?" Sigaw ni Mommy kaya tinakpan ko na lang ang tainga ko dahil magtatalak nanaman siya.

Sawang-sawa na ako sa ganito, araw-araw na lang akong pinagtritripan ni Kuya tapos kakausapin siya ni Mommy ng pasigaw at rinding-rindi na ang tainga ko.

"Mommy, pupunta lang po ako kila Reine para po sa group project," paalam ko kay Mommy at ipinagdadasal ko na pumayag siya.

"Umuwi ka rin agad," sabi ni Mommy at bumaling ulit kay Kuya kaya nakahinga ako nang maluwag.

Nagmamakaawa naman ang mukha ni Kuya na tulungan ko siya na makatakas kay Mommy.

Para siyang tuta na gustong kumawala sa tali. I took picture of him before facing our Mother.

"Mommy, 'di ba you don't want me to drive a car? I can't commute I need Kuya to drive for me," sabi ko at tumingin kay Kuya.

"Sige. Ry, ihatid mo ang kapatid mo kila tito Brine mo, at umayos ka! Susunduin mo rin si Sy pauwi, understand?" Medyo pasigaw ang pagkasabi ni Mommy kaya medyo napalunok ako tumango-tango naman si Kuya kaya kumaway na ako kay Mommy.

"Bye, mommy!" Sabi ko at kumaway naman pabalik si Mommy.

"Umayos ka ng pagmamaneho, Ry ha? Be safe." Kumaway ulit si Mommy at pumasok na sa bahay.

"Thanks, Rhea." Ngumiti sa akin si Kuya Ry.

"Don't call me Rhea! At saka you will treat me something kasi tinulungan kita kahit na kanina mo pa ako pinagtritripan!" Sabi ko at tinawanan niya lang ako at tumango.

Nag-drive thru lang kaming dalawa bago dumeretso sa bahay nila Reine.

"Sy? Ry? What are you doing here?" Tanong ni Tito Brine.

"Uh... Tito may gagawin po kaming project ni Reine tapos hinatid ako ni Kuya kasi ayaw akong pag-drivin ni Mommy kasi 'bata' pa raw ako," paliwanag ko at tumango naman si Tito bago kami papasukin ni Kuya.

"Reine?!" Sigaw ko at dali-dali naman siyang tumakbo pababa.

"Sy! Halika sa taas, ano 'yan? Fries? Pahingi," sabi niya at kinuha kay Kuya ang pagkain.

"Ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami paakyat.

"Boring sa bahay. Naasar lang ako kay Kuya pinagtritripan niya nanaman ako," sabi ko at tumawa lang si Reine kasi sanay na rin naman siya. Everytime I feel bored pupunta ako kila Reine, and I'm not quite sure kung bakit everytime na pupunta ako rito tinatanong ni Tito kung bakit. E, he knows naman na close na close ko si Reine.

Sometimes it doesn't make sense.

Pumasok na kami sa kwarto niya at may nakita akong hindi pamilyar na babae kaya tumingin ako kay Reine nagtatanong kung sino 'yung babae.

"Ah! Maeve si Sy pinsan ko, Sy si Maeve ka-grupo natin sa project," pagpapakilala sa amin ni Reine kaya tumango ako. Hindi alam ang sasabihin o ang i-rereact. Nakalimutan ko na kung ano ang ini-rehearse ko noon!

I'm not a social person. I do not have lots of friends, and actually I really don't have a friend. Or I had? Not sure. It's not like I am not friendly, I just find it more comfortable if I am alone, or kapag ang kasama ko is mga pinsan ko or 'yung talagang close ko.

Minsan, my family was bothered by this, kasi they thought I don't have friend kasi nabubully ako or something, but the truth is ayaw ko lang talaga. Saka parang feeling ko kapag may kaibagan ako tapos na-attach ako ng sobra sa kanila, in the end I will be left with lots of scars and wounds. Not physically.

I guess I'm just scared. Scared to be attached to someone. Alam ko kasing masakit.

"Sylene, Sy na lang." Ngiti ko at inabot ang kamay para mag-shake hands kami. Nahihiya nga ako kasi ang tagal niya na pa lang nakatingin sa akin.

"Maeve Alexia, Maeve na lang," ngumiti rin siya pabalik at nakipag-shake hands sa akin.

May project pala talaga kami palusot ko lang 'yon, e.

Pumunta ako sa cr ni Reine at nag-stay do'n for 10 minutes.

Takot ba ako sa tao or takot lang talaga akong maiwan? Maiwan na puno ng katanungan?

Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto. Puno ng katanungang ilang beses nang sumagi sa isipan. Mula noong nangyari ang insidenteng ayaw ko nang ma-ulit.

Siguro nga 'yon ang dahilan kung bakit ako mailap sa tao. Masisisi mo ba ako? Dahil sa sakit na naramdaman ko ay para na akong pagong na sa tuwing lalapit ang tao ay magtatago? O kagaya ng makahiya na kapag nasagi o na-aling ay titiklop?

Sadyang mahiyain nga lang ba talaga o takot nang mapalapit sa ibang tao?

Naghilamos ako ng mukha at lumabas na sa cr na may ngiti.


_Zyd

Woman with beige skin Where stories live. Discover now